Chapter 22- 1st Monthsary?!

78 1 0
                                    

CHAPTER 22 - 1st Monthsary?!

 

Hannah's POV

Pagkatapos at pagkatapos ng birthday ni Lolo Sireno, naging shocking ang mga sumunod na pangyayari. Kasi naging close kami ni Ate Kylie.. Paano nangyari yun? Dahil dito..

*Flashback..

Naabutan kami ni Kyle dito sa table namin ni Monette na parehong naka-awang ang bibig.

Hindi ko kasi kayang humarap sa ate nya. I already assumed na mukhang ipapakilala nya ako sa kanyang ate bilang girlfriend n'ya. Pero hindi naman talaga totoo ang lahat ng yun. Hays! Pa'no ba to?

Sasagot na sana ako sa mga katanungan ni Kyle hanggang sa..

"Oh. Apo. Andito ka na pala."

Dumating si lolo sa likod ni Kyle kasama lang naman ang ate nya.

Naku!! Sana lamunin na lang ako ng lupa!

"Ate Kylie!!" yinakap nya ang ate nya at kitang-kita ang saya sa mukha nya.

"A-Ano ka ba, li'l bro? Hindi na'ko ma-makahinga.." kumawala na si ate sa yakap ni Kyle.. "Ganyan mo ba talaga ako ka-miss?"

"Oo. Isa pa nga.." akto na sana nyang yakapin si ate pero binaba nya ang mga braso nya at humalakhak. "Joke!"

"Loko ka talaga!"

Tumatawa narin ng sabay si lolo sa kalokohan ng dalawa.

Ngunit kami ni Monette, na-oOP lang sa tabi. Tss.

"Lolo. Ba't 'di mo sinabing pupunta pala si ate ngayon?"

Ninais ko sa mga oras na yun na sana tumakbo nalang ako at wag nang magpakita pa.

Pero hindi ko nagawa..

"Syempre, surprise guest ang ate mo." ani lolo sabay lagok ng inumin sa wine glass nya.

Inakala kong lalamunin na ako ng lupa dahil panay ang tingin ni Kyle at ni lolo Silverino sa'kin pero hindi, eh. Instead, parang dinala ako ng lupa patungong langit.

Bakit?

Eh, kasi..

"Ah. Nga pala. Ate. May ipapakilala ako sa iyo.." Naku! Mukhang eto na talaga! Lord! Baka, awayin ako nito. Pero mukha naman syang mabait.

Napaatras ako ng bahagya waiting for Kyle to finally say my name pero....

"Ate.. Si Ha--"

? ? ?

"Hannah?" nanlaki ang mga mata ko pati narin kay Monette sa sinabi ni ate.

"Huh?" ito lang nasagot ko.

"A-Ate? Bakit mo sya kilala? Magkakilala ba kayo? P-Paano na--" naputol ang pagtatanong ni Kyle dahil nagsalita na naman si ate.

"Hannah! Ako to! Oh my gosh! Si ate Kay-Kay to. Natatandaan mo pa ba ako?" tinuturo nya ang kanyang sarili.

Honestly, hindi ko talaga sya matandaan.

"Uhm. Kyle, bakit ba nandito si Hannah? Magkakaibigan ba kayo?" tanong nya kay Kyle at tsaka lumingon ulit sa'kin..

"Hannah. Ako yung nakalaban mo noon sa isang pageant. Hmmm. I believe 1st year HS ka pa nun. At ako naman ay college na. Naalala mo pa ba nung nandun tayo sa backstage, tapos nagpapanic ka na dahil first time kang sasayaw sa harap ng mga tao? At tsaka yung mom mo ay sinasabihan ka na mag take a deep breath? Pero lumapit ako at binigyan kita ng chocolate at nagpakilala ako sa'yo bilang si Ate Kay-Kay. Haha. I didn't expect na makikita kita after 5 years! Grabeh, ang laki ng pinagbago mo. Mas gumanda ka pa! Mas tumaas na rin ang height mo. Pwede na kitang gawing model sa fash--"

Hate That I Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon