Author's Note: Hey guys! Pasensya na ulit kung natagalan ako sa pag-a-update. Ang silent kasi ng mga readers ko. Hindi ako nakakarinig ng mga comments kung nagustuhan nyo ba ang storyang to kasi konti nalang eh at matapos ko na ang book 1. Haaaay. Naging busy rin kasi ako sa school and stuffs. Pinapagawa kami ng thesis. Hirap eh! -_____- Pero okay lang naman. Kahit papano, nakakaraos na kami kasi CAS Week namin ngayon. Sa mga di nakakaalam at sa mga di pa College students. Ang CAS ay isa sa mga colleges ng university namin. Ibig sabihin nun ay College of Arts and Sciences. Dahil BS Psychology ang tini-take up ko, so ang course na yun ay na belong sa CAS. Kaya ayun. Wala kaming pasok. Sana naman naiintindihan ng mga mahal kong readers kung bakit naghihirap akong makapag-update. Pasensya na ulit, ha. :( Sana rin merong reader na mag-motivate sa'kin para ipagpatuloy ko pa tong storyang to. Kasi gusto ko talagang tapusin eh kaso mukhang wala namang sumusuporta sa love story ng mga bida ko. :( Pero baka naman napapa-paranoid lang ako. Hahaha! Sorry. Oh sya sya! Sisimulan ko na tong chapter na'to. ~ Chenayem :*
**
CHAPTER 42 - The Truth Is--
Hannah's POV
"Hi!" bati ko sa kanya nang nakababa na'ko sa sala at nakita ko syang nakaupo dun.
"Hannah.." lumapit sya sa'kin at bigla nya akong niyakap.
"Hahahaha. Anong problema mo?" tanong ko.
Nakakunot ang kanyang noo.
"A-Ah. Wala. Kinakabahan lang ako."
"Hahaha! Ako nga dapat ang kabahan eh. Kasi ako yung ipapakilala sa parents mo."
Ngumiti lang sya.
Ano bang nangyayari sa kanya?
"Hoy Kyle. Wag ka ngang ganyan. Dapat masaya ka ngayon dahil dumating na yung parents mo." sabi ko habang hinahawakan ko ang kamay nya.
"Bakit? Malungkot ba'ko sa paningin mo? Hindi naman ah. Kung anong sinasabi. Tss." aba ! At bumalik na naman ang pagiging bipolar ng isang to. =______=
"Oh. Sige na nga. Abnormal." sabi ko pero hininaan ko ang salitang "abnormal" baka kasi marinig nya. Totoo pa naman yun at baka magalit. XD HAHAHA!
"Anong sabi mo?"
"Wala. Wala."
Kung alam mo lang. Hahahahaha!!!
"Oh, anak. Alis na kayo?" kakababa lang ni mama galing sa kwarto ni Hervey.
"Opo, mama. Hehehehe." sagot ko naman sa kanya at nginitian ko sya. Excited eh. Masisisi nyo ba ko? XD
"Hi po, tita. Good afternoon." bati ni Kyle sa kay mama.
"Oh. Ang aga naman ng sundo ng anak ko, ah. Walang pa ngang alas singko." tumawa si mama at napangiti naman si Kyle.
"Mas mabuti na yung maaga ako tita, baka kasi magbago pang isip nitong si Hannah at hindi na to sasama sa'kin para ipakilala sa mga magulang ko." pabiro nyang sabi habang nginingitian ako ng pilyo. Shet ka Kyle! >____<
"Hahahaha! Nga pala. Ano nga pala full name mo, ijo? Nakalimutan ko kasing itanong sa'yo noon. First name mo lang alam ko." tanong ni mama.
Haay naku si mama oh. Ba't nya ba 'to tinatanong ngayon?
"Ah.... ano. Full name ko po? Ano. Kyle Gerald A. Fajardo." pagkasabi at pagkasabi nun ni Kyle, bigla nalang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni mama. Bakit? Ano bang nasa pangalan ni Kyle?

BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Teen FictionSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...