Chapter 9.5 - Rivals to Allies? (part 2)

138 3 1
                                    

CHAPTER 9.5 - Rivals to Allies? (part 2)

Hannah's POV

"ANO?!?!" bestfriend ko na naman ang gumagawa ng ingay ngayon. Hays! Napatakip nalang ako ng tenga.

Last period na namin ngayong hapon at pagkatapos nito ay uwi-an na pero matatagalan ako sa pag-uwi kasi may meeting pa kami sa Music Club.

At ganun na nga, kami na ng gagong si Kyle kaninang umaga. Hay! Hindi parin mawala sa isip ko ang pinag-usapan namin. Arrrrggg!!! (Ang saya noh?! Tsk. Konting usap-usap lang at isang sagot na 'Deal!', kayo na agad?! -__- Pero fake lang kasi there are no feelings involved. Ay meron pala, HATE. >_<) 

"MISS SALAZAR?! WHY ARE YOU SHOUTING IN MY CLASS?!" mukhang napansin talaga ni Professor Francis M. ang pagsigaw ni Monette. Patay!!

"A-ah. Eh. Wala lang po, Sir. May BAD news po kasi. Sorry po talaga." sagot ni bessy habang lumilingon sakin at matalim akong tinititigan.

Pero tama nga sya. BAD nga 'tong news na nalaman niya.

"Why won't you share that BAD NEWS to the class, hmmm? Maybe we can help.." sarcastic na wika ni Prof.

"Ah. Prof, k-kasi si Hannah. S-sila n-ni. A-Ano. S-sila n-na .. N-na--"

"S-sila N-Naming at Muning!! Oo. Sila! Hehe! N-namatay po ang mga p-pusa ko, Prof. Napamahal na kasi kay Monette ang mga pusang yun eh k-kaya ganun nalang ang reaction niya." whooo. Napabuga nalang ako ng hangin at nakalusot pa ako dito.

Sana wag nilang malaman ang kagaguhang sinapit ko. Sorry Naming. Sorry Muning at nadamay kayo sa katangahan ko. Huhuhu. Patawarin nyo ko.

"Okay. Then you may sit. And PLEASE don't you dare shout during my discussion again, Miss Salazar, coz if you'd think about trying to repeat what you did, then I might have to drag you out of this room." hala! nangingitim na ang mga puti sa buhok ni Prof. =_= Napasubsob nalang ako sa desk ko.

"O-opo, Prof. Sorry po." at umupo na sya ulit sa right side ng seat ko.                                                         

Lumingon ako kay bessy at kitang-kita talaga ang galit sa mukha niya.

Nagtanong kasi siya kung anong pinag-usapan namin ni Kyle kaninang umaga. At ganun na nga, sinabi ko sa kanya na kami na ni Kyle kahit na kababago palang naming nagkakilala tapos ang first impression pa namin sa isa't-isa ay sadyang napakadilim at malabo para isiping maganda at mabuti ang pakikitungo namin with each other.

Pero hindi ko pa nga na-explain sa kanya, sumigaw na agad. Sasabihin ko pa sana na DEAL lang yon. Hay! Ang bestfriend ko nga talaga anoh? Nakakainis. Sige, mamaya nalang siguro. 

Bakit ba kasi ako pumayag sa immature na deal ni Kyle?! Dahil siguro, nahumaling lang ako sa offer nya na babayaran nya 'ko. Hahayy!

"Arg! Anu ba yan?" ginulo ko nalang ang buhok ko

"Pst. Vocalist girl ko, may problema ka ba? Ang ingay naman ng bestfriend mo." pabulong nyang tanong sa'kin dito sa tabi ko. Nakakairita lang talaga isiping magkatabi kami ng gagong 'to. Tss.

"Mukha mo ang problema ko. At tsaka, wag mo nga akong tawaging "vocalist girl ko" ang sagwa pakinggan, eh." sabi ko sa kanya at inirapan sya.

"Hoy, ang kapal naman ng mukha mo. Choosy ka pa. Ang dami nga dyang babae ang nagkakandarapa sa'kin at halos makipagpatayan para lang makuha ang atensyon ko. Eh, ikaw. Wala kang utang na loob. Ginawa na nga kitang girlfriend ko kahit na in the first place, labag na sa loob ko. At tinawag mo pa talagang masagwa ang endearment ko sa'yo, ha?" aniya ng pabulong.

Hate That I Love You SoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon