CHAPTER 48 -
Hannah's POV
"Mama.. Kain na po kayo." Sabi ko kay mama na kasalukuyang nakaupo sa kama nya.
Tanghali na at nandito parin ako sa ospital kung saan naka-confine si mama.
Sobrang tuwa ko dahil nagising na si mama kagabi.
*flashback...
"Kyle, tawagin mo yung doctor."
Dali-daling lumabas si Kyle sa kwarto ni mama para tawagin ang doctor.
Binanggit ulit ni mama ang pangalan ko.
"H-Hannah..."
"Mama. Mama. Gising ka na!" Naiiyak na ko sa sobrang tuwa. Akala ko matagal pa syang magigising. Salamat sa Diyos!
Bumukas ulit ang pinto at pumasok na si Kyle kasama sina Doctor Gomez at mga nurse.
Hindi namin nalaman kung anong ginawa nila kay mama dahil pinalabas kami ng nurse at sinabihan kami na maghintay nalang.
"Hannah, mabuti naman at gising na si tita Carol." Sabi ni Kyle nang nakaupo na kami sa maliliit na upuan dito sa labas ng kwarto ni mama.
"Oo, Kyle eh. Gusto ko na syang tanungin tungkol sa lahat-lahat. Gusto ko nang malaman kung sino ako at kung ano ba talaga kita."
**
Mag a-alas dos na ng madaling araw nung ginising ako ni Kyle. Nakatulog pala ako habang hinintay namin yung doctor na lumabas sa kwarto ni mama.
Sinabihan din ako ni Kyle na nagpaalam na sina Monette at Jose.
"Pasok na tayo?" Tanong ni Kyle.
Tumango ako.
Pagpasok namin sa kwarto ni mama, nakita namin syang nakaupo habang yung ulo nya ay nakasandal sa head board ng bed.
Mangiyak-ngiyak na 'ko nung nakita ko syang gising at ngumingiti.
"Mama!" Agad akong tumakbo tungo sa kanya at niyakap ko sya ng kay higpit.
At ng mga sandaling yun, inalagaan at binantayan ko na si mama hanggang sa makatulog ako sa tabi nya.
*end of flashback...
May kumatok sa pinto habang sinusubuan ko parin si mama ng pagkain.
"Pasok lang." Sabi ko.
Bumukas ang pinto at pumasok ang lalakeng pinakamamahal ko.
"Magandang hapon po, tita." Bati ni Kyle sa mama ko.
Nung nakatulog ako ng madaling araw dahil sa kakahintay na magising si mama, umalis si Kyle at sabi nya pupunta raw sya kina Adrian para dun matulog kasi di pa daw nya kayang umuwi sa kanila. Sabi nya hahayaan nya daw muna akong makasama ang mama ko. Dahil kailangan ngayon ni mama ng magbabantay at mag-aalaga sa kanya.
Nung umaga, nagtext sya sa'kin na dun na sya magbi-breakfast sa bahay ng bestfriend nya. At bibista sya ngayong tanghali. So, eto na sya.
Ngumiti naman si mama sa kanya.
Tumingin si Kyle sa'kin at nag-wink. Hahaha! Ang landi neto!
Lapad naman ng ngiti ko. Pero buti nalang at di napansin ni mama. Nakakahiya kasi!
"Umupo ka muna dyan sa sofa." Sabi ko sa kanya.
"Oo naman. Salamat, Miss Hannah." Ngumiti ang loko. Bakit ba parang good mood ang taong to ngayon?
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Teen FictionSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...
