CHAPTER 43 - Break Down (Part 3)
Hannah's POV
"Ikaw! Babae ka! Sa'n ang ina mo?! Bakit ka pa nagpakita sa'min? Alam mo bang sinira ng magaling mong nanay ang pamilya namin?..." sigaw ng mommy ni Kyle habang dinuduro nya ko.
"A-Ano? Hindi po ganyan si mama....." sagot ko sa kanya.
"Anong hindi? Wala kang alam!"
Ano bang pinagsasabi nya? Paano nasira ng mama ko ang pamilya nila? Kilala ba nila si mama?
"Mom?!" sigaw ni Kyle at ni Ate Kylie.
"Ano? Hindi nyo rin ba alam? Anak lang sya sa labas! Yang babaeng yan. Anak sya ng daddy nyo sa ibabang babae--"
Napatigil sya dahil hinampas ni Lolo ang lamesa.
Ngayon ko lang nakita si lolo na puno ng galit sa kanyang mata.
"Helga!" Tawag ni tito Max dun sa mommy ni Kyle pero pinandidilatan lang sya nito.
"Dad....." nakita kong namumuo na ang tubig sa gilid ng mga mata ng daddy ni Kyle nung lumingon sya kay lolo.
Liningon ko si Kyle at nakita kong nagkuyom ang kanyang mga kamao at nag-iigting ang kanyang panga habang nakatulala sa platong pinagkainan nya.
Si Ate Kylie naman ay napatakip lang ng kanyang bibig na kitang-kita talaga ang pagkabigla nya sa mga pangyayari. Mismo nga ako, eh.
Ano ba kasing nangyayari dito? Hindi ko maintindihan! Bakit biglaan? Ako? Anak sa labas? Paano? Ang mama ko? Kilala nila? Nakasira ng isang pamilya ang mama ko?! Nalilito ako! Ang lakas ng tibok ng puso ko. It's like I'm almost close to breaking down.
Kaya...
Napatayo ako.
"A-Alis na p-po ak---" hindi ako nakatapos sa pagsasalita dahil...
"HANNAH!" tawag ni Kyle.
Lumingon ako sa kanya at nakita ko sa mukha nya na naguguluhan rin.
"Dito ka lang." Utos nya at hinawakan nya ang kaliwa kong braso. Naramdaman ko kaagad ang panginginig nya.
Kyle, ano bang nangyayari sa'tin?
Pero sa halip na sundin si Kyle. Ito lang ang sinabi ko sa kanya.
"Kyle. Sorry......"
"Lolo... Ate.... Tito. Tita... M-Mauna na 'ko sa inyo. Alis na po ako. S-Salamat sa dinner." Kinuha ko na ang dala kong clutch bag....
At dali-dali akong tumakbo palabas na umiiyak. Salamat at nakakita agad ako ng taxi sa labas ng mansion. Pinara ko to at sinabi ang address namin. Dun na ko sa loob nagpatuloy sa pag-iyak.
Nagva-vibrate ang phone ko. Tumatawag si Kyle. Hindi. Hindi. Gusto ko munang malaman ang lahat. Gusto kong malaman galing kay mama ang buong katotohanan. Hindi ako naniniwala. Hindi ako anak sa labas. At tsaka... Kapatid ko si Kyle? Ano to, teleserye? Cliche story sa Wattpad? Ang gulo, ha!
Papa!!! Kung nasa'n ka man ngayon. Please, tulungan mo ko.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Kyle's POV
"Sh*t! Hannah. Sagutin mo naman oh." Natataranta na ko dito. Kanina ko pa sya tinatawagan pero hindi sya sumasagot.
Nung lumabas sya sa bahay kanina, susundan ko na sana sya pero sabi ni Lolo sa'kin na hayaan ko muna sya at kakausapin ko sya pag nahimasmasan na sya. Pero kailangan nya ako ngayon. Kaya ko sya tinatawagan. Ngunit di sya sumasagot. Damn.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Teen FictionSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...