(A/N: Hi guys! Oo. Ito na talaga. Malapit nang magKAMABUTIHAN ng todo-todo sina Kyle at Hannah. Sa'n po kayo boto? Kay Hannah at James, o Hannah at Kyle? Sonia at James, o Sonia at Kyle? ;) Hehehe! Comment lng po kayo. Thanks :* Haha! Love you! ~ ChenChen)
CHAPTER 9 - Rivals to Allies?
Hannah's POV
Sunday..
"Ano ka ba, Hannah?! Hindi ka parin ba titigil sa pagiging madaldal mo?!" sino pa nga ba, eh di yung bestfriend kong mahilig manigaw kahit sa public. -__-
Hay! Kinikwento ko lang naman kung anong palabas kagabi sa t.v, eh. By the way, nandito kami ngayon ni Monette sa S.M at naglalakad papunta sa isang Music Store kasi maghahanap ako ng isang amplifier para sa aking acoustic-electric guitar. Tapos, habang naglalakad kami at kinikwento ko sa kanya ang napanood ko sa live concert ng PARAMORE kagabi (na napanood ko sa youtube), eh bigla nalang naninigaw kahit andaming tao dito sa mall.
"Wow. Kung makasigaw, WAGAS?! Hindi ka ba nahihiya, Monette?" tanong ko sa kanya. Ano ba kasing klaseng lalamunan ang meron ng babaeng 'to? Nakakarinde. Kung hindi nga lang kita bestfriend, nakuu! Iiwan talaga kita rito. -__-
"Daldal mo kasi, eh! Manahimik ka na lang pwede?" tsk. talaga tong babaeng 'to oh. Parang di nya na nasanayan tong ugali ko.
"Fine. Tatahimik na po."
Pumasok na kami sa Music Store. Pinuntahan agad namin ang mga nakahilerang amplifiers. Naku, ang la-laki! Wala bang mumurahin dito? Naglibot pa kami ni Monette nang nakita kong may isang maliit at mukhang mumurahing amplifier na nakasandal sa pader malapit sa corner ng store.
Agad ko itong pinuntahan nang nakita kong may babaeng naka una sa pagkuha ng amp sa kanyang lalagyan.
"Uhm. Miss. Kukunin ko na sana yan, eh!" sabi ko sa babae nung hinigit ko ang amp pero hindi nya 'to binitawan. Pinag-agawan talaga namin ang amp, ha! Tsk.
"Ano bang problema mo, Miss?! Ako ang naka una dito, eh. Ang dami mo nang naagaw sa'kin!" huh? Ano? Ang daming naagaw? Eh, ngayon ko nga lang nakita ang pagmumukha ng babaeng 'to, ah! -__-
"Ano? Ang dami ko nang naagaw?! Hindi nga kita kilala, eh! Akin na sabi 'yang amplifier! Maghanap ka na lang ng iba!" sigaw ko sa kanya. Badtrip nako dito, tol!
"Hannah! Wag ka na ngang makipag-agawan sa panget na babaeng yan! Wag kang mag stoop down sa kanyang LEVEL. Masyadong mababaw." pakiusap ni bessy habang inaalog ang likod ko.
"Wag ka nga, Monette! Tuturuan ko lang ng leksyon tong mang-aagaw na 'to!" nang dahil lang sa amp?! Ang saya nito! >___>
"Anong mang-aagaw?! Ikaw ang UNANG nang-agaw!" ano ba talagang ibig niyang sabihin?
"Hoy! Sabing ngayon pa nga lang kita nakilala, eh! Baka gusto mong hampasin ko ng amplifier yang ulo mo para mapagtanto mong ibang tao ang inaakusahan mo! Leche!" sigaw ko
"Pano kung ako ang unang makahampas nito sa pagmumukha mo para hindi mo na maaagaw ang mga lalakeng pinakamamahal ko!" mga? gaga ba sya? MGA talaga? Manloloko ba sya?! Tch.
"Bakit MGA? TWO TIMER KA BA?! Wala ka pa lang KWENTANG babae, eh! Mga lalaki! Che!" natigilan sya sa sinabi ko. Iniwan ko na lang ang amplifier sa mga kamay ng manlolokong babaeng mahilig talaga sa agawan.
Nung tumalikod na ako, bigla nyang hinila ang buhok ko. Aba at sinabunutan talaga ako, ha?! Pwes!
"Ano ba talagang problema mo, ha?!" nagsabunutan kami dun
"Bessy, wag mo nang patulan!" hindi ako nakinig sa kanya kaya umalis sya. hindi ko na inisip kung sa'n sya pupunta basta mapatay ko lang tong babaeng 'to.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Teen FictionSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...