CHAPTER 27 - This Means War
Sonia's POV
"Babe. Wag ka namang ganyan. Please naman oh." pagmamakaawa ko sa kanya habang hinihigpitan ko ang paghawak sa kamay nya.
"Son. Sorry. Pero mukhang napagtanto ko na kung sino talaga ang mahal ko. Sorry. Mahal kita. Pero. Tapusin na natin 'to. Paalam na." tinanggal ni James ang mga kamay kong nakahawak sa mga kamay nya at tsaka nya 'ko tinalikuran.
Ang sakit sakit! Bakit ba nagkagan'to?
"James! Ano bang nagawa ko? Sino ba sya? Ha?" mariin kong tanong na nagpatigil sa kanyang paglakad.
"Wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan dito. Hindi kasi kita minahal .. gaya ng.. " hinihintay ko ang kanyang sasabihin habang bumubuhos na ang mga luha ko dito sa loob ng kwarto ko... " .. gaya ng .. pagmamahal ko kay .. H-Hannah.."
Pagkarinig ko nun, bigla nalang akong napatawa. Haha. Nagloloko lang pala sya, eh.
"Bakit ka tumatawa?" pagtataka nya.
"Hahahaha. Akala ko naman totoo na yang sinasabi mo. Alam mo, ang hilig mo talagang magjoke." tumatawa ako ng malakas na parang baliw pero hindi parin nagbabago ang pagtataka sa mukha nya.
Kinunot nya ang noo nya.
"Hindi ako nagjojoke. Totoo ang mga sinabi ko."
"Ano ka ba, James? Diba, ganyan din ang sinabi mo kay Hannah nung hiniwalayan mo sya para sa'kin. Tapos, ngayon, hihiwalayan mo 'ko para naman sa kanya? Ano 'to, bobo-bobohan?!" galit kong utas. Nahihibang na ba sya? He wants to break up with me just because he realized he "finally" loves the girl he broke up with. How stupid. "Sa tingin mo, babalik sya sa'yo kung niloko mo lang naman sya in the first place?"
Umiiling sya.
"Sorry, Sonia pero sya na ang mahal ko ngayon. Goodbye."
Tumalikod na sya at umalis na sa kwarto ko. Hindi ko na rin sinubukan pang habulin sya.
Pero ang mga luha ko ay walang tigil sa pagtulo. Ang sakit ng ginawa nya. Ang sakit ng sinabi nya. NapakaGAGO nya! Nakipagbreak sya dito mismo sa bahay ko? Ang kapal ng mukha!
Pero that's not my point.
I wanted to stop him. I wanted to ask him why he suddenly turned into an ass. I wanted to chase him. But all I did was cry. I hate that girl. I will forever hate that girl. She took everything that was so special to me. The band. Our bond. My position as lead vocals. My bestfriends. And now, the guy that I was so madly inlove with. He was my first love but all he did was broke me and cut me down. What a jerk!
After an hour of crying, I tried calming myself as I laid down on my bed. I started to close my eyes and thought that maybe, I just needed some sleep.
.
.
.
.
.
.
.
"Kristelle! Bumalik ka nga dito! Akin na yan!" sigaw ng isang batang lalake sa'kin.
Hindi ko sya namumukhaan. Medyo blurry kasi ang mukha nya.
"Habulin mo muna 'ko, Renzo! Hahaha!" binehlatan ko sya tas tumakbo ako palibut-libot dito sa park para hindi nya 'ko maabutan at para 'di nya makuha ang bola.
Alam ko naman ang pangalan nya. Pero bakit hindi ko nakikita ang mukha nya? At bakit ba'ko nakikipaglaro sa kanya?
Natigil ako sa pagtakbo nung nahawakan nya ang beywang ko at nataob kaming dalawa sa grass. Nakapatong sya sa'kin. Kaya bigla ko syang naitulak. Hindi ko parin nakikita ang mukha nya. Oo, lalake sya pero may mahaba syang buhok.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Teen FictionSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...
