~ Ever wonder kung bakit sinabi ni Tristan kay Sonia ang tungkol sa deal nina Hannah at Kyle? At kung bakit nalaman ni James ang pinag-usapan ng dalawa?~ Ever wonder kung ano yung sinabi nya kay Hannah nung niyakap nya ito noong time na tinapos ni Kyle yung deal?
.
.
.CHAPTER 36 - Reasons
Author's Note:
Attention. Puro po flashbacks ang nilalaman ng chapter na'to. So kung gusto nyo talagang malaman kung ano yung dahilan ng bawat isa sa kanila, basahin nyo 'to. Thanks :)
Okay. Balik tayo sa day nung naging fake couple sina Hannah at Kyle (June 10)....
.
.
.
Tristan's POV
"Mga tol, may sasabihin ako sa inyo." pambungad ni Kyle sa amin ng nakangiti nung nakapwesto na kami sa reserved table namin dito sa cafeteria para mag-lunch.
Pero naisip ko lang. Ano kayang pinag-usapan nila ni Ms. Hannah kanina? Nag-usap kaya sila ng maayos? Eh diba badtrip si Ms. Hannah ngayon? May band-aid pa nga yung mukha nya, eh. Naku!
"Oy, ano yang sasabihin mo? Bakit ang lapad-lapad ng ngiti mo?" tanong ni Jose sa kanya.
Bigla syang tumawa. Baliw ba tong kaibigan namin?
"Bakit ka ba natatawa, bro?" tanong ko naman sa kanya.
"Tss. Ano ba kasi yan, Kyle?" si Adrian.
"Guys!!! Makakapaghiganti na'ko kay Sonia!"
"HUH?!" sabay kaming tatlo sa pag-react.
"Bakit naman? What did you do this time, huh?" tanong ni Yanyan.
"Eh kasi........" tumawa sya ulit at dinugtungan yung sinabi nya.... "Kami na ni Hannah."
"ANO?!"
Tama ba tong narinig ko?! Sila na? Paano? Bakit?
"Hoy! Ang OA nyo! Bakit ba kayo ganyan maka-react? Hindi ba pwedeng maging kami ni Hannah?"
"HINDI!" sabay naming sigaw na nagpalingon sa ibang kumakain dito.
"Ano bang nakain mo at bigla mo syang niligawan? Nababaliw ka na ba talaga, Kyle? Eh diba sabi mo kinamumuhian mo sya? Bakit at paano naging kayo? Paki-explan mo nga yan!" tanong ko sa kanya.
"Tantan..." aniya at inakbayan ako... "Ganito kasi yan.."
Kinwento nya sa'min kung paano at bakit naging sila ni Ms. Hannah ng biglaan.
So ganun pala. May deal lang pala ang dalawa. Ginawa lang pala nila ang deal na yun para mapaselos at makapaghiganti si Kyle at si Ms. Hannah sa kanilang mga ex. Pero, hindi to pwede eh. Alam kong darating ang araw na magkakagusto sila sa isa't-isa. At HINDI pwede yun. No! this can't be. There should be other solutions. Pero, bakit ito ang naisip nila?
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Teen FictionSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...