CHAPTER 24 - Confusions
Hannah's POV
Naiinis ako! Naiinis ako! Naiinis ako sa kanya! Naiinis ako sa sarili ko! -__-
Bakit ba gan'to ang nararamdaman ko?
Imbes na maiinis ako dahil sa mga pinaggagagawa nya, unti-unti naman akong nahuhulog sa kanya.
Why?
Sana hindi ito lalala. May sinusunod parin akong rule. Dapat hindi ako maiinlove sa kanya. Dahil mawawalan ako ng trabaho. Huhuhu. T__T
Pero, andito na eh. Matagal ko nang kinalimutan si James. Akala ko magiging bitter parin ako. But then, just because of one move, everything changed.
And I hated him so MUCH. (Note the capital letters). But that's what I thought. Now, I'm already falling...
.
.
.
"Hannah. Hannah. Hoy."
Ang ingay naman ng tukmol na'to. Hindi sya nakikinig kahit na nagdi-discuss si Sir Julius, ang asawa ni Mrs. Costanilla. Wala talagang modo. Tsk.
Hindi ko sya pinapansin dahil naiinis ako. Hindi ko nga alam kung bakit ako na-disappoint nung tinanong nya ito sa'kin:
"Okay lang ba yung acting ko kanina?"
Nagalit nalang ako bigla.. At nung binigay na nya sa'kin ang sweldo ko, imbes na magtatatalon ako sa tuwa, nagalit nalang talaga ako. Gusto ko naman makatulong kay mama, eh gamit yung pera. Pero, wala na kasi akong pake dun. Nitong umaga lang, ang saya-saya ko nga eh dahil alam kong matatanggap ko na yung sweldo ko.. Pero bigla nalang nagshift ang utak ko. Basta ang alam ko ngayon, parang mahal ko na sya. Arggg! Nalilito na talaga ako!
"Wag mo 'kong kausapin. Bwisit." inirapan ko nalang sya para hindi na nya 'ko kakausapin kahit sa ngayon lang. Badtrip kasi ako. Pwede ba?!
"Okay. Okay. Huhupa din yan. Wala ako sa mood makipag-gyera ngayon, Ms. Lampa."
K. I don't care.
Hindi na sya nagsalita.. Hay. Salamat.
Maya-maya, nakita ko syang nakahawak sa kanyang bulsa. Tapos kinuha yung phone nya.
"Hello?"
"Oh? Sino ka? Anong kailangan mo?"
"Ano nga? Sino ka ba?"
Ay. Bobo! Bakit ba kasi hindi nalang sya mag-excuse para lumabas dahil may tumatawag? Yan tuloy, tinitignan sya ng matalim ni Sir Julius.
Hindi ko alam kung sino pero may masama akong kutob sa tumatawag sa kanya. Nagbago kasi ang ekspresyon sa mukha nya pagkatapos nyang ibinaba ang phone nya. Mukha syang gulat na gulat. Mukha syang hindi makapaniwala.
"Sino yun, Kyle?" tinanong ko sya pero mukhang hindi nya ako narinig.
"Huy! Sino yung tumawag?" inulit ko ang tanong sabay poke ko sa kanyang braso.
"H-Ha? W-What? Anong ulit yung s-sinabi mo?" nauutal sya? Gosh. Ang mukha nya nang humarap sya sa'kin ay para talagang nakakita ng multo.
"Ba't bigla kang nagkakaganyan, ha? Sino yung tumawag?"
"Wala." cold nyang sagot.
"Ano 'to? Bobo-bobohan? Ikaw nga dyang mukhang nalipasan ng gutom, eh. Mukha kang tanga."
"WAG.MO.AKONG.KAUSAPIN." nabigla talaga ako sa sinabi nya.
Napalingon ang lahat sa direksyon ng kinauupuan namin dahil sa laki ng boses ni Kyle pero nakatingin lang sya ng diretso sa white board.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Novela JuvenilSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...