CHAPTER 40 - Paglayuin
"KYLE?!"
Nakita kong napatayo si Kyle sa kinauupuan nya nang tinawag ko sya. Leche! May kasama syang babae at may bata pa!
"H-Hannah!" nanlaki ang mga mata nya pati narin ng babae.
"Daddy? Who is she? Is she your friend?"
TAMA BANG NARINIG KO? DADDY?! TINAWAG SYANG DADDY NG BATA?! AKO BANG NILOLOKO NILANG LAHAT?
"Tama bang narinig namin? OMG~!!! Hannah. Umalis na tayo rito!" sabi ni Monette habang hinahatak nya ko palayo sa table nila dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. Pero kinalas ko ang pagkahawak nya sa braso ko.
"H-Hannah. L-Let me explain. It's n-not what y-you think." nanginginig sya.
"Kyle? Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang tungkol dito?" tanong nung BWISIT na babae sa kay Kyle.
"Hoy! Wag kang pumapapel dito! Si Kyle lang ang kinakausap namin. At si Hannah lang ang kakausapin nya!" sigaw ni Monette.
"Anong nangyayari sa kanila? Nag-iiskandalo sila dito."
"Grabeh! Girlfriend ba yan ng lalake? Eh kanina ko pa napapansin na ang saya-saya ng lalake kasama ang pamilya nya, eh."
"Siguro kabit sya ng lalake. Tsk. Tsk. Tsk."
"Kung tutuusin, maganda rin naman ang kabit nya. Hahaha"
Dinig na dinig ko ang mga side-comments ng ibang customer dito. Napagkamalan talaga akong kabit. Bwisit naman tong buhay na to oh. Kailangan nyang magpaliwanag! -___-"K-Kyle?" nakita kong nakakuyom ang mga kamao nya. Hindi sya sanay sa ganitong mga iskandalo. Alam kong magagalit sya. Pero WALA syang karapatang magalit. Ako ang dapat magalit! >___<
"Daddy? Uwaaaaaaaaaaaa! Uwaaaaaaaaa! I'm scared. Why is that other girl shouting?" umiiyak ang bata.
"Daryl. Baby. Shhhhh. Daddy needs to talk to them. Why don't we wait for him at the car? He'll be right back. Don't worry. Come." sabi ng babae.
"Ok." at hinawakan ng bata ang kamay ng kanyang "Mommy?!" palabas ng McDo.
Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalabas na sila ng McDonalds.
Tapos. Liningon ko si Kyle na nakayuko.
"May kailangan ka pang ipaliwanang sa'kin." hinigit ko ang kamay ni Monette palabas ng fast food chain na yon. At sumunod naman sya sa'min. Konti nalang at sasabog na ako sa kahihiyang binigay sa'kin ng lalakeng to! Bwisit! May anak na sya? Hindi nya sinabi sa'kin? Niloko nya 'ko? Kaya pala may batang umiiyak kahapon, eh anak nya pala yun? Hanggang kailan nya pa 'to tinago? Ang dami kong tanong sa isip ko! Mababaliw ako nito pag hindi nya ko sasagutin ng maayos.
"Bessy. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari, Ano ba to?" sabi ni Monette. Eh mismo ako nga eh. Hindi ko rin alam pa'no at bakit nagkagan'to. Parang kahapon lang, sinagot ko na sya at naging official na yung relasyon namin. Mahal na namin ang isa't-isa tapos eto sya ngayon, kumakain at tumatawa kasama ang isang babaeng may dala-dalang batang lalake. Para talaga silang pamilya! Ano ba 'to? Naiiyak na'ko!
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Fiksi RemajaSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...