Chapter 35

2.2K 47 0
                                    

Chapter 35

CHAOS' POV

Napatitig na lamang ako kay ina dahil sa sinabi nito. She's not our mother, it's her twin sister. We were even not aware that she has a twin sister.

"I am not really sure what's the plan of your father, Chaos. Kung hahayaan niya nalang ba akong ganito, but all I know is that he cares for you. So please don't think anything bad about him.", aniya kaya napailing naman ako.

"He cares for me? To the point na kaya niyang gawin sa inyo ang ganito sa inyo? Ikaw ba talaga ito, ina?", sambit ko naman kaya napailing naman ito.

"I know, I know I wasn't the best mother for you Chaos. Aaminin kong hindi kita na-trato nang tama, but I also did my best para hindi ka tuluyang mapahamak. Ang pamilya natin, ang ama mo, ang kaharian natin.", napapikit naman ako nang mariin dahil sa sinabi niya.

Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat na maging reaksyon ko. It seems like everything just turned upside down.

"How about her? Anong nangyari sa totoo naming ina?", tanong ko naman sa kanya at nakita ko namang napaiwas ito ng tingin.

"Hindi ko alam, hindi namin alam.", napakunot noo naman ako dahil sa sinabi niya.

What does she mean by that?

"Hindi niyo alam?", huminga naman ito nang malalim saka muling nagsalita. Hindi ko naman mapigilang hindi kabahan sa sasabihin nito.

3RD PERSON'S POV

Ilang taong ang nakararaan...

Bata pa lamang ay palagi nang naipagkukumpara ng kanilang mga magulang sina Chiara at Olivia. Pero kahit ganoon ay hindi ito nagdulot nang kung anong sama ng loob sa pagitan ng dalawa. Hanggang sa isang araw ay bigla na lamang dinala ni Chiara si Olivia sa gubat, kung saan ay sinasabi nitong naroroon ang bagong kaibigan niya.

"Halika na kasi Oli, madali lang naman tayo. Hindi mapapansin nina Mama na wala tayo sa bahay.", sambit ni Chiara na siyang inilingan ni Olivia.

"Kapag talaga pinagalitan tayo, ikaw ang ituturo ko.", sagot naman ni Oli na siyang tinatawanan lamang ng kanyang kapatid.

"Oo na.", makalipas ang ilang minutong paglalakad ay narating din nila ang pinakamalaking puno sa gubat. May itinuro naman sa itaas si Chiara kaya napatingala naman ang kanyang kapatid.

"Wow, tree house.", manghang ani nito.

"Alam mo bang ginawa iyan na walang halong mahika? Ang galing hindi ba?", napakunot noo naman si Olivia dahil sa sinabi ng kapatid.

"Anong ibig mong sabihin?", pero sa halip na sumagot ay muli na naman siyang hinila ng kapatid papunta sa hagdan. Pinipilit na umakyat siya papunta sa itaas.

"Teka lang Chia, baka magalit ang may-ari nito.", aniya pa nang makarating na sila sa tuktok. Bababa nalang sana siya nang bigla na lamang bumukas ang pinto nung tree house.

"Chiara!", napatigil naman si Olivia nang bumungad sa kanya ang isang matangkad na ginoo. May magara itong kasuotan, at halata sa tindig nitong hindi lamang ito kung sino-sino.

"Greg! Si Olivia, kambal ko. Ang ganda namin, hindi ba?", sambit naman ni Chiara kaya hindi mapigilan ni Olivia ang magulumihan.

'Saan naman kaya nakilala ni Chiara itong lalaki?', tanong ni Olivia sa sarili.

"Hi Olivia, I'm Gregory. It's nice to meet you!", pakilala nito sa sarili saka ngumiti nang pagkalaki-laki.

Napalunok naman ang dalaga sapagkat hindi niya alam kung ano ba ang dapat na maging reaksyon niya. Mas lalo lamang siyang nalito nang tila ba may kung anong kakaibang nararamdaman siya nang magtama ang kanilang mga mata.

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon