Chapter 8 - Unfaithful

170 2 0
                                    

Note: Babalik tayo sa araw na nabisto ni Kyle sina Sonia at James na naghahalikan.

.

.

.

.

Sonia's POV

 

"K-kyle. Let me e-explain." sinubukan kong mag-explain sa kanya pero hindi nya ako pinakinggan

"EXPLAIN?! MA E-EXPLAIN MO PA BA TONG PANG GAGAGO NIYO?! LECHE! MAGSAMA-SAMA KAYONG MGA MANLOLOKO!" biglang umalis si Kyle pagkatapos nyang mag iskandalo sa restaurant

Napahiya talaga kami sa ginawa ni Kyle kaya hinigit na 'ko ni James palabas ng restaurant papunta sa labas ng kotse niya.

"Sonia. Akala ko ba hiniwalayan mo na yung Fajardo?" tanong ni James na medyo nagtataka habhawak ang magkabila

"James. Sorry. Hindi ko pa nasabi sa kanya kasi hindi ako pinayagan ng lolo niya na kausapin siya, eh. Kaya ayun, wala kaming communication. Nung araw na tumawag sya sa'kin, kakausapin ko na sana at hihiwalayan ko na sana sya, pero sa twing magsasalita ako, hindi nya ako pinapatapos. Sa twing may sasabihin ako sa kanya tulad ng "Kyle, may importante akong sasabihi--" , puputulin niya ako tapos sasabihin niyang "Na-miss kita Sonia. Mahal na mahal kita. Magkita na tayo." Tapos, ibababa nya agad ang phone. Sorry, James." paliwanag ko kay sa kanya.

"Okay lang, babe. Wag ka nang mag-sorry. Siya ang dapat mag sorry kasi nag iskandalo sya dun sa restaurant." rine-assure ako ni James habang naka-akbay sa'kin.

Nandito kami ngayon sa sasakyan ni James.

"Panu yan, babe? Alam na nya." tanong ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala, babe." lumingon sya sa'kin at tsaka ngumiti.. "Alam kong malalaman narin 'to ni Hannah dahil magsasalita nga si Fajardo. Pero diba, ikaw din naman nagsabi sa'kin na gagawin natin lahat para lang ma explain sa kanila tong relasyon natin? Ako din kaya, hindi ko na explain kay Hannah ang lahat dahil bigla niya 'kong sinampal at nag walk-out" ngumiti nalang din ako sa kanya.

Gusto niyo bang malaman kung bakit naabot kami ni James sa ganitong sitwasyon? Eto yung explanation sana namin dun sa aming mga "EX".

.

.

.

MEET THE GIRL IN KYLE'S LIFE.........

.

.

.

.

Ako pala si Sonia Kristelle Gonzales. 19 years old. 2nd year college student ako. HRM ang kinuha kong course. Dito ako nag-aaral sa Franco University. Pano ko nakilala si James at tsaka ang banda?..

Well, actually, nung 3rd year highschool student palang ako, nakilala ko na sina Kyle at mga bandmates nya. Kinuha nila akong vocalist dahil nangangailangan sila ng babaeng vocalist na du-duet sa kanilang keyboardist na si Tristan John Jaranilla a.k.a Tan-tan. Nung napasok ako sa banda nilang "Silent Kiss" na si Kyle mismo ang nagpasimuno, mga ilang gigs narin ang nagawa namin simula nung tinulungan kami ng lolo ni Kyle para maipakita ang talent namin sa labas ng school. Tumugtog kami ng ilang mga lugar, mga events such as birthdays, wedding receptions, debut, fiesta. Basta, kung saan-saan na kami nakakatugtog nang dahil sa tulong ni Lolo Sireno. Ang alam ko, sikat na kami sa lugar namin pati narin sa school. Matagal-tagal rin yun, ha. Hindi ko parin nakakalimutan ang mga masasayang alaala namin nina Tantan (Tristan), Yanyan (Adrian), Baste (Sebastian), at ni Drummer Boy (Kyle). Mahal ko ang mga ka-banda ko. BARKADA na ang turing namin sa isa't-isa, eh.

Hate That I Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon