Chapter 3 - Kyle Gerald Fajardo

168 2 0
                                    

Chapter 3 - Kyle Gerald Fajardo

.

.

.

.

.

.

.

.

Kyle's POV

Hay! Nakakaasar talaga tong araw na to! Ah! Gustung-gusto ko nalang talagang manuntok! Pinipigilan ko nalang ang sarili. Bakit ba ang pakealamera ng babaeng yun?! Bakit ba ang sama-sama ng paligid ko pag nandyan sya sa malapit?! Bakit ba ang daldal niya?! Bakit ba ang ingay ngay niya?! Para syang nasirang preno ng trak! Hindi talaga kami magkakasundo nun! Tch. Bahala na nga! Asar!

"Sh*t ! Nakakabadtrip! Pasalamat sya babae sya!" sigaw ko sa hallway pagkatapos kaming bigyan ng parusa ni Mam Tiu. -_-

"Lakas ng tama nun, Kyle ah! Sya lang siguro ang unang babaeng nagawa kang sigawan dahil sa galit. Eh, ang ibang babae dyan, sumisigaw dahil nga gwapo ka at apo ng may-ari ng school. Haha!" pagmamalaki ng bestfriend kong si Adrian.

"Tama na nga yan, Wag mo nalang patulan, bro" sabi naman ni Tristan

"Eh kulang nalang kakainin niya'ko ng buhay! Bwisit na babaeng yun! Pansira talaga ng araw!" Paliwanag ko naman kay Tristan. Hay! Hindi ko na sasayangin ang oras ko sa bobong babaeng yun! Ipapakilala ko nalang kung sino talaga ako at kung bakit ako galit na galit kay Hannah Trixia Dela Cruz.

*MEET KYLE GERALD FAJARDO*

.

.

.

.

.

Ako nga pala si Kyle Gerald Fajardo. 18 years old. Gwapo ako. Mayaman. I'm the Drummer of my band named "SILENT KISS". Sikat ang banda namin dun sa dati naming school ng mga katropa ko pero nawala na nang dahil pinalipat kami ng lolo ko. Tapos iniwan ang kaisa-isa naming vocalist. Naiwan ang mahal ko -_- Pero nagtatawagan parin kami. Miss ko nang boses ni Sonia. Oo, Sonia Kristelle Gonzales ang pangalan niya. Hays! Lolo ko lang naman ang may-ari ng school namin kaya sya ang laging nasusunod. Siya rin kasi ang nag-aalaga sakin dito sa Pilipinas dahil nandun sa London ang mom at dad ko. Marami kasing inaasikaso na business doon at meron din kaming branch ng isang 5-star hotel dun. Ang ate ko naman na si Kylie Rae Fajardo ay nandun sa Paris at nagtatrabaho bilang isang fashion designer at the same time model. Lolo ko nalang ang naiwan nung namatay si lola noong 10 years old palang ako. At ako ngayon, ay nagpapakamiserable dahil makakasama ko lang naman ang taong KINAMUMUHIAN ko sa isang banda. Hindi ko kaya 'to! -_-

.

.

.

Pano kasi, ganito yun.

[FLASHBACK]

.

.

.

.

"Ngayon bibigyan ko kayo ng parusa. Hindi naman mabigat. Alam ko gusto niyo tong ipaparusa ko." sabi samin ni Mam Tiu.

"Ano ba kasi yan, Mam? Kahit ano yang ipaparusa mo. Hindi ko yan magugustuhan! -_- " sigaw ko sa kanya

"Wag mo kong sigawan Mr. Fajardo!" sabat nya.

"Sya. sya. Ituloy mo na lang." sabi ko nalang sa kanya para makaalis na.

"Sige. Alam naman siguro ninyo na sa sa October na ang Intramurals natin diba?" Mam Tiu

Hate That I Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon