Chapter 43 - Break Down (Part 1)

62 1 0
                                    

CHAPTER 43 - Break Down (Part 1)

Hannah's POV


6:02 PM

Nandito na kami ni Kyle sa tapat ng gate nila. May isang lalakeng guard ang nagbukas ng gate at tsaka nya pinasok ang kotseng sinasakyan namin.

Ngayon lang ako muling nakabalik sa mansion nila. Naaalala ko nung first time akong dinala ni Kyle dito at pinakilala kay lolo at sa bandmates nya. Well, kilala ko naman sila dahil blockmates ko sila noon pero naging close na agad kami nung napasok ako sa banda nila. Grabeh. Nagkaroon agad kami ng deal ni lolo nung gabing yon. At yun ay ang tratuhin ang apo nya ng maayos. Mahalin ko raw si Kyle dahil alam nyang ako lang ang makakapagpabago ng pananaw nya at makakapagpabalik ng nasira nyang puso.

"Kaya, ija. Hinihiling ko sa'yo na patinuin mo ang apo ko, ha. Kilalanin mo sya ng mabuti. Alam kong mag-iiba rin ang pananaw mo sa kanya. At sya rin sa iyo. Kung ikaw maging girlfriend nya, tiyak na mababalik na nya ang puso niyang nasira. Sana nga. Sana."

Sa tingin ko, nagawa ko naman ang lahat ng yon. Ngunit ang hindi alam ni lolo, hindi talaga totoo yung relationship na pinakita namin sa kanya noon. Naging alibi ko lang yung pakiusap ni lolo para maisip nyang nagkakamabutihan na talaga kami ni Kyle at mapapatino ko na ang apo nya when in fact,  the only reason kung bakit ako pumayag na maging fake girlfriend ni Kyle noon ay para makapaghiganti kina Sonia at James. Pero bumaliktad ang lahat. Nainlove ako. Hindi nga ako naniwala nung una eh kasi ang akala ko malabo talagang ma-inlove ako sa abnormal na tulad ni Kyle (medyo harsh XD) pero ngayon, na-realize ko na lang na pwede rin palang magmahal ng taong hindi mo inakalang mamahalin mo.

"Always remember, Hannah: THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE. Haha..."

Yan. Ganyan ang sinabi ni lolo sa'kin nung niyakap nya ko noon. Ang line na yan. Ang cliche na kasi eh. Palagi ko na yang naririnig at nababasa sa mga teen movies at sa mga stories sa Wattpad. Yung palaging nag-aaway ang dalawang bida tapos in the end, may mamumuong attraction towards each other. Hay. Parang ganyan din ang nangyayari sa'min ni Kyle ngayon. Sabagay, gawa lang kasi to ni Ms. Author out of fun kaya wala na kaming choice kundi sundin na lang ang flow ng storyang 'to -___-

"Hannah." napatigil ako sa pagbabalik-tanaw sa mga nangyari at sa mga pinag-usapan namin ni lolo noon dahil tinawag ako ni Kyle at hinawakan ang kamay ko.

"H-Ha?"

"We're here." Oo. Nandito na nga pala kami. Nanumbalik na naman ang kabang nararamdaman ko. Kaya napahawak ako ng mahigpit sa kamay nya.

Pinark na nya yung kotse at tinulungan nya akong makababa.

"Don't worry. Akong bahala sa'yo." bulong ni Kyle sa'kin saka sya ngumiti.

Kahit papano, gumaan ang pakiramdam ko.

Habang naglalakad na kami papunta sa stairs ng porch nila, I calmed myself and nagpalabas ako ng mahihinang buntong-hininga.

"Okay. Hannah. Kaya mo yan. Just be yourself."

Binuksan na ng dalawang butlers ang double doors at bumungad sa'min ang isang babaeng medyo nasa 40's at isang lalakeng nasa 40's rin kasama sina ate Kylie at lolo Sireno.

(A/N: Hey guys. Have you ever wondered na bigla nalang nawala si ate Kylie after ng first fake monthsary nina Kyle at Hannah? Well, something came up kasi. Umuwi si ate Kylie sa Paris dahil may urgent meeting sila kasama yung mga sikat na fashion designers sa Paris. Kaya ayun. Buti nalang at nakabalik sya for Christmas)

"HANNAH!!!! Uwaaaaaaaa! Na-miss kita!"

Pagsisisigaw ni ate Kylie at niyakap nya ako.

Ngumiti naman ako.

Hate That I Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon