Chapter 41 - His Parents

61 2 0
                                    

AUTHOR'S NOTE: Para sa mga mahal kong readers. SORRY TALAGA KUNG NATAGALAN AKO SA PAG-UPDATE NG STORY NATO. Sobra kasi akong naging busy sa school. Tapos may kino-compose pa'kong bagong kanta para isu-submit ko sa Songwriting Contest. Tas malapit narin Midterms namin. Hay. Kung pwede lang sana araw-araw akong mag-update. Gagawin ko yun eh kaso tambak talaga ako sa mga deadlines. Huhuhu. Di bale na lang. Babawi ako sa Chapter na'to. :* ~ Chenayem


***

CHAPTER 41 - His Parents

Adrian's POV

Friday..


She texted.

[Renzo, kailan ba tayo magkikita ulit?]

I replied.

[Pupuntahan kita dyan sa bahay mo mamayang hapon. Pang-ilang beses mo na ba yan tinanong sa'kin, Kristelle? Tss.]


[Oy. Pangalawang beses lang ako nagtanong, noh! So, nagagalit ka na ganun?] - Kristelle


[Hindi naman. Gusto ko rin namang makita ka ulit, eh. Matagal na rin tayong hindi nakapag-usap sa personal. Miss na miss na kita.]


[Pang-ilang beses mo na ba yang sinabi sa'kin, YanYan? Hahaha!] - Kristelle


[Masaya lang talaga ako dahil naaalala mo na'ko. At gusto na talaga kitang makita ulit. Papakasalan pa kita, Sonia. Tandaan mo yan.]

[Hahaha! Okay. Hihintayin ko ang araw na yan, Adrian. :) ]

"HOY!!"


"Waaaa!"


Peste! Nahulog ang iPhone ko!


Sinamaan ko sya ng tingin pagkatapos ko itong pulutin.


"Hahahahahaha! Pasensya na YanYan! Eh kasi akala ko hihigupin ka na ng cellphone mo sa sobrang lapit nun sa mukha mo. Kaya pasalamat ka at niligtas kita. Diba TanTan? Hahaha."


"Oo nga! Wahahahaha!" at nag-apir pa ang dalawang gago habang tumatawa. -___-


Nandito kasi kaming tatlo sa Cafeteria at kasulukuyang nagla-lunch. Tinapos ko na kaagad ang pagkain para makapag-text na'ko kay Sonia. Oo. Sya ang dahilan kung bakit palagi nalang akong nakatutok sa phone ko. Siya ang dahilan. Sya ang ka-text ko araw-araw. Eh sa hindi ko pa sya nakikita ulit eh. Balak ko na nga sana syang puntahan ngayon sa bahay niya. Sabik na rin kasi akong makita sya.

Naalala ko pa kasi nung semestral break namin. Linggo nun at wala kaming practice sa banda. Eh simula nung tinapos na ni Kyle yung deal nila ni Hannah, wala na ulit kaming vocalist na babae at bihira na lang kaming nakakapag-practice. Tss. Pagkatapos kong magsimba nung gabing yon, pauwi na sana ako gamit yung motor ko kaso may biglang tumawag pero unregistered number lang yung lumabas. Ide-decline ko na sana pero may kung ano sa kaloob-looban ko na dapat ko 'tong sagutin kasi baka importante. So sinagot ko nalang yung tawag.

Hate That I Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon