Note: Yow, guys. Nagkataon talaga na 'di na'ko tinatamad kaya eto na. Gorabells. Mataas ang chapter na'to. Kaya, enjoy! :))
CHAPTER 26 - That Memorable (fake) Date <3
Hannah's POV
6:00 PM
"Hannah! Anak! Nandito na ang boyfriend mo!" narinig ko ang sigaw ni mama sa baba.
"Hannah. Hannah. Dyan ka lang. Wag ka munang bababa." utos ni ate Kylie at nagmamadali nang lumabas sa kwarto.
Actually, nakabihis narin si ate. Sabi nya. Sasama raw sya sa'min dun sa venue. Total sya naman rin daw ang nag-plano sa lahat ng 'to. Hindi ko nga alam bakit ang close na namin ngayon. Feeling ko magaan ang loob ko sa kanya.
Inasikaso ko ulit ang sarili ko. Tiningnan ko muna ang mukha ko dito sa salamin. I can't believe that this is what I would look when wearing a beautiful dress.
A/N: Tingnan nyo lang ang picture sa right side. Yan ang dress na suot ni Hannah ngayon :)
------- > Media...
As what I've said. I never really wear shorts, skirts, or dresses, like the one I'm wearing right now, in going out for occasions. Palagi lang akong nagji-jeans. Pero ngayon, halos mailuwa ko na lahat ng kahihiyan ko at nakaya ko nang magsuot ng gan'tong klaseng damit. Pati high heels nga, suot-suot ko. Siguro, sa ngayon lang 'to at 'di na to mauulit pa sa kinabukasan.
"Hannah! Bumaba ka na!"
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at dahan-dahan din akong bumaba ng hagdan dahil nga naka-heels ako. Pero, nang nakita ko na si Kyle... Oh gosh... Ang gwapo nya... kyaaaaa~ pero hindi ko lang pinahalata.
Nagkasalubong ang tingin namin at grabeh. Para akong lumulutang sa mga titig nya. O__O
Nakasuot sya ngayon ng black tux with matching black pants, tapos yung necktie nya ay terno sa'king suot! Gosh. Pinaghandaan ba talaga nila ang dinner na'to? But anyway, he's rather dashing than ever.
Nang nakita ko ang mapupungay nyang mga mata, parang napunta ako bigla sa isang "Romeo and Juliet" story na may Romeo na naghihintay sa'kin habang bumababa ang isang Juliet sa staircase para sa kanilang pagtakas.
Well, so much for daydreaming.
Ngumiti parin ako sa kanila (hindi kay ate Kylie lang haha)... habang nagsa-struggle ako sa pagbaba at nakahawak sa railings kasi masyadong mataas ang heels na pinasuot ni ate sa'kin at baka mamaya, mamatay ako ng di oras dahil sa pagkahulog. Tsaka, mataas din kasi ang hagdan namin kaya natagalan talaga ako sa pagbaba. Pero nang ilang steps nalang ang aapakan ko, biglang may malakas na bagay ang tumama sa ulo ko na nagpawala sa'king balanse...
Biglang nag slow-mo ang lahat.
Biglang nag slow-mo ang lahat.
Biglang na sloooowwww mmmowww~~~~~
"Aaaaaannaaaaakk! Maaag-innnggggaaat k---"
"Waaaaaaaaaah!!~~"
Napapikit nalang ako at napasigaw dahil akala ko mamamatay na'ko.
Pero...
May malambot na mga braso ang
yumakap sa'kin at napasubsob ang mukha ko sa dibdib nya.
Sh*t! Naamoy ko ang pabango nya!
Dahan-dahan akong tumingala sa kanya at syempre, nakita ko sya.. Naalala ko tuloy yung araw nung una ko syang nakita at nabangga tas nung napatingala ako sa mukha nya, ganun na ganun ang itsura nya tulad ngayon. Noon, iritadong-iritado sya, pero ngayon, mukha syang nag-aalala. Nakakunot ang noo nya. Humahangos sya at dinig na dinig ko ang mabilis na tibok ng puso nya.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Novela JuvenilSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...