CHAPTER 1 - That First Impression *O* --> -_-
.
.
.
Ayoko na. Ang sakit eh! Sobra na. Mahal ko parin sya! :'(
.
.
.
"HANNAH, may iba na akong mahal. Sorry...."
Sabi niya nung tinanong ko sya kung mahal pa ba nya 'ko....
"Wow! Grabeh mo talaga, noh! Kung makapagbiro parang totoo na, e. Hahahahaha! Kala mo maniniwala ako dyan? Tama na James, ang joker mo talaga!" humahagalpak ako sa pagtawa dahil sa biro nya. Hindi ko naman kasi dinibdib yung sinabi nya. Alam ko ring mahilig talaga syang mantrip.
"Hindi ako nagbibiro, Hannah. Sorry." seryoso ang mukha na parang hindi talaga sya nanti-trip.
"Ha? Bakit, James. May nagawa ba ako para sabihin mo 'to sa'kin?" hinintay ko syang sumagot .. "Ano? Sumagot ka naman." nanatili lang syang nakayuko.
"Hannah. M-Maghiwalay na tayo.May iba na'kong mahal. Sorry. Pero magpapaliwa--" hindi sya nakatapos sa pagsasalita dahil bigla ko syang nasampal. Hindi ko nakayanan, eh. Nabigla talaga ako.
Kahapon, ang sabi nya pa sa'kin mahal niya raw ko at hindi raw sya gagawa ng anumang bagay na magpapaiyak sa'kin. Pero ano ba 'tong ginagawa nya ngayon?
"Wag ka nang mag explain! So... Ganun lng yun? Cge, Go! Dun kana sa BAGO mong mahal. Aalis nalng ako, baka masemento ko pa yang mukha mo!" tumalikod ako kay James at tsaka tumakbo nalang ako papalabas ng condo nya. Hindi ko kasi kayang umiyak sa harap niya.
Ang hirap palang tanggapin na mismo yung taong akala mong magpapasaya sa'yo at magmamahal sa'yo. Yun pa ang unang magbibigay ng sakit at pighati dyan sa puso mo....
---------------------------------------------------------------------------------------
Mga ilang weeks na rin ng nakalipas noong nakipaghiwalay sa'kin yung gagong yun. Sakit talagang isipin na ngayon, para nalang kaming STRANGERS sa isa't-isa. Hindi ko na sya kilala. Hindi nya narin ako kilala. Hindi na niya ako kinakausap. Hindi ko narin sya kinakausap. At ang grabe pa nito ay nalaman ko nalang na mag wa-one year na pala sila ng bago nyang GIRLFRIEND?! Aba, so MATAGAL na pala akong niloloko nitong mokong 'to! Haaay! Ang labo! Gusto ko na talagang sumabog sa galit at umiyak lang ng umiyak na parang bata na nagta-tantrums. :'(
.
.
.
.
.
.
.
.
"Huy Han!!! HANNAH TRIXIA DELA CRUZ! Engot! Gising! Woohoh! Bumalik kana sa EARTH!" Kinakaway-kawayan ako ng bestfriend kong si Monette habang sinasampal-sampal ng mahina yung mga pisngi ko.
"Ay tae! Ha?! Ano ka ba naman Monette! Ginising mo'ko sa panaginip ko. Pero salamat narin. Eh, kasi. NIGHTMARE yun eh! Meron kasi akong nakitang KAPRE na manloloko. At tsaka, JAMES BRIAN MONTEMAYOR ANG PANGALAN!" Muntik na'kong magmura. Pero pinigilan ko sarili ko dahil nandito lang pala si James sa harap namin at nakatalikod pa!
"Hay naku. Kung pwede lang talagang manapak ng malakas at hindi mai-refer ng teacher sa Student Affairs Office, eh gagawin ko talaga!" bulong ko sa sarili ko.
"Uy! Na strong si ate? Hahaha! Hannah! Wag ka ngang magpaka bitter. Andami namang lalaki dyan sa tabi-tabi eh. Siguradong hindi sila katulad ng GAGONG ex mo na si JAMES!" Hay naku. Dinagdagan pa ni Monette ang pagpaparinig ko kay James.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Novela JuvenilSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...