CHAPTER 30 - Is This The End?
Hannah's POV
"Silent Kiss! Silent Kiss! Silent Kiss!"
"Kyaaaaaaaaa~"
"Kyle Fajardo!!"
"Baste! OMG!!"
"Girls, tingnan n'yo yung lalakeng mukhang suplado. Ang GWAPO! Kyaaaa~ my gosh!"
"Ang gwapo nung may glasses!"
"Sh*t! Dude. Tingnan mo. Ang sexy at ang ganda ng vocalist nila. Diba, girlfriend sya ng Fajardong yan?"
Ang dami kong naririnig na positive comments galing sa mga estudyante dito sa harap ng stage. Nakaka-flatter pero at the same time nakaka-pressure. Kasi dapat naming ibigay ang best namin.
Pumwesto na si Kyle sa drumset. Kinuha naman ni Jose ang kanyang Epiphone electric guitar, ganun din ang ginawa Adrian. Binuksan nya ang kanyang guitar case at kinuha n'ya ang kanyang Fender Bass Guitar. Nilagay din ni Tristan ang keyboard nya sa keyboard stand at nagsimula nang magsound-check.
Binigyan ako ng technical assistant ng isang wireless microphone at nakita ko na isa-isang nilagyan ng mga mic ang mga mic stand malapit kina Tristan, Jose, at Adrian.
"Magandang gabi po sa inyo!" bati ko sa mga tao sabay ngiti at nag-bow ako sa harapan nila.
"Magandang gabi din sa'yo!" tumawa ang mga tao sa ginawa ko at binati rin nila ako.
Malalaman mo talaga kung ga'no ka raming tao ang naririto base sa pagsagot nila sa bati ko. Ang dami kasi nila. Halos lahat ng audience, sumagot sa bati ko. Para akong nagco-concert sa Araneta. Ano ba yan! Hahaha!
"Hi, girl! Ikaw si Ms. Hannah Dela Cruz diba?" tanong ng bading na mc sa'kin gamit ang microphone.
"A-Ah. Oo. Ako si Hannah." ngumiti ako sa kanya.
"Okay. Kamusta ka?" ano ba'to interview portion?
"Hehehe. O-Okay lang naman." hinawakan ko ang suspender sa jumper na suot ko para maibsan naman kahit papa'no ang kaba ko.
"Okay. Good to hear that, dear." ngumiti sya sa'kin at muling nagsalita .. "Mr. Julius Costanilla, current drummer of his band and a teacher in Zoology will be the one to pick your genres.. Sir?" iminwestra ng mc ang box na nasa harap ni Sir Julius.
(Actually, ang table ng judges ay siguro mga 10 feet away from the stage. At ang stage naman ay maihahalintulad mo sa concert stage ng mga sikat na banda Locally at Internationally, so it means, malaki at mataas-taas talaga ang stage. Sabayan pa ng pinakasikat na company ng lights and sound system. At yun ay ang "Magic Sound System")
"So, Silent Kiss... Hmm. Ms. Dela Cruz, hindi ko alam na kasama ka pala sa banda ni Mr. Fajardo. Kaya pala, palagi kayong magkasama." ngumiti si sir tas tumingin sa box kung saan kasalukuyan syang kumukuha ng papel para sa genre namin at tumingin ulit sa'kin.
"Your first genre is.. Rock." sabi nya nang tinignan n'ya yung nakalagay sa papel.
"Yes!" napa-yes sina Kyle, Jose, Tristan, at Adrian sa likod ko. At ako naman ay panay nalang ang ngiti pero deep inside, gusto kong tumalon ng stage.
"2nd would be.. let's see, Party."
"Whoooo!" nag-apir sina Adrian at Tristan. Ganun din ang ginawa nina Kyle at Jose.
Eh, masaya naman pala ang gago pagkarinig n'ya sa mga genre, e. 'Kala ko wala syang pake.
"The 3rd genre is Jazz." nagkunot ng noo si Kyle sa narinig.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Ficção AdolescenteSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...