Chapter 34 - I'm Sorry

42 2 3
                                    

CHAPTER 34 - I'm Sorry

Hannah's POV

.

Pag-uwi ko kahapon, sinabihan ko agad si Mama tungkol sa offer na sinabi ni Ryan. Tuwang-tuwa naman si mama. Hindi nya raw inakala na magiging model ang anak nya paglaki nito. Na-flatter naman ang lola n'yo. Hahaha ^___^

Nakatanggap na ako ng text kagabi galing kay Ryan Pontavedra. Sabi nya susunduin nya raw ako bukas ng hapon pagkatapos ng dismissal at ihahatid nya ako sa office ni Mrs. Villarante. So, darating sya ngayon? Nakakaloka ito! At sabi rin nya na sa Summit Media matatagpuan ang office ni Mrs. Villarante. W-Wait? Oh sh*t! Ngayon ko lang nalaman na sya pala ang head ng pinakasikat na publishing company dito sa Maynila. OMG!

I heard that Summit Media is the country's leading magazine publisher, with more than 20 titles covering young women, entertainment, luxury, music industries, food, home and parenting, kids, men's lifestyle, and more . This also produces books and bookazines, creates supplements and other custom publications, and stage live events that bring brands closer to the readers.

And becoming part of this publishing company is such a great privilege for me.

"Bessy, sorry hindi kita masasamahan ngayon, ah. May lakad kasi kami ngayon ni Jose. Okay lang ba sa'yo if kayo lang dalawa ng Ryan na yun? Wala naman sigurong masama kung hindi ako sasama dahil ikaw lang naman talaga ang may pakay kay Mrs. Villarante, diba? So, okay lang." sabi ni Monette habang naglalakad kami papalabas ng gate.

"Okay lang, Mon." nginitian ko sya.

Sa totoo lang, wala akong tiwala sa Ryan na yun pero some part of me thinks na nagsasabi talaga sya ng totoo at ihahatid nya ako dun mismo sa loob ng office ni Mrs. Villarante.

  

"Oh sige, bessy. Andito na pala sila.." pagkarinig ko sa sinabi ni Monette na "sila", agad na bumilis ang pagtibok ng puso ko. Kasi alam kong magkasama ang apat na magka-barkada.

 Lumingon ako sa likod at nandun nga sya. Si Kyle.

Hate That I Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon