Chapter 28

3K 105 38
                                    

Chapter 28

Matapos ko rin namang magbihis ay agad ko rin namang pinuntahan sa clinic si Vera. Napabuntong-hininga na lamang ako nang makita kong tulog ito. Agad ko rin naman itong nilapitan, bahagya pa akong napangiwi nang may maramdaman akong kakaiba.

"Vera.", tawag ko rito pero wala itong sinabi. Bahagya ko namang ginalaw ang balikat nito.

"Vera, gising ", sambit ko pa pero hindi pa rin ito nagigising. Agad ko namang inilibot ang tingin sa clinic at pansing wala palang mga healers na nandito.

"Vera, gising. Vera.", muli ko pang sambit pero wala pa rin. Hindi ko alam pero kinabahan nalang ako nang maalala ko iyong bandit kanina. Baka may ginawa siya kay Vera.

"Vera, gising. Vera!", napasigaw na ako at laking pasasalamat ko na lamang nang magmulat na ito ng mata. Jusme ang babaeng 'to, akala ko kung napano na.

"Okay ka lang?", tila ba inaantok na ani nito kaya sinamaan ko lang siya ng tingin kaya napangiwi ito.

"Kanina pa kita ginigising tapos hindi ka nagigising. Akala ko may nangyari na sa'yo.", anas ko kaya napa-peace sign nalang ito kaya napaismid ako. Natawa naman ito.

"Kinabahan ka ba? Ayieeeeeeeeet, nag-alala siya. Ayaw mo kong mawala Chaos? Kakilig.", aniya kaya pinitik ko naman siya noo.

"Aray ah, nagiging sadista ka na.", reklamo nito sa akin.

"Masyado nang tahimik buhay ko nang maging ganyan si Jave tas baka magaya ka pa sa kanya, hindi pwede iyon.", sagot ko kaya natawa naman ito.

"Kunsabagay nakaka-miss na nga rin ang baklang 'to. Kailan naman kaya magigising ang isang 'to?", aniya pa at halata sa boses nito ang lungkot. Napakunot noo naman ako nang may makita akong basket ng prutas at bouquet ng bulaklak sa may mesa.

"Kanino galing iyan? May bisita siya?", tanong ko at nakita ko namang nanlaki ang mata nito saka napapalakpak na parang may naalala.

"Oo Chaos! Si Entice! Omo! Alam mo ba? Kanina? Nakita ko siya rito, umiiyak, iniiyakan niya si bebe Jave natin! Kyaaaaaaaaaaaaaaaah! Ano kaya iyon ano? Ba't niya iniiyakan? May something ba?", parang chismosang sambit nito kaya nailing ako. Mukhang may nakakalimutan na ata ang isang 'to.

"Mukhang nakakalimutan mo atang sinagip ni Jave si Entice. Si Entice sana raw ang matatamaan nung atake hindi ba? Kaya kung di dahil kay Jave, baka si Entice ang nandito.", sagot ko kaya napasimangot naman ito. Tingnan mo nga naman ang babaeng 'to oh.

"Pero di ah, ba't kaya iyon ginawa ni Jave? Kasi maka-asta siya parang kulang nalang isumpa niya si Entice, pero in the end he saved her.", aniya pa kaya napakibit balikat ako.

"Siya iyong naging leader nila hindi ba? Kasi wala si Prince Zeus, kung sakali mang mangyari kay Entice, kargo de konsensya na iyon ni Jave kahit pa sabihin nating mortal enemy silang dalawa.", sagot ko kaya napatango naman ito.

"Kunsabagay, pero feeling ko talaga may hindi sinasabi sa atin si Jave eh. Sa tingin mo ba?", tanong niya sa akin at napatango naman ako saka napatitig kay Jave. Namumutla pa rin ito.

"Lahat naman tayo may tinatago, bakit ikaw? Wala ba?", tanong ko sa kanya at napaiwas naman ito ng tingin saka tumango.

"Meron syempre. Oo nga pala, sabi nila may iba pa raw'ng tutulong kay Jave eh. Naalala mo ba? Iyong hari ng mga crippled. Sa kabilang kaharian, iyon. May nahanap raw siya, hindi ko nga alam kung ba't alam niyang kailangan natin ng tulong eh labas na naman siya rito.", aniya kaya napangiwi ako.

