CHAPTER 6.5 - Start a Band or Start a Relationship? (part 2)
Kyle's POV
"Wooowww! Ito bahay niyo?" sino pa nga ba? Eh di ang tulo-laway na babaeng bobo na si Hannah.
"Hindi. Baka sa inyo to noh? Bobo talaga nito. Halika na. Kanina pa tayo hinihintay ni lolo. Tulo laway. Pfft." pinigilan kong matawa sa kanya.
"Ahhh. E-eh. Hmpff! Sungit!" sinundan nya ako sa paglalakad papunta sa garden tapos pumasok na agad ako sa may malaking door na binuksan ng dalawang butler. Natatawa parin ako sa ginagawa nya. HAHAHA!
"Uhm. Hi. Good evening. My name is Hannah Trixia Dela Cruz. We are looking fo-- aw!" binatukan ko lang naman sya. Haha! Akala siguro niya mga receptionist ang dalawang yun ng isang hotel. Kasi tinatanong pa nya kung sa'n ang room ng lolo ko, eh. Engot talaga nito. Haha!
"Wag ka ngang ganyan, Hannah. Nakakahiya. Tss" ganito lang sinabi ko tapos hindi na sya nagsalita pa.
Habang naglalakad kami sa may hallway kung sa'n ang dami naming pictures nila Mommy, Daddy, ni Ate, pati narin ni lolo at lola, natigilan ako sa paglalakad dahil bigla nalang syang umiyak sa harap ng picture kung sa'n kasama namin si daddy.
Sa picture na 'yon, nagpa-piano si daddy, tapos kinakandong ako ni mommy sa isang sofa habang kumakanta si Ate Kylie. (4 years old pa ako dito at si ate naman, 9 years old) Hay! Ano na naman bang dinadrama nito?
"Huy, Hannah! Ba't ka umiiyak?" paglingon nya sa'kin, hindi ko inakalang ganito pala sya kaganda. Kumikislap ang mga mata nya dahil nga sa luha.
Grabeh, ito pala ang isang side ni Hannah Dela Cruz. Ang alam ko kasi, lalakeng-lalake sya kung kumilos, parang tomboy, tapos nanununtok lang bigla, naninigaw, mahilig yata sa skandalo, walang bahid ng kaartehan sa katawan. Pero bakit ngayon, ang lambot-lambot nya? Umiiyak lang sya basta-basta pagkakita nya sa picture namin tapos hinaplos nya ang mukha ng dad ko. Tsk. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi ko alam pero gusto ko lang syang yakapin. Hindi! Wag! Wag! Erase. Erase. Erase. Wag kang paapekto, Kyle!
"Hannah, tama na yang ka-dramahan mo! Ang panget-panget mo na. Ipapakilala pa naman sana kita kay lolo." ganito lang nasabi ko
"Kyle. Ayoko na. Aalis na ako." huh? Bakit? Anong nagawa ko?
"Bakit? May nasabi ba ako? Hannah, naman. Wag kang aalis. Wag mo kong iwan." tumigil sya sa paglalakad, lumingon sya sa'kin at sinabing
"Bakit mo 'to ginagawa sa'kin, ha?! Bakit mo ko pinahihirapan?! Bakit bigla ka nalang nagbabait-baitan?! May pinaplano ka ba? Alam kong kinamumuhian mo ako pero wag mo naman sana akong gamitin sa kung ano man yang binabalak mo. Kyle, hindi ako MANHID. Minsan narin akong nasaktan. Wag ka nalang mandagdag pa sa sakit na nararamdaman ko ngayon." tumagos sa akin ang lahat ng sinabi niya. Naramdaman kong nasasaktan rin pala sya. Hindi ko nakita yun. Ang gago mo, Kyle!!
Nagsimula ng tumakbo si Hannah nang meron syang nabanggang tao na lumabas sa may pinto ng Library namin. Naku! Patay!
"Naku! S-sorry p--" hindi nakapagtapos ng salita si Hannah dahil tumambad lang naman sa harap nya ang lolo ko
"Ikaw ba si Ms. Hannah Dela Cruz?!" parang galit si lolo. Hay! Hannah, naman oh. Wrong timing ang pagdadrama mo. Tss.
"O-opo. A-ako po si Hannah. Pasensya na po, Sir kung nabangga ko po kayo. Pasensya na po. Aalis na rin naman ako. Sorry po talaga." nag bow pa talaga si Hannah sa harap ni lolo, ha. Imbang babae. XD
Nung papaalis na sya, hinarangan sya ng mga butler at nilapitan sya ni lolo. Nandun parin ako sa may hallway, tinatanaw sina lolo at Hannah na nag-uusap sa may sofa. Medyo matagal-tagal din silang nag-usap. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero maya-maya, tumango si Hannah na parang um-Oo sya sa sinabi ni lolo. At niyakap sya ni lolo. Tapos nilapitan nya ako at ngumiti. Bakit?!
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Novela JuvenilSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...
