Chapter 30
3rd Person's POV (flashback)
Naglalakad si Prince Travis sa masukal na kagubatan. Mukhang naliligaw pa nga ito. Pero agad din siyang napatigil nang makita niya ang kanyang tiyuhin. Napatigalgal naman siya nang makitang may hawak itong babae.
Napakurap-kurap nang pagtunghay ng ulo nito ay nagtama ang kanilang mga tingin. Hindi niya naman mapigilang hindi mahabag dito. Puno na ito ng sugat, hindi niya naman mapigilang hindi magtaka.
Ano naman kaya ang nagawa nito at pinaparusahan ito ng kanyang tiyo?
"Hindi niyo man lang inalam na may kambal pala ito!", umalingawngaw naman ang boses ng kanyang tiyo at hindi naman nito mapigilang hindi kabahan. Para sa kanya ay mas nakakatakot pa ang kanyang tiyo kaysa sa sarili niyang ama.
"Hanapin niyo ang isa. At dalhin niyo sa akin!", napapikit naman si Travis nang bigla nalang siyang makaramdam nang pangangalay sa binti. Napaatras siya nang bahagya kaya paniguradong narinig ito ng mga tauhan ng kanyang tiyo.
"Sino iyan?", tinakpan niya naman ang kanyang bibig nagbabasakaling hahayaan lang siya ng mga ito kung sakaling hindi nila marinig ang kanyang paghinga.
"Hinding-hindi niyo makukuha si Eris! Isinusumpa kong magugunaw na muna ang mundo bago niyo pa siya tuluyang magamit para sa mga kasakiman niyo!", napatiim bag-ang naman si Travis nang makitang sinampal ng isa sa mga tauhan ng kanyang tiyo ang dalaga.
"At talagang nagmamatigas ka pa? Sa tingin mo ba ay makakatakas ka pa rito? Na makakalabas ka ng buhay rito?", natatawang ani ng tiyo ni Travis. Pumikit naman siya saka tinawag ang alaga niyang si Stavros.
'Sa tingin mo ba ay matutulungan siya ni Ina?', tanong niya sa halimaw at umangil naman ito.
'Kailan pa ba nakinig ang iyong tiyo sa ina mo? Wala ka nang magagawa pa Travis. Tumakas ka nalang bago ka pa madamay.', sagot sa kanya nito at naikuyom naman niya ang kanyang kamao.
'Sa tingin mo ba makakaya ng konsensya kong hayaan lang siya? Tawagin mo si Ina, susubukan kong kunin ang atensyon nila.', anunsyo niya at muli namang umangil ang halimaw sa isip niya.
'Nababaliw ka na talaga!', huling sambit nito bago tuluyang sinunod ang utos niya.
Huminga naman siya nang malalim saka nagpaulan ng mga pana sa gawi nila. Sinigurado niya pang hindi matatamaan ang babae. Nagkagulo naman ang mga ito kaya binilisan niya namang makapunta sa kinaroroonan nito saka ito hinila. Binigyan niya naman ito ng lakas para makasabay sa kanya.
Tila ba pinasakay niya pa ito sa hangin para mas madali silang makatakas. Ang gagawin niya lang ay mailayo ang babae mula sa tiyo niya hangga't hindi pa dumarating ang ina. Alam niyang hindi makakaya ng tiyo niya ang saktan siya. Agad naman silang nagtago sa isang malaking puno. Sinulyapan niya naman ang babae at nakita niyang nakatitig lang ito sa kanya.
"Salamat.", sambit nito kay Travis. Napalunok naman siya saka napatingin sa kamay nilang magkahawak. Tila ba lumakas ang tibok ng puso nang maramdaman niya ang mainit nitong palad. Umiling naman siya para pigilan ang sariling mag-isip ng kung ano-ano.
"Taga-saan ka ba? At bakit hawak ka ni Tiyo?", tanong niya rito at umiling naman ito bilang sagot.
"Hindi ko alam kung anong kailangan nila, basta ang alam ko lamang ay gusto nilang kunin si Eris pero ako itong nadukot nila.", kwento niya kaya napatango naman si Travis. Nagsimula naman itong magdasal na sana'y dumating na ang kanyang ina.
"Dito na muna tayo, hintayin na muna natin si Ina. Sisiguraduhin kong makakaligtas ka.", paninigurado niya rito at tumango naman ito.
"Nasaan nga pala iyong kapatid mong si Eris?", tanong muli ni Travis nang maalala nitong may nabanggit ito kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/219703444-288-k366934.jpg)
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...