(A/N: Hi guys! Sorry talaga! Ngayon lang ako nakakuha ng pagkakataong makapag-update ng story na 'to. Huhuhbells. Sarriii. Okaay? Saaariii. Hehe. Busy na kasi talaga ako ngayon sa school. Alam nyo na. Buhay college, eh. Tss. Pero nandito na'ko ngayon at sisimulan ko na ang kwento ni Tristan.. Salamat po sa pagsubaybay sa story nina Hannah ay Kyle :) I love you po! ~ ChenChen)
.
.
.
CHAPTER 20 - Silent Guy
Tristan's POV
(The night before Lolo Silverino's birthday)
..........
Thursday~
"Grabeh! Nakakinis talaga ang babaeng yun! Hindi ko nga alam. Gusto ko ba sya o hindi. Shit! Mababaliw na'ko nito!" hinihila ngayon ni Kyle ang kanyang buhok. Mukha na nga syang baliw. Haha!
Nandito kami ngayon sa kwarto ni Kyle. Dito na raw kasi kami matutulog para sabay na kaming lahat papunta sa airport bukas ng maaga. Kumbaga, parang sleepover narin ito at naghahanda narin kami para sa birthday ni lolo Silverino bukas.
"Oy! Ang ingay mo naman. Natutulog na ako!" sigaw ni Jose habang nakahiga sa kama ni Kyle nang nakadapa. Ang alam ko, matagal matulog ang lalakeng to pero ngayon, nagbago na talaga sya.
"Eh, kaninong kama ang hinihigaan mo ngayon, ha?! Tulak kita dyan ,e! Inutil! Wag mong dagdagan ang pagkabwisit ko!" sigaw rin ni Kyle habang sinisipa ang dalawa paa ni Jose na nasa kama.
Natatawa lang ako sa itsura nila.
Ako naman, ay nandito lang at nakaupo sa sofa ni Kyle. Ayokong tumabi sa kanila. Alam kong malaki ang kama ni Kyle pero hindi ko lang talaga gustong tumabi sa kanila.. sa ngayon.
"Tristan! Ba't ka ba nandyan? Matutulog na tayo! Maaga tayo bukas." ani Yanyan paglabas nya mula sa CR.
"Oo nga! Ba't ka ba nandyan, Tristan? Tabihan mo tong si Jose." lumingon si Kyle sa'kin at nagkunot ng noo nang hinarap nya ang natutulog na si Jose.
"Mukhang hindi na kasi tayo kakasya. Na-occupy na ni Jose ang buong space ng kama, eh. Dito nalang ako." pagpapalusot ko.
"Hindi ka ba nasanay sa taong to?" turo nya kay Jose na himbing ang pagkakatulog.. "Nakikisiksik ka naman dati, ah! Wag mo nang problemahin 'tong si Jose. Bubuhatin natin sya at ilalagay natin sya sa sahig para pag-gising nya, manginginig na sya sa lamig. HAHAHA!" Kahit kailan napaka-traydor talaga ng isang 'to. Hahaha!
"Haha! Wag na. Maawa ka naman sa kanya." ani ko.
"Sige. Bahala ka." utas ni Yanyan.
"Oh. Alas onse na ng gabi. Matutulog na'ko. Wag nyong kalimutang patayin ang ilaw bago kayo matulog." utos ni Kyle sa'min ni Yanyan.
"Yes, boss! Tss." at pinatay na niya ang ilaw.
Nakatulog na ang tatlo kong kaibigan pero hindi parin napupuyat ang mga mata ko. Ano ba kasi 'to? Bakit ko ba naiisip si Hannah? Ang boses nya. Ang mukha nya. Ang pagiging matapang nya. Ano 'to?! At bakit sa twing nakikita ko sya, hindi mawala-wala ang mga ngiti ko? May nararamdaman ako pero hindi ko alam kung bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa na meron na syang pinaglalaanan ng kanyang atensyon? Tawagin nyo man akong selfish pero ngayon ko lang gagawin to sa buong buhay ko. Hindi ako ang klaseng tao na mahilig mang-agaw pero para sa nararamdaman ko sa kay Hannah, gagawin ko ang lahat, masira lang ang deal nila. Natatakot ako kasi alam kong balaw araw, masasaktan sya ni Kyle. Masasaktan silang dalawa kaya uunahan ko nalang sila bago pa umiyak si Hannah. Alam ko ang lahat. Alam ko ang sikreto ni Kyle na sya mismo ay walang alam tungkol nito.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Fiksi RemajaSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...