.
.
CHAPTER 16 - Tickets to Bora
.
.
Hannah's POV
"Balita ko, kayo na?" mariing tanong ni Mam Tiu habang nakaupo kami ngayon ni Kyle na magkatabi sa Office ng Student's Affairs.
Kitang-kita ko ang mukha ni Kyle na naiinip na sa kakahintay ng kung anumang isusupresa ni Mam Tiu sa amin.
"A-Ah. Oo. Na-announce ko na diba? Bakit ngayon lang kayo nag react, Mam? Magwa-one month na nga kami ni Hannah." utas ni Kyle habang inaakbayan ako pero siniko ko na sya agad kaya tinaggal nya ang mga braso nya.
Uminit bigla ang pisngi ko.
"Ahmm. Ano po bang isusurpresa niyo, Mam?" tanong ko kay Mam Tiu.
"Ano ka ba Hannah? Surprise nga eh. Engot." sagot ni Kyle sakin at lumingon na kay Mam "Pero kanina pa kami dito, Mam. Ano ba kasi yang surpresa mo? Naiinip na ako, ha!" pinagpapawisan na ngayon si Kyle. Isa lang kasi ang electric fan dito at si Mam lang ang nakakaranas ng hangin. Tsk. Ang yaman yaman ng paaralang ito pero bakit walang aircon dito sa opisina nya?
"Maghintay muna kayong dalawa. Hindi galing sakin ang surpresang ito. Galing to sa lolo mo, Kyle."
"Pe--" hindi na nakatapos si Kyle
"Oh! Nandito na pala ang surpresa para sa inyo." may isang maliit na box na mukhang shoe box na dala-dala ng isang delivery guy na inabot nya kay Mam "Salamat, iho." sabi ni Mam sa lalake.
"Ahh. So kung ganun, galing yan kay Lolo Silverino?" tanong ko
"Hindi Hannah. Galing kay JAMES!" gago tong isang to ah!
"Hoy! PILOSOPO!" sabay sapak ko sa balikat nya.
"Ikaw kasi eh. Bobo!"
"Heh! Kumpara mo nga grades natin!" sigaw ko
"Wala akong pake. Tss" inirapan nya ako at bumaling na kay Mam Tiu "Akin na nga yan, Mam. Hindi ko alam ganto pala ka bobo ang girlfriend ko." sabi nya habang kinukuha na nya ang box na nasa ibabaw ng table ni Mam.
"Aba at! Bakit ka ba nanginginsulto bigla? Ang sama mo naman." sinasapak ko ngayon ang balikat nya. Nakakainis kasi eh. Ano bang ginawa ko?!
"Hahaha! T-tama nah! A-Aray! Okay. Okay! Sige na nga. Hindi na. Sorry. Hindi na kita tatawaging bobo." sabi nya habang iniilagan parin ang mga sapak ko "Pero ........"
"Ano?!"
Ngumuso sya at tinuturo ang kanyang pisngi.
"Ha?! Anong nangyari dyan sa pisngi mo?!" tanong ko
Humahalakhak lang sya ngayon. Anong problema nya?! Bwisit!
"Bakit ka ba natatawa dyan ha?! Tsk. Alam mo, Kyle. Kung wala ka man lang magandang sasabihin sakin. Mabuti pa, manahimik ka na nga lang!" utas ko sabay irap
"Hahahaha! Grabeh ka naman, Hannah Hindi mo ba naintindihan ang gesture ko? Tss. Akala ko naman matataas ang grades mo kaysa sakin para maintindihan mo yun ng madali. Tsk. Tsk. Haaay" napagbuntong-hininga sya sa sinabi ko. Grabeh naman kung makapanlait ng taong to.
Akala ko pa nga naman nagiging okay na sya sakin. Pero bakit? Hanggang dito lang ba ang pagiging "SWEET" nya? Napansin ko kasi na simula nung kumanta ako ng Terrified sa first practice ko sa bahay nila, parang nag-iba na ang pagtrato ni Kyle sakin. Nii hindi na nga nya ko sinisigawan. At palagi syang sweet. Pinapadalhan pa nya ako ng mga bouquet at chocolates kahit wala naman kami sa school upang magpanggap ng ganun.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Novela JuvenilSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...