CHAPTER 4 - Back to Back Revenge
.
.
.
.
Hannah's POV
.
.
.
.
.
Tuesday na.
Nauna kami ngayon ni bessy na pumasok sa room. Salamat at nalayo ko narin ang sarili sa panget na Kyle na yun. Simula kahapon, hindi ako mapakali. Eh kasi, hindi ko parin matanggap ang parusa ni Mam Tiu. Tapos isusumbong niya rin kami ni Kyle kapag hindi kami magkakasundo. Hay! "Ano ba tong napasukan mo, Hannah?!"
.
.
.
.
2nd period na at oras na ng Sociology class namin nang dumating ang barkada ni Kyle pero hindi nila kasama ito. Umupo sa likod ko yung Adrian tapos sa tabi naman niya umupo yung Vain na lalake. Jose ba yun? LOL. Tapos sa tabi naman ng chair ni Kyle umupo si Tristan pero pag upo niya bigla syang ngumiti sa'kin na parang meron syang pinagpaplanuhan. Maya-maya, dumating ang lalaking Abnormal at umupo sa tabi ko.
"Pffft. Haha!" nagawa niyang mailabas sa bibig nya
"Ano bang nakakatawa dyan, Mr. Abnormal?" tanong ko sa kanya
"Pft! Hahaha! Heh! Wala!" sabi niya
"Hmph! Sungit!!" may biglang bumato sa likod ko. Eh, si Adrian lang naman ang alam kong nakaupo sa likod ko. Lumingon ako sa likod pero nakita kong nagsusulat sya ng notes?!?! HAHA! Hindi ko nalang pinansin.
"Ehem! Ms. Hannah?" lumingon ako sa taong nasa tabi nung Adrian at nakita ko si Jose este Sebastian
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya
"Ah. Wala lang. Napansin kong ang cute mo at ang red ng cheeks mo. Kinilig ka ba kasi pinansin ka ng gwapong katulad ko? ^_^v" nagawa pa nyang magpa-cute at ngumiti pa yung gago. Hindi ko na mapigilan ng pagka inis ko dahil ang VAIN na nga nya, at ang HANGIN pa.
"Heh! HAMBOG! Manigas ka!" saktong-sakto na paglingon ko sa harapan kung sa'n nagsusulat parin si Mam Shielalaine, ay may bumulaga sa mukha ko.
"Sh*t ! Ano bang problema mo lalake, ha?! Hindi mo ba talaga ako tatantanan?!" sigaw ko sa lalaking napakasama ng ugali na si Kyle. Pa'no? Eh, dinikitan ba naman ang mukha ko ng icing ng cupcake! Tama ngang hinala ko. RED din ang color gaya nung sinabi ni Mr. Vain Kid. Bwisit!
"Pinagtitripan niyo ba'ko?!" dagdag ko pa. Hindi kami narinig ni Mam dahil medyo may kalayuan ang seat namin at nandun kami sa dulo nagsisigawan. -_-
"Wag niyo ngang pagtripan ang bestfriend ko!!" sigaw naman ni Monette na rinig na rinig ng buong klase
"Hahahahaha!" sabay tawa silang tatlo ngunit hindi sumabay sa pagtatawa yung Tristan. Tsk -_- Ang sama nila. Huhu!
Napalingon si Mam Shiela sa'min pagkarinig niyang sumigaw si Monette. Eh parang loud speaker na kasi ang boses nun.
"Ms. Dela Cruz! What happened to your face? Why is your face covered up with icing?! Come on, tell me." tanong ni Mam sa'kin
"Wag mo ng itanong, Mam. *sniff. W-Wala po yun. So --*sniff --rry po." hindi ko nalang napigilang umiyak sa harap nilang lahat. Ang sakit, sakit na eh T.T Ang gago nila. Ginawa nila akong tanga. Napatigil sila sa pagtawa nung nakita nila akong umiiyak.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Teen FictionSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...