Chapter 25 - Sa'n Ka Uuwi?

69 1 0
                                    

CHAPTER 25 - Sa'n Ka Uuwi?

Hannah's POV

Pagkatapos ng last class namin sa afternoon, iniwan ko na agad si Kyle dun sa room ng di man lang ako nakapagpaalam. Na-awe-awkwardan kasi ako twing sasama ako sa kanya dahil maaalala ko lang yung "Thank You" kiss ko kanina. Sh*t! Out of impulse lang yun. My gosh! And besides, I was really happy na dumating sya para iligtas ako sa tatlong babaeng bully.

Dumaan muna ako sa Music Club Office para kamustahin si Ms. Jesha. Sya ang President at sya rin yung kumuha sa'kin para mapabilang sa mga members ng club. Umabot kami ng mga 30 minutes siguro na nag-usap tungkol sa mga nangyari sa'kin kamakailan lang. Pati narin ang tungkol sa'min ni Kyle ay naikwento ko narin. Not that I told her about our secret. I only told her about us being a couple (fake). Nagtanong sya, eh. Kaya sinagot ko nalang.

Masaya ako dahil mga ilang weeks narin o mukhang one month na yata na hindi ko nakakausap si Ms. Jesha. Naging busy kasi sya sa pagp-prepare para sa event this coming October. All I know is that it will be a GRAND event. And when I say grand, BONGGA talaga yan. Since 1st year college pa ako, sya na kasi ang naging mentor ko. Sobrang bait ni Miss. Tapos yung mga tinuro nya, malaki talaga ang binago nito sa akin. Nagpaalam na ako sa kanya na mauuna na'ko kasi may gagawin pa ako.

Tumango sya at nag-goodbye narin sa'kin.

Paglabas ko sa office ni Ms. Jesha, may nakita akong lalakeng nakayuko malapit sa pinto ng opisina. At kilalang-kilala ko ang buhok at pabango nya.

"Hoy. Ba't ka nandito?" tinawag ko si Kyle habang unti-unti syang tumingala.

"Napadaan lang ako. Tapos bigla akong natamad kaya sumandal muna ako rito." bored nyang sagot.

Ah. So, napadaan lang pala sya. Akala ko hinihintay nya 'ko.

"Ok. Mauuna na'ko sa'yo." aalis na sana ako nang bigla nyang hinigit ang kamay ko.

"Ano?" naiirita kong tanong sa kanya.

"Sa'n ka pupunta?"

"Bakit mo 'ko tinatanong? Wala ka nang pakealam dun." ani ko at tinanggal ko na ang pagkahawak nya sa kamay ko.

"Sagutin mo nga ako ng maayos."

Kainis naman ng lalakeng 'to!

"Ayyss... Hindi ko sasabihin sa'yo."

"Bakit? Bakit hindi mo sasabihin kung sa'n ka pupunta?"

This time, nilapit nya ang mukha nya sa'kin. At ako naman ang pinasandal nya habang itinukod nya ang kanyang dalawang kamay sa wall. Napatingin ako sa gilid para 'di ako makatingin sa mga mata nya. Naiilang ako! Para akong matutunaw. T__T At tsaka merong kung anong kumikiliti sa tyan ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Bakit, Hannah? May tinatago ka ba?" malambing ang pagkasabi nya sabay haplos nya sa buhok ko at ngumingiti ng nakakaloko.

Naamoy ko ang mabango nyang hininga. Amoy mint ng dahil sa candy na kinain nya kanina.

"Ano ba?!" tinulak ko sya pero di sya nagpatinag.

"Hahaha. Bakit namumula yang pisngi mo, Hannah?"

OMG! Nakakahiya!

"H-Ha? H-Hindi ah! Wala akong tinatago. Uuwi n-na ako. D-Dyan ka na. Bwisit!" finally natulak ko narin sya!

Again, lalakad na sana ako pero hinigit na naman nya 'ko.

"Pwede ba? Ano ba kasing kailangan mo?" napansin kong pinagtitinginan na kami ng mga tao na napapadaan dito sa 2nd flr kung sa'n makikita ang Music Club Office (MCO)

Hate That I Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon