CHAPTER 45 – BACK STORY
Author's POV
9:00 PM
Nakaupo si Max, ang ama ni Kyle sa tabi ng kama ng kanyang asawa habang tinitignan nya itong mahimbing na natutulog.
Si Kylie ay lumabas na nung nakatulog na ang mommy nya kasi meron pa raw syang aasikasuhin at tatawagan daw nya ang kapatid nya na biglang lumabas ng bahay matapos silang mag-usap ng kanyang daddy kanina.
Si lolo Sireno ay nagpapahinga na ngayon sa kanyang kwarto matapos syang kunan ng BP ng kanyang personal nurse.
Habang hinihimas-himas ni Max ang buhok ng kanyang asawa, bigla nyang naalala ang mga nangyari noon sa kanilang pamilya kung kailan nagtatarabaho pa noon ang mga magulang ni Hannah sa kanilang mansion.
*FLASHBACK*
"Max, Helga. Sya si Carol Aguirre. 18 years old. Sya ang bago nating katulong sa bahay at sya rin ang mag-aalaga ni Kylie. Kabarkada ko noon ang ama nya. Inaanak ko sya. Kaya matagl ko na syang kilala. Ngunit nung nalaman kong namatay ang mga magulang nya, walang pag-aalinlangan ko syang dinala rito. Sabi nya sa'kin, gusto nya raw mag-aral at mag-ipon para raw matupad ang kanyang mga pangarap. Mabait at masipag na bata tong si Carol." Inintroduce ni lolo Sireno si Carol kina Max at Helga na ngayon ay lumalapit kay Carol.
"In fairness, daddy. Maganda sya... Hi. Ako nga pala si Helga Ann Fajardo. Asawa ni Max at mommy ni Kylie." Ngumiti si Helga kay Carol at kitang-kita sa mukha nya na gusto nya si Carol dahil sa pagiging maganda nya at mahinhin kagaya nya.
"Hello, po. Ikinagagalak po kitang makilala Mrs. Helga." Ngumiti naman si Carol pabalik sa kanya at tinanggap ang kamay ni Helga para makipag-shake hands.
"Naku. Miss nalang. Wag Mrs. Parang mabilis akong tatanda nyan. 23 yrs. old palang ako. Hahaha." Tumawa naman si Carol pati sina Lolo Sireno at Max sa sinabi ni Helga.
"Opo. Sige. Miss Helga." Ngumiti ulit si Carol.
Pagkatapos nun, si Max naman ang nag-introduce ng kanyang sarili.
"Kamusta Carol?" ang lawak ng ngiti nitong si Max habang titig na titig sya kay Carol. Siguro hindi pa sya nakakita ng babaeng kasing-ganda ng kaharap nya ngayon. Pero nawala na yung iniisip dahil sumagot si Carol sa tanong nya.
"O-Okay lang po, Sir...Uhmm?..."
"Ah. Francis Maximus Fajardo. Daddy ni Kylie. And..uh.. It's nice meeting you." Ngumiti nalang si Max sa kanya dahil hindi na rin sya nakaka-isip ng sasabihin nya.
"Nice meeting you din, po, Sir Francis." Ngumiti si Carol sa kanya at pagkatapos nun ay pinapunta na sya ni Lolo Sireno sa kanyang sariling kwarto.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Teen FictionSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...