"Pano mo naman nasagap ang balitang iyan? Ang chismosa mo ha.", sagot ko nalang at napahagikik naman ito.

"Si Mama, naki-chismis ako. Pumunta sila kanina rito, este dumaan pala.", aniya pa kaya napakunot noo ako. Hindi ba't kilala ng mama niya si Aling Dory? Hindi ba pinaalam ng academy na si Aling Dory ang tutulong?

"Hindi ba nila sinabi kung sino ang tutulong?", tanong ko pa at umiling naman ito

"Hindi eh. Ikaw rin ah. Ang chismosa mo.", sabi niya maman kaya napailing nalang ako.

"Nagbabasakali lang kung alam mo ba.", sagot ko naman kaya napatawa ito.

"Nakiki-chismis ka pa rin, nagugutom na ako. Kain tayo?", tanong niya at tumango.

"Ako rin, mag-gagabi na rin naman ata.", sagot ko kaya agad rin naman ako nitong hinila papalabas ng clinic at napangiwi naman ako nang bumungad si Prince Travis pagbukas namin ng pintuan.

"Kagulat ka naman Prince Travis.", sambit ni Vera at natawa naman ito.

"Pft. My bad, aayain ko na sana kayong mag-dinner, wala akong kasabay eh.", sagot niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Napailing nalang ako nang nagkibit balikat ito. Nagpatiuna naman sa paglalakad si Vera habang si Prince Travis ay tumabi sa akin.

"May narinig ako.", aniya kaya napailing ako.

"Ako rin, parehas tayong may tenga eh. Ngayon mo lang alam?", sagot ko kaya natawa ito ng bahagya.

"Habang patagal ng patagal, namimilosopo ka na eh. Sa'n mo iyan natutunan, 'mahal na prinsesa'?", aniya pa kaya bahagya ko siyang kinurot sa tagiliran na tinawanan niya lang rin.

"Biro lang, hindi mo ba alam? Dumating na raw ang ama mo.", sambit niya kaya agad rin akong napatigil.

"Kailan? Kanina pa?", tanong ko agad at nagkibit balikat naman ito. Sinamaan ko naman ito ng tingin at magpapatiuna nalang rin sana para sabayan si Vera nang hawakan nito ang palapulsuhan ko.

"Biro lang, high blood agad tayo mahal na prinsesa.", turan niya pa napairap ako. Pang-ilang mahal na prinsesa na niya iyan.

"Kaya mo ba kami inaya ni Vera kasi pupunta na sina ama sa clinic?", tanong ko rito at tumango naman ito.

"The academy want it private. Lalo na iyong pagkaka-involve ng ama mo. Siya ang nag-contact sa reyna at hari at nagsabing may kakilala siyang pwedeng tumulong kay Jave.", aniya kaya napatango naman ako. Dun ko lang napagtantong hindi naman pala ganun kasama si ama.

"Eh si Prince Zeus?", tanong ko naman rito at nagkibit balikat rin naman uli ito.

"Bakit miss mo?", aniya pa kaya inambahan ko naman siya ng hampas kaya patawa-tawa itong lumayo sa akin.

"Biro lang, bawal mo siyang i-miss. Dapat ako lang.", sambit niya pa kaya napa-facepalm ako.

"Anong gusto mo Prince Travis? You're not like the usual. Tigilan mo ko sa kabaliwan mo.", sagot ko naman kaya agad rin namang naging seryoso ang ekspresyon nito sa mukha.

"Kanina.", seryosong sambit niya kaya napatingin ako sa kanina.

"Something happened right? Saka ko lang napansin, bigla nalang umulan kanina ng basta-basta nang hindi ko namamalayan. Basang-basa agad ako.", turan niya pa kaya napalunok ako.

"Someone stopped the time isn't it?", aniya kaya napakagat labi na lamang ako saka iniiwas ang tingin. Nagd-dalawang isip kung sasabihin ko ba o hindi ang totoong nangyari kanina. Gusto ko rin siyang tanungin tungkol sa tridon na nabanggit ni Stavros, should I tell him then?

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon