(A/N: Yo, guys! Hmmm. Kung napapansin niyo, sa lahat ng characters sa story na ito, walang POV si Adrian diba? Hehehe. O baka masyado na kayong nanggigigil sa tandem nina Kyle at Hannah kaya hindi niyo yun napansin? Well, okay lang :) Sa susunod na Chapters, magkaka-POV narin sya at isisiwalat na niya ang kanyang tinatago. Sa ngayon, hahayaan ko muna kayong kiligin. Choss! Hahaha! ^__^ Okay. Wag nyo pong kalimutang mag comment at vote, ha. Thank you po! :* ~ ChenChen)
CHAPTER 17 - L-O-V-E ?!
.
.
Sebastian's POV
.
.
Nakaupo kami ngayon ni Monette sa bench malapit sa football field. Nagmu-muni lang. Masayang-masaya ako kasi kasama ko sya ngayon. A, hindi naman sa nangungulila ako sa presensya nya pero gusto ko lang talaga makita at makasama araw-araw ang napakagandang babae na nakilala at bumihag ng puso ko. Oh, ang cheesy ko na ngayon, ha. Dati, hindi ako ganyan. Sa kanya lang. Haha!
"Monette?" sabi ko sa kanya habang inaakbayan ko sya.
"Hmm?" utas nya habang tumitingin lang sya ng diretso sa field.
"Sasama ka ba?" tanong ko
"Ha? Saan?" lumingon na sya sakin ngayon
"Sa Boracay."
"Ha? Ano namang gagawin natin dun? At kitang dalawa lang ba? Hindi ako papayag noh? Mapapagalitan ako ni tita." Ano ba tong iniisip nya? Hahaha!
"Hahahaha!" hindi ko mapigilang matawa sa mga conclusions niya. Ang cuteeee! Damn!
"Ba't ka natatawa dyan? Uupakan kita dyan, eh!" hayan na naman sya sa kanyang pagiging brutal. Pati ba naman sakin? Tss.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You So
Fiksi RemajaSi Hannah Trixia Dela Cruz ay isang scholar sa S.Fajardo Unviersity. Siya ay isang mabuting kapatid at mabuting anak sa kanyang mama. Hindi sya sumusuko sa kung anumang laban na haharapin nya. Isa syang matapang na babae at kahit papa'no, meron ding...