Chapter 34
Chaos’ POV
Napalunok naman ako nang makalipas lang ang ilang minuto ay nasa kaharian na kami. Naramdaman ko namang hinawakan ni Prince Zeus ang kamay ko kaya napasulyap ako rito.
"Sa likod tayo ng palasyo niyo dadaan.", tumango naman ako sa sinabi niya. Nilibot ko naman ang tingin sa paligid, nakiramdam at hindi ko naman mapigilang hindi magtaka. Nawala ang barrier, pero masyadong imposible iyon.
Naglalakad na kami papunta sa may pinto sa likod nang palasyo nang may maramdaman akong papalapit sa gawi namin. Agad ko naman siyang hinila at nagtago naman kami sa may halaman sa may gilid.
"Hindi mo ba napapansing nag-iba ang kilos ng hari?"
"Sssh, ano ka ba baka may nakarinig sa'yo."
"Saka ang prinsesa, ni hindi man lang nito makuhang magpakita sa konseho. Sa tingin ko talaga may tinatago sila."
"May kakaiba talaga sa mga nangyayari, isipin mo paano naman kaya nakuhang makapasok ng sorcerers sa palasyo natin?"
"Idagdag mo pang ang reyna lang sinaktan nila. Ni wala nga man lang ito naging atraso sa kanila."
"Hindi mo ba alam?"
"Ang alin?"
"Si Queen Olivia-----"
Natigil naman sila sa pag-uusap kaya agad ko silang sinilip. Napakunot noo naman ako nang makita kong si Aling Dory ito. Kinausap niya ang dalawa saka ito tuluyang pinaalis. Tumingin naman ito sa gawi namin kaya lumabas kaming dalawa ni Zeus sa pinagtataguan.
"Kanina pa kayo hinihintay ng ama mo, Chaos.", aniya kaya tumango naman ako. Bahagya naman niya akong nginitian saka nilapitan at niyakap ng mahigpit. Sinubukan ko namang hindi maiyak.
Kumalas din naman siya sa pagkakayakap saka kami ginaya sa opisina ni ama. Nadatnan naman namin itong nagbabasa.
"Chaos, anak.", aniya kaya lumapit ako sa kanya. Tumayo naman ito mula sa pagkakaupo saka ako sinalubong ng yakap. Hindi ko naman mapigilang hindi mapaiyak.
"H'wag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat.", pang-aalo niya sa akin. Marahan naman akong tumango. Hindi ko naman mapigilang magtaka nang maramdaman kong tila ba balisa ito.
Makalipas din ang iilang segundo ay may kumatok sa may pinto. Nagtinginan na lamang tuloy kami. Hindi maaaring malaman ng iba na umalis ako ng palasyo. Tumayo naman si Papa saka tiningnan kung sino ito, mukhang isa sa mga tagapagsilbi.
Makaraan lang ang iilang minuto ay muli nang pumasok si ama sa silid.
"Pasensya na kayo ngunit kailangan ko na munang umalis, nagpatawag ng meeting ang mga konseho.", ani niya sa amin.
"Hintayin niyo na nalang muna si Dory bago kayo lumabas, didito ka ba muna mahal na prinsipe?", napatingin naman ako kay Zeus at tumango naman ito. Nagpaalam na si ama sa amin bago ito tuluyang umalis.
"Hanggang kailan ka didito?", tanong ko sa kanya kaya napasulyap ito sa akin.
"Until I make sure that nothing's going on in here. Pinapababantayan ka rin sa akin ng dean and my parents.", napakunot noo naman ako nang dahil sa sinabi niya.
"Pinababantayan?", tanong ko kaya muli itong tumingin sa akin.
"They're already aware na hinahanap ka ng mga sorcerers, hindi malabong babalik sila rito if ikaw nga ba talaga ang pakay nila.", napatigil naman ako saka napatitig sa kanya.
"Hindi ako ang pakay nila.", ani ko kaya napatitig ito sa akin.
"The sorcerers already knew na nasa academy niyo ko Prince Zeus, iyong nasa gubat remember?", sabi ko kaya napakunot noo ito.
"Those people who attacked my mother, hindi ako ang pakay nila.", anunsyo ko kaya naman napatitig ito sa akin. Tumayo naman ako saka siya tiningnan muli.
"I need to check on my mother, can you do me a favor?", sambit ko kaya napatango naman ito.
"There's something wrong in here, with my father. At mukhang may alam din si Aling Dory, I need to talk to my mother."
"But how are you going to do that? From what I've heard she's unconscious.", sagot niya sa akin and I just shrugged.
"I'll figure it out, send me a signal if may makapansing hindi na tayo magkasama.", bilin ko sa kanya at tumango naman ito. Mabuti naman at mukhang maayos atang kausap ito ngayon.
"Be careful.", rinig kong turan niya kaya napatango ako saka sinimulang baybayin ang daan patungo sa silid ni ina. Nang mapansin kong wala naman palang bantay roon ay agad ko naman itong pinasok.
Agad ko namang naramdaman ang mabigat na kung anong enerhiya sa loob. Nang tuluyan na akong makalapit ay doon ko napansing tila ba may itim na kung anong nakapalibot sa katawan ni ina. It was weighing on her body, tila unti-unting kinakain nito ang katawan niya.
Hinawakan ko naman ang kamay saka sinubukang alisin ito pero hindi ko ito matanggal. Tatanggalin ko na sana ang pagkakahawak ko sa kamay niya nang maramdaman kong tila ba pinisil nito ang kamay ko.
"Ina?", gulat kong tawag sa kanya at naramdaman kong gumalaw nang kaunti ang daliri niya. So she's not unconscious afterall!
Huminga naman ako nang malalim saka nag-isip ng paraan paano ko siya makakausap nang maayos. Hindi ako maalam sa pagtanggal ng spells lalo na't hindi ko rin kung paano tanggalin ang kung anong binigay nila kay Ina.
Should I try talking to her using dreams? I mean, I haven't done it for a while pero alam ko kung paano ito gawin. Nagagawa ko ito dati noong buhay pa si Serenity.
"Susubukan kong kausapin kayo sa paniginip, ina. Just, just let yourself go to sleep.", sabi ko saka siya nag-snap para tuluyan siyang makatulog. I can't just jumped right in, kailangang bukas ang isip niya sa pagpasok ko. Or else, I won't be able to do it.
After trying, ay agad din naman akong napunta sa kung saan. We were in a forest, lumingon-lingon naman ako at agad ko rin namang nakita roon si Ina. She was looking at me intently, the weird thing is mukhang naiiyak ito.
Hindi ko tuloy mapigilang hindi magtaka.
"Chaos.", tawag niya sa akin kaya lumapit naman ako sa kanya. Hindi ko alam pero kusa niya akong niyakap. Napakurap-kurap na lamang tuloy ako, it was the first time that she hugged me.
"Kilala niyo po ba kung sino ang may gawa nito sa inyo, Ina?", tanong ko at naramdaman ko namang tumango ito.
"Everything is just messed up, Chaos.", aniya kaya napalunok na lamang ako. I think she's about to drop something, something big.
Kumalas naman ito sa pagkakayap sa akin. And then she looked at me, with weary eyes.
"Magmamukhang-magkamukha kayo ni Serenity, but at the same you two are very different.", napatitig naman ako sa mga mata niya. Trying to figure what is she trying to say.
"Serenity was just like me, and you."
"You were just like her.", hindi ko alam pero kusang bumilis ang tibok ng puso dahil sa sinabi nito.
Her?
"Your mother, Chaos. Sa kanya ka nagmana.", tuluyan naman akong nanigas dahil sa sinabi niya.
My mother, hindi siya ang tunay kong ina.
"My twin sister, Chaos."
"Chiara."
[A/N: This is just a short update, hindi pa kasi tapos iyong hell week namin. Enjoy reading if may nagbabasa man nito HAHAHAHAHA. And sorry if may errors man, pagpalain kayo nawa.]
![](https://img.wattpad.com/cover/219703444-288-k366934.jpg)
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...