CHAPTER 27 - School Sucks
Hannah's POV
Pagkatapos ng eksenang halikan eklavush na yun, hinatid na'ko ni Kyle sa amin na basang-basa. Pero hindi na'ko gininaw kasi pinsuot ni Kyle sa'kin ang coat nya. Hindi ko alam kung anong napasok sa isip nya at bigla nalang syang naging gentleman. Nung bumabyahe pa kami, hindi kami nag-imikan hanggang sa makarating kami sa bahay. Binuksan ko na nag pinto ng walang pag-aalinlangan at tsaka lumabas na wala paring salita na lumalabas sa bibig ko kahit magpasalamat man lang. Hindi ko carry. eh! Bakit ba kasi nya 'ko hinalikan all of a sudden?! Nakakainis!
But before ako pumasok sa bahay, lumingon muna ako sa kanya pero hindi sya nakatingin sa'kin. Diretso lang ang tingin nya na para bang ang lalim ng iniisip. At tsaka nya pinaandar ang sasakyan tapos humarurot na palayo. Ni hindi man lang pumasok para magmano kay mama at sabihing "Inuwi ko na po ang kaisa-isa n'yong anak na babae." Pwes, bahala sya sa buhay nya.... P-Pero hindi parin mawala sa isip ko ang eksena kanina. T___T Bakit ba?! Kyle naman, eh!
"Oh, anak.Ginabi ka yata? Alas dyes na. Diba sabi ko alas nwebe lang? At bakit basang-basa ka? Si Kyle? Asan sya?" pambungad ni mama sa'kin nung pumasok na'ko sa main door namin.
Dali-dali naman syang kumuha ng tuwalya para punasan yung buhok ko ang katawan ko.
"Umalis na po. Akyat na'ko. Pagod ako, eh..."
"Nandito yung ate Kylie mo kanina at kinuha na ang mga gamit nya. At umuwi narin pagkatapos, ikamusta raw kita para sa kanya." aniya habang pinupunasan ang mga basa kogn braso. Para tuloy akong maliit na bata. Ang hirap kasing galawin ng mga kamay at paa ko, eh. Siguro dahil sa pagod, syempre. Muntik na nga akong mamatay kanina sa kakatakbo. Kaya, malamang yun ang dahilan.
"S-Sige mam-ma. O-Okay... S-S-Salamat po......."
"Anak... Ang init-init mo!" sigaw ni mama nung hinawakan nya ang noo ko.. "Tsaka nanginginig ka! Ano bang--- Hannah! Hannah!....." eto yung huling salita na narinig ko mula kay mama at napapikit nalang ako.
Pag gising ko kinaumagahan, bumungad na naman ang mukha ng mama ko sa ibabaw ng kama ko.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Novela JuvenilSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...