Chapter 14

5.4K 180 7
                                        

Chapter 14

Hindi ko naman mapigilang hindi mapasulyap kay Jave habang inaalala iyong mga imaheng nakita ko kanina. Dumaan pa muna kami sa cafeteria para bumili ng pagkain saka napagpasyahang bumalik sa dorm namin.

Dito nalang raw muna siya tatambay since wala naman raw mission ang mga Guardians kasi kasisimula palang ng klase. Chill nalang daw muna siya ngayon. Iyan ang sinabi niya sa amin kanina pero hindi ko pa rin mapigilang hindi mangamba. Lalong-lalo na't nakita ko kanina na duguan siya at tila ba wala ng buhay. At base sa nakita ko kanina, he's with the guardians, iyon nga lang, wala dun si Prince Zeus. Sina Entice, Luke, Calyx at Beverly lang.

"Jave", tawag ko rito kaya napatigil ito saka napalingon sa akin.

"Kapag may mission kayong guardians sabihan mo kami ah.", sambit ko kaya napataas pa ang kilay nito saka tumango. Mukhang nagtaka pa ito pero hindi na nagtanong kung bakit. Napahinga nalang tuloy ako ng malalim. I just hope na maiwasang mangyari iyon. O hindi kaya, sana hindi na talaga mangyari iyon.

* - *

Kinagabihan ay sabay rin sa amin Jave habang papuntang cafeteria. Dinaan kami eh, inaantok na nga si Vera kaya lang masyadong makulit si Jave kaya ayon imbes ang plano niyang pagtulog ay hindi natuloy. Pagdating nga namin sa cafeteria ay agad rin naman naming tinungo ang counter. Hindi ko pa maiwasang hindi mapatingin sa paligid para sana tingnan kung nandito ba si Prince Zeus pero wala siya. Napabuga nalang tuloy ako ng hangin. Paano ko naman kaya isasauli iyong sweatshirt hindi ba?

Pagkatapos nga naming mag-order ay agad rin naman kaming pumwesto sa isang mesa. Kumakain na kami nang biglang napatigil si Jave saka ako tiningnan.

"Ay oo nga pala, Chaos, nagmeeting kaming guardians kanina, may mission kami.", napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. Napalunok pa ako nang bigla ko na namang naisip ang mga imaheng nakita ko kanina.

"Saan raw?", tanong ko sa kanya at napatigil naman ito saka umiling.

"Di pwedeng sabihin eh, secret.", sagot niya kaya kunwaring napaismid ako kahit kinakabahan na ako para sa kanya.

"Oo nalang, kayong lahat guardians magkakasama?", tanong ko ulit at umiling naman siya.

"Nope! Hindi kasama si Prince Zeus may iba siyang aasikasuhin.", sagot niya kaya napatango naman ako. Kailanga kong malaman kung saan ang mission niya, or should I just tell him na h'wag nalang tumuloy? Napakagat labi nalang tuloy ako saka nagpatuloy sa pagkain. Dapat makaisip na ako ng paraan para hindi mapahamak ng tuluyan si Jave.

* - *

Pagkatapos nga naming kumain ay agad rin naman kaming nagsiuwian sa dorm namin. Pumasok rin naman si Vera sa dorm niya dahil sa pagod nga raw siya, habang ako rin naman ay kinuha ang sweatshirt ni Prince Zeus saka bumaba. Malay natin hindi ba? Makasalubong ko siya. Naka-suot na ako ng hoodie kaya naman hindi na ako masyadong lalamigin.

Naglalakad lang ako nang maalala kong may garden nga pala 'tong academy. Nadaanan namin iyon noong inilibot kami ni Jave. Kaya walang pagdadalawang isip ko namang tinungo ito at hindi ko naman mapigilang hindi mamangha. Ang ganda ng garden! May mga lumilipad mga pixies kaya mas lalong nagiging magical! Napatitig pa ako sa fountain sa gitna nang makitang parang kumikinang ang tubig. Ang ganda!

Linapitan ko naman ito saka tinitigan ang fountain. Ang ganda talaga. Sinubukan ko namang ilublob ang kamay sa fountain at hindi ko pa mapigilang hindi mapangiti nang maramdamang sobrang lamig ng tubig. Nilalaro ko na ang tubig sa fountain nang biglang may magsalita.

"Bago ka rito? Mukhang ngayon mo palang nakita iyang fountain.", nanlaki naman ang mata ko saka nilingon kung saan nanggaling ang boses at laking gulat ko nalang nang may makita akong elf. Iyon nga lang kakaibang elf, hindi kagaya ni Elias.

"Ahm, hello?", nakangiwing bati ko rito at nakita ko namang napangiti ito.

"You have an overflowing aura kaya naa-attract mo ang mga magical creatures and spirits. Hindi mo ba iyon maramdaman?", napatigil naman ako nang dahil sa sinabi niya.

"Ha?", sagot ko kaya nailing naman ito.

"I can read minds.", sambit niya kaya napakurap-kurap ako.

"But I can't read yours, why is that?", aniya saka ako pinanliitan ng mata. Napangiwi nalang tuloy ako.

"Ahm, hindi ko alam?", sagot ko kaya nailing naman siya.

"You seemed like a no ordinary student. But you are keeping a low profile, hmm.", sambit niya kaya mas lalo akong napangiwi. Ang weird ng elf.

"I'm Cronus, you are?", tanong niya kaya napanguso naman ako.

"Chaos", sagot ko kaya napataas ang kilay nito.

"Chaos?", aniya kaya napakamot nalang ako sa ulo.

"Autumna.", sagot ko naman at nakita ko namang napangisi ito saka napahawak sa baba nito.

"Hmmm, Autumna. The prince's coming, gotta go Chaos!", paalam nito saka nawala. Napakurap-kurap nalang tuloy ako saka napangiwi. Ang weird niya talaga.

Napalingon naman ako sa likuran nang may marinig akong mga yabag. Agad ko namang nabungaran si Prince Zeus na nakapamulsang naglalakad papalapit sa akin. He's just wearing a black v-neck shirt saka shorts pero ang gwapo pa rin nitong tingnan at mahahalata mo pa rin na prinsipe ito.

"Ay! Hello!", bati ko naman rito sa kanya at tumango naman siya saka ako tinitigan. Nakita ko pang bahagya itong napangisi nang makita ang suot ko. Nagulat naman ako nang ilahad nito ang kamay niya sa akin. Akala ko kung ano kinukuha niya lang pala iyong sweatshirt.

"The sweatshirt, I knew you're waiting for me.", aniya kaya napangiwi ako saka ibinigay ang sweatshirt, bahagya pa akong napalunok nang isinuot niya ito. Akala ko aalis na siya pero hindi pa pala.

"Pupunta akong pamilihan, gusto mong sumama?", malumanay na sambit nito gamit ang malamig niyang boses. Nanlaki nalang tuloy ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya.

Pero mas lalo akong nagulat nang bigla nalang may magsalita mula sa likuran at may narinig akong kumalabog. Agad ko namang nakita si Prince Travis na mukhang kakagising lang. Natulog ba siya sa sanga ng kahoy?

"Ako, gusto kong sumama. Would you mind?", sambit nito kaya mas lalo akong napanganga. What the hell are they doing?

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon