Special Chapter

3.4K 49 8
                                    

Special Chapter

Makalipas ang isang buwan. . . . .

Travis' Point of View

Unti-unti na ring bumabalik sa dati ang lahat. Naisaayos na rin ang mga nasira matapos ng gulong naganap. Naging tahimik na rin ang kaharian at nagsaya na rin ang mga mamamayan dahil na rin sa natapos na ang panggugulo ng mga sorcerers.

Habang kaming mga guardians naman ay nanatili dito sa palasyo. We took our time to heal and recover with what happened. Sa unang tingin ay aakalain mong maayos lang kami, but deep inside, we are not. Halos hindi rin kami nagkakausap.

We are still completely at lost with what happened. Hindi pa rin namin matanggap ang nangyari. Hindi pa rin namin matanggap ang pagkawala ni Chaos. Ang dami naming tanong na hindi namin mahanap ang mga kasagutan.

Sumama ba talaga ito sa pagsabog? Saka iyong kamukha ni Chaos, alam kong naroon siya during the fight. Hindi lang ako ang nakakita sa kanya pati rin si Zeus. Si Serenity ba iyon?

Nandito sa palasyo ngayon si Chiara, iyong totoong ina ni Chaos. Habang si Olivia naman ngayon ang nawawala. Dahil na nga sa pagkawala ni Chaos ay hindi rin napapagaling si Chiara. Sabi nga ni Ronan ay si Chaos lang ang may kakayahang makapagpagaling dito.

Kaya tila ba nawalan din ng saysay ang ginawa ni Ronan after all this time. Kasalukuyang nakakulong si Ronan at hindi pa rin makapagdesisyon ang mga council kung anong dapat nilang gawin sa kanya. Few are saying that he should be exiled habang ang iba naman ay nagsasabing pwede siyang maging parte ng militar ng Therondia.

Lalo na at marami-rami rin ang mga tagasunod nitong mga sorcerers. Kusa rin naman itong sumuko at humingi na rin ito ng dispensa sa lahat ng nagawa niya noon. He even beg the king and queen, pati na rin ang magulang ko na tulungan nila si Chiara.

Napalingon naman ako sa may likuran nang may marinig akong paparating na mga yabag. Hindi man niya pinapahalata ay mapapansin mo ring apektado ito sa pagkawala ni Chaos. He just barely showing it since he's the one who is considered as the crown prince of the kingdom. Sa pagkakaalam ko ay sa susunod na buwan na ang koronasyon niya.

"Pinapatawag nila tayo sa opisina ng hari.", aniya kaya tumango naman ako. Hindi ko naman mapigilang hindi mapatitig sa kanya.

"Kumakain ka pa ba?", tanong ko sa kanya kaya napasulyap naman ito sa akin.

"Ikaw, natutulog ka pa ba?", sagot niya sa akin kaya napailing nalang din ako.

"Have you imagined yourself ruling the kingdom, Travis?", tanong nito sa akin kaya napatitig naman ako sa kanya. Hindi ko na naman nasagot ang tanong niya dahil dumating na iyong ibang miyembro ng guardians.

Nauna na itong naglakad patungo sa opisina ng hari. Pagkarating naman namin doon ay agad din naman kaming pinaupo ng hari at reyna. Naroon din ang mga magulang ko. Kasama rin namin si General Casthello.

"We will be talking about the coronation of Zeus as the next king of Therondia. And I want you all to participate with the preparations para na rin—", hindi na naituloy ni Tito Lexus ang sasabihin dahil pinutol na ito ni Zeus.

"I don't want to be the next king.", natahimik naman kaming lahat dahil sa sinabi nito.

"I have been pondering this for a while, no. Not just for a while, all my life. Pero sa tingin ko ay hindi ako nababagay bilang hari.", aniya kaya napatitig lang kami sa kanya.

"I prefer being the one who's on front line during battles and fights. And the crown prince's title, hindi na naman talaga iyon sa akin in the very first place. Kay Travis iyon unang binigay.", napatayo naman ako dahil sa sinabi nito.

"Zeus, ano ba itong pinagsasabi mo? Mas lalong ayokong maging hari. Zeus naman, umayos ka nga!", sabi ko sa kanya kaya napatayo na rin ito.

"Kung hindi na-dethrone si Tito Dominique, ikaw naman talaga ang dapat na crown prince.", napahilot naman ako sa sentido dahil sa sinabi nito.

"Zeus, nababaliw ka na ba talaga?", naiinis kong sabi.

"Okay, that's enough!", sambit ni Tito Lexus.

"I think we should postpone this. Maaari bang iwan niyo nalang muna kami?", aniya kaya tumango naman kami. Mauuna na sana akong lumabas sa opisina nang tinawag ako ni Tito Lexus.

"Travis", napatingin naman ako sa kanya.

"We also need to talk to you.", aniya kaya napatango nalang din ako. Tinapik naman ako ni Jave bago ito tuluyang lumabas.

So, what's gonna happen now?

- - - - - - - - - - - - - - -

Someone's Point of View

It's been a month. Pero wala pa ring pagbabago sa kalagayan niya. Hindi ko na alam kung ano nga ba ang dapat kong gawin. I am so cluelesss on what to do. Nakakainis na talaga ito!

Tapos iyong isa naman ay wala nang paramdaman. Is she abandoning us? Pakiramdam ko ay mababaliw na ako. Please lang, magparamdam naman po kayo.

Paubos na rin iyong inipon kong mga halamang gamot. Kaya kailangan ko nang bumisita sa may bayan. Hindi ko alam kung sino ang pag-iiwanan ko sa kanilang dalawa.

Tatayo na sana ako nang bigla kong maramdaman na gumalaw ang mga daliri nito. Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang pagtingin ko sa kanya ay nagtama ang mga tingin namin. Napalunok naman ako nang mapansing kong may namumuong mga butil ng luha sa mga mata niya.

"Chaos/Serenity", sabay naming sambit kaya napakagat na lamang ako sa labi para mapigilan ang sariling mapaiyak.

[A/N: If you're curious on what will happen or what is happening, click the link below. Kung hindi ma-click, check my works "Serenity: The Beginning of an End! Lovelots!]

https://www.wattpad.com/1421543100

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon