Chapter 15
Napahinga nalang tuloy ako ng malalim nang makarating na kami sa pamilihan. Hindi alam kung ano gagawin, buti napang at wala silang suot ng badge pero alam kong imposibleng walang makakakilala sa kanila. They're princes for pete's sake. Pero agad rin naman akong napatigil ng maalala kong di ko dala ang card allowance ko. Wala akong pera.
"Hala wait, wala akong dalang card allowance.", sambit ko kaya natigil silang dalawa. Napairap si Travis habang si Zeus naman ay napailing.
"It's my treat/libre ko na.", sabay pa nilang sabi kaya muntikan na akong mapataas ang kilay ko buti nalang at napigilan ko pa sarili ko.
"Ha? Pwedeng utang nalang?", sagot ko kaya napabuga nalang sila ng hangin.
"Pero mukhang di naman yata sila tumatanggap ng card allowance.", sambit ko habang tumitingin sa mga stalls. Natingin naman ako sa itinuro ni Travis.
"Ow! Magwi-withdraw.", ani ko kaya agad ko nalang silang hinila papunta dun. Ako lang 'tong sabit rito pero mukhang ako pa yata ang mag-iinitiate sa kung ano ang gagawin namin rito sa pamilihan.
"Pautang akong 50, both.", sambit ko sa kanilang dalawa kaya tumango naman ito saka lumapit dun sa parang cashier. Napangiwi pa ako ng mapansin kong ako lang panay salita sa aming tatlo. Ba't nga ba ako pumayag na sumama? Dapat pala hinayaan ko nalang na mag-bonding silang dalawa. Hinigit nalang kasi ako basta-basta ni Travis. Nakita ko namang nagulat ang cashier ng maglabas silang dalawa ng diamond na card allowance. Saka ko lang naalalang iba pala ang kanila. Kapag ako na-issue ng dahil sa kanila, isusumpa ko talaga itong dalawa.
Pagkatapos nga nilang nag-withdraw ay agad naman nila akong binigyan ng 50 gallons each. Napanguso nalang tuloy ako nang mapansin naghihintay lang rin sila sa kung anong sunod kong gagawin. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapailing. Pansin ko na rin ang tingin ng ibang tao sa pamilihan na alam kong kapwa estudyante lang namin kaya agad ko nalang na sinuot ang hood ng hoodie ko.
"Anong plano niyo? Tutunganga tayo rito? Ang weird niyo ah, kayo 'tong may gustong pumunta rito tas wala naman pala kayong gagawin.", sambit ko kaya nailing nalang sila ng hinila ko sila sa hilera ng mga food stalls. May mga street foods kaya hindi ko mapigilang hindi matakam. Hindi ako pinapakain ng ganito noon sa palasyo. Hindi raw bagay sa isang prinsesa.
"Ahm, dalawang tempura nga po saka kwek kwek. Tas limang fishball nalang rin.", sambit ko sa tindero saka nagbayad. Nilingon ko naman sina Travis.
"Akin lang iyon, di kayo kasali. Bili kayo ng inyo.", sabi ko kaya bahagyang napaawang ang labi ni Travis at Zeus. Anong akala nila? Ili-libre ko sila? Nangutang nga ako eh. Binayaran ko naman agad si Koyang tindero.
Agad ko namang kinuha ang fishball saka isinawsaw sa may maanghang na sawsawan. Nakita ko namang napangiwi sila pero nginisihan ko lang sila saka sumubo. Ang sarap. Nasa pangatlong stick na ako nang mapansin kong nakatingin pa rin sila sa akin.
"Tikman niyo, h'wag kayong maarte. Malinis iyan. Pupunta kayo rito tas wala naman pala kayong gagawin.", sambit ko saka ibinigay sa kanila ang dalawang natitira. Agad ko namang kinain ang akin at nakita ko namang napalunok silang dalawa habang nakatingin sa fishball.
"Kainin niyo na. Ginawa iyan para kainin, hindi para titigan.", dagdag ko kaya wala na silang nagawa kundi ang isubo iyon. Agad naman akong nagtingin-tingin sa paligid para maghanap ng nagtitinda ng drinks. Nilapitan ko naman agad ang isang stall na nagtitinda ng drinks.
"Hello po, tatlong pineapple juice po, large.", sambit ko saka nagbayad. Kinuha ko naman ang binili ko saka binalikan sina Travis na kumakain na rin. Inilahad ko naman ang juice na binili ko na siyang tinanggap naman nila.
"Oh? May binili na kayo?", tanong ko at tumango naman sila. Makalipas nga ang ilang minuto ay naluto na nga ang tempura at kwek kwek namin. Umupo naman kami sa isang bench at dun ipinagpatuloy ang pagkain. Panay lang ang subo ko ng tempura nang bigla akong napatingin sa gilid. Napakunot noo naman ako nang may maramdaman akong parang itim na enerhiya mula roon.
"Travis, anong meron dun?", tanong ko nang maalala ko na related ang ability niya sa dark element. Napatigil naman silang dalawa sa pagkain saka napatingin sa gawing itinuturo ko. And in just no time, bigla nalang kaming nakarinig ng ungol ng isang halimaw. Bigla nalang may lumitaw na isang 3-eyed monster na may mga mahahabang pangil at kuko na may katawang toro. Holy mackerel. Paano iyan nakapasok rito?
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...