CHAPTER 26.5 - That Memorable (fake) Date <3 (part 2)
Hannah's POV
Binuksan ko ang phone ko para tawagan si Kyle pero anu ba yan?! Battery empty! Nakalimutan ko palang magcharge!
"Kyle! Oy. Bumalik ka na.." lumilingon ako sa paligid pero no sign parin ng imahe o anino ni Kyle? Baka nadukot sya or kinuha ng mga aswang?! Imposible naman kung ganun.
"Kyle! Kyle! Asa'n ka na? Wag mo 'kong iwan dito. Hindi 'to magandang biro. Hoy." this time, naiiyak na'ko.
"Kyle... *sniff.. Isusumbong kita kay ate, kay lolo, at kay mama.. *sniff.. pag hindi mo 'ko binalikan dito."
*wooooshh....
Gosh! Ang lamig! Crisscross pa naman ang design sa likod ng dress ko. Tsaka wala akong dalang jacket. Nakakakilabot ang presensya ng hangin. May kung anong kumakaluskos sa likuran ko. Lord! Ano bang kasalanan ko? Iniwan na ba talaga ako ni Kyle? Huhuhu. T_T
7:30 P.M na... Umupo nalang ako sa may gutter malapit sa poste.
May narinig akong mga yapak ng tao sa unahan. Paglingon ko, nakita kong may tatlong lalakeng may butas-butas ang suot. Mukhang mga binata. Hindi ko masyadong makita ang mga mukha nila dahil nagsuot sila ng bullcap at nandun sila sa malayo. Pero may dala silang alak? Oh no! Mga lasing? Pa'no sila napunta rito?
"Uy, pare! Tingnan n'yo yun." sabi ng isang lasing sabay turo sa'kin!
Lumingon naman ang dalawa at dun na'ko nagsimulang kabahan.
"Wow. Pare! May chikz!" ani yung pangalawa.
Tumayo na'ko para maghandang tumakbo. Hindi na'ko makakapasok sa sasakyan ni Kyle kasi di na mabuksan ang mga pinto, eh. Mukhang na-lock ang mga yun after naming lumabas.
"Tamang-tama! May pulutan na tayo."
Tumakbo sila papunta sa direksyon ko kaya napatakbo na rin ako. No! Ayoko pang mamatay! Ayokong ma rape!!
Tumakbo ako bitbit-bitbit ang heels ko papunta dun sa mga bahay-kubo para makapagtago.
"Miss! Wag kang tumakbo. Hindi ka namin sasaktan! Hahaha!" tumawa silang tatlo.
"Waaaaaaaaaaaaa!~~~~~~~ Lumayo kayo sa'kin!"
"Ang layo nga namin sa'yo, oh. Hindi pa nga kami nakakalapit. Excited ka naman masyado. Hahaha." at nagawa pa nyang mamilosopo?
Humihingal na'ko sa kakatakbo. Ano ba yan?! Bakit ba ang tagal-tagal kong makarating dun sa mga bahay-kubo?!
Paglingon ko sa likod, what??? Nawala ang mga lasing?
Hay! Salamat!!
Paglingon ko sa harapa--
"Huli ka!" may yumakap sa'kin at tinakpan yung mga mata ko gamit ang isang mataas na tela. Familiar ang pabango ng yumakap sa'kin. Pero hindi sya si Kyle.
Uwaaaaaaa! Kyle! Asa'n ka na? Kailangan kita dito? Huhuhu!
"Ahhhhhhhh!!~~~"
Naabutan pala ako ng mga lasing! Shems!!
"Miss. Wag kang maingay..." ani nung isang lasing siguro. Hindi ko sila makita!
Hindi. Magpupumiglas at magsisisigaw talaga ako!
"Hindi! Ahhhhhh! Wag n'yo 'kong patayin! Wag n'yo 'kong rape-in!"
Pagkatapos kong sabihin na wag nila akong rape-in.. Bigla nalang silang tumawa ng malakas.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Ficțiune adolescențiSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...
