CHAPTER 46 - Alam Mo Na Pala
Kyle's POV
Naiwan ako dito sa isang local room kasama ang mama ni Hannah na kasalukuyang paring hindi nagigising.
Maya-maya, may tumawag sa'kin, kaya napalingon ako sa likod at nakita ko sina Jose at ang bestfriend ni Hannah na pumasok sa loob.
"Bro" lumapit si Jose sa'kin at tinakpik ang balikat ko.
"Bro.." tinapik ko ang braso nya.
"Oh. Kyle. Nasa'n ang bestfriend ko?" tanong ni Monette.
"Umuwi sa kanila para kunin ang mga gamit ng mama nya. At ichi-check nya raw ang naiwan nyang kapatid dun."
"Ah.. Okay... Anong oras ba dinala si tita dito?"
"Hindi ko alam. Basta nakarating ako rito sa ospital, mga alas 9 na. So siguro, pasado alas otso na nung dinala dito si tita." Sagot ko.
"Okay. Okay..." bumaling sya kay Jose.
"Babe?"
"Ano yun?"
"Pabili naman ng tubig, oh. Nauuhaw ako eh. Please?"
"Okay."
Umupo si Monette sa isang stool malapit sa higaan ng mama ni Hannah.
Honestly, ang init na talaga dito. Walang aircon. Electric fan lang. Kailan ba kasi maililipat si tita sa Private Room? Tss.
Nakatingin lang si Monette ngayon sa mama ni Hannah.
Pero nabigla ako sa tinanong nya.
"Totoo ba... Totoo ba na magkapatid kayo ni Hannah?" nanatili parin syang nakatingin sa kay tita Carol nung tinanong nya yun.
Hindi ako makasagot. Totoo nga ba? Hindi ko rin kasi alam ang lahat-lahat, eh.
"A-Ano...H-Hindi ko ala-"
"Alam ko na, Kyle. Sinabi sa'kin ni Hannah. Pero gusto kong marinig galing sa'yo kung naniniwala ka ba na magkapatid talaga kayo."
Nanigas ako sa kinauupuan ko. Kung sasabihin ko sa kanya na "Oo." Sasabihin ba nya kay Hannah na naniniwala ako na magkapatid kaming dalawa?
"H-Hindi. Hindi ako naniniwala." Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ko.
"Ganun ba?"
"Ano ba kasing nangyari dun sa mansion nyo kanina? Hindi nya kasi sinasabi sa'kin." This time, nakatingin na sya sa'kin.
Umupo ako ng maayos sa plastic chair na kinauupuan ko malapit sa kinalalagyan ni tita Carol. Magkaharap kasi kami ngayon ni Monette. Nasa kabilang side sya ng kama at ako naman ay sa isa pang side.
Hindi ko alam kung dapat ko pa ba syang sabihan. Ano pang saysay kung tapos naman pala yung mga nangyari, diba?
Pero pinili kong sabihin nalang sa kanya dahil wala naman yung problema kasi bestfriend sya ng mahal ko.
"Sabi kasi ni mommy, anak daw sa labas si Hannah at magkapatid kami sa ama. Kaya hindi daw sya makakapayag na maging parte si Hannah ng pamilya namin. Sinigawan nya si Hannah. Umuwi si Hannah na umiiyak tapos nalaman ko nalang galing sa kanya na dinala na pala sa ospital si Tita Carol." Paliwanag ko.
"WHAT? Ganun bang sinabi ng mommy mo?! Sus! Kung hindi mo lang mama yun, baka pag nalaman ko, masasabunutan ko talaga yung babaeng yun!" napatayo sya habang sigaw nya to.
"Hinaan mo nga boses mo? Kailangan ba talagang sumigaw?" naiinis kong utas.
Hindi ba nya alam na merong ibang pasyente ang naririto? Napaka-ingay talaga ng babaeng to kahit kailan. Tsk. Sana di ko nalang sya sinabihan tungkol sa nangyari kanina.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Teen FictionSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...