CHAPTER 35.5 - Starting Over (Part 2)
Hannah's POV
"Ryan." tawag ko sa kanya habang nakalabas na kami sa office ni Mrs. Villarante. 6 pm na kasi at kailangan ko nang umuwi.
"Ano yun Hannah?"
"Hehehe. Hindi naman pala strict yung mama mo, eh." sabi ko.
"Sabi ko sayo, eh di yun nangangain. Masyado ka kasing nerbyosa." ngumiti sya sa'kin. Haay! Ayan na namang yung ngiti nyang nakakalaglag panty.
What?! ERASE! ERASE! ERASE! Ano ba yang pinagsasabi mo, Hannah?!
Kung nagtataka kayo kung bakit ko nasabing hindi pala strict yung mama ni Ryan. Eto talaga yung nangyari.
*Flashback..
"Ms. Andrea, nandun po ba sa loob si Mrs. Racquel Villarante?" tanong ni Ryan ng nakangiti dun sa sexyng babae na mukhang nasa 20s (at kitang-kita yung cleavage) at nakaupo sa labas ng opisina who I believe na sya yung secretary ng president ng Summit Media.
"Ah. Ikaw pala yan Sir Ryan. Oo, nandun po sya sa loob--"
"T-Teka.. Miss? Anong kailangan mo?" tanong nung Ms. Andrea sakin ng nakataas ang kilay nung nakita nya ako sa likod ni Ryan. Nahihiya kasi akong tumabi sa kanya kasi baka mapagkamaalan akong gir--
"Ahh! Nga pala. Ms. Andrea. Si Hannah.. Girlfriend ko." aniya at lumingon sya sa likod tas inakbayan nya 'ko.
ANO??!
"Huh?" munting salita ko. Tinawag ba naman nya 'kong girlfriend? Adik ba tong taong 'to?!
"May gusto sya sa'kin. Sumakay ka na lang." bulong ni Ryan.
Nanlaki ang mga mata ko at tsaka tumango nalang ako at ngumiti sa kay Ms. Andrea.
"A-Ah. G-Ganun ba? Sige. You only have 20 minutes to talk to her. She will be having a meeting later. So.. Pumasok na kayo." aniya at iminwestra nya ang malaking sliding door.
"Sige po. S-Salamat." sabi ko kay Ms. Andrea pero inirapan nya lang ako. Ano bang sinabi ko?
"Wag mo nalang pansinin. Obssessed yan sa'kin eh." sabi na naman nya ng pabulong pero nakangiti sya.
Shems!! Nakikiliti ako sa paglapat ng lips nya sa tenga ko! >___<
Ano ba 'tong nararamdaman ko? Nakakalito naman. Grabeh! Tss.
Nung binuksan nya ang sliding door, bumungad sa'kin ang isang maganda, maputi, at matangkad na babaeng nakasuot ng formal attire at nakaupo sa swivel chair. Matangos ang kanyang ilong. Medyo may pagka-dark brown ang kulay ng mga mata nya. Grabeh! Ang kinis nya. Mukha syang may dugong Spanish.
"Oh, hello, Bryan. My dear son. Come." bati ng babae sa kay Ryan.
Bryan? Or did I just misheard what she said? At tinawag syang "Son" ? Ano 'to?
"Mom. It's Ryan. Not Bryan." lumapit sya sa babae at hinalikan nya ito sa noo.
So? Sino sya?? Mama nya? What? Paano? Hindi naman sila magkamukha.
"I'm sorry baby, I just thought--Nevermind. Anyway, Ryan, I believe you have some important things to do in--"
"OH MY GOSH!... She's here?? Thought she'd never accept my offer." sabi nya kay Ryan pero nakatuon ang pansin nya sa'kin. Ang ganda nya talaga ngayong ngumingiti sya!
Nangangatog ang mga binti ko. Anu ba yan! Nahihiya ako.
"H-Hello po." bati ko sa kanya.
"Come, take a sit Ms. Dela Cruz."
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Teen FictionSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...