Chapter 9

4K 143 31
                                    

Dedicated to RazhelMangondato1485

Chapter 9

That guy's a prince.

Nakita ko namang napasinghap ang lahat nang makita nila ang dalawa. Habang ako ay hindi alam kung magugulat ba o ano. Napatitig naman ako sa lalaking katabi ni Travis. He looked so ruthless. Kung si Travis ay mukhang antipatiko at rude, itong isa naman ay parang hindi mo basta-bastang malalapitan. His eyes were dark-blue, halos parehas kay Travis pero mas dark nga lang ang sa kanya. Iyon nga lang, kulay puti ang buhok niya.

Napasinghap naman ako nang bigla itong lumingon sa gawi ko at nagkatingin kami. Hindi ko alam pero tila ba may kakaiba sa mga mata nito. Napakurap-kurap naman ako nang nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Napatingin rin naman ako kay Travis nang mapasulyap ito sa gawi namin. Bahagya pa itong napataas ang kilay nang makita ako kaya napaismid nalang tuloy ako. Antipatiko talaga.

"Oh my gosh! Kyaaaaaaah! Nandito ang dalawang prinsipe!", bulong ni Jave saka tumili, pabulong rin. Nakita ko namang lumapit iyong Entice sa dalawang prinsipe pero hindi siya pinansin ng mga ito. Napangiwi nalang tuloy ito kaya napahalakhak si Jave.

"Pfft, malandi kasi. Akala niya na nasali lang siya sa Guardians eh malalapitan na niya ang prinsipe eh hindi nga umiimik ang isang iyan sa mga meeting namin.", sambit ni Jave saka humalakhak ulit. Napailing nalang tuloy ako saka nagpatuloy sa pagkain. Pero muli nalang ulit kaming napatigil nang lumapit sa amin ang guardians matapos nilang um-order.

"Uy, Jave pa-share naman ng table oh! Saka ipakilala mo nalang rin kami sa mga chika babes na kasama mo!", sambit nung isang lalaki at agad ko namang nakitang napangiwi si Vera. Tinawag kaming chika babes. Pinasadahan ko naman ng tingin iyong lalaki at agad kong napagtantong may piercing pala ito. At base palang sa pagkakangiti nito sa amin ay baka lapitin ito ng babae. Napailing nalang tuloy ako.

"Off limits sila Marcus. Saka marami namang vacant tables, dun na kayo.", parang inis nito sabi saka umirap kaya napangiwi nalang tuloy ako. Tumigil nalang tuloy ako sa pagkain saka sila isa-isang tiningnan at nginitian. At kagaya nalang rin ng reaksyon ni Vera ay bahagya pa silang napatitig sa mukha ko.

"Pasensya na kayo, wala kasi sa mood si Javey.", sambit ko saka sinulyapan si Jave. Nakita ko namang napaismid ito saka sinamaan ng tingin si Entice kaya sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa. Napangiwi nalang tuloy ito saka nailing.

"Ah talaga? Ah sige, dito nalang kami. What's your name by the way? I'm Beverly.", sambit nung babaeng may eye glasses.

"Chaosiah, you can call me Chaos. Itong kasama ko si Vera, pinsan ni Jave.", sambit ko at tumango naman si Beverly.

"Ah, this is Entice by the way, then sina Luke and Calyx.", ani ni Beverly kaya tumango naman ako.

"Ah sige, enjoy your lunch.", sagot ko at nagsiupuan naman sila sa kabilang table. Napatingin naman ako kina Vera at Jave na parehas na nakasimangot.

"What's with your faces?", tanong ko at umiling naman sila. Napalingon naman ako sa mga prinisipe nang makita kong nagsimula silang maglakad sa gawi namin. Napabuga naman ako ng hangin nang nilagpasan lang nito ang table namin at dun sa kabilang table pumwesto.

"Di pa ba kayo tapos kumain? Tara na.", aya ko kina Vera at nagsitanguan naman sila. Tumayo naman kami saka nagpaalam sa guardians. Bahagya nalang kaming yumukod sa mga prinsipe bago umalis. Pero agad rin naman akong napatigil nang maalala ko iyong nangyari sa kagubatan. Sino kaya sa dalawa ang prinsipeng iyon?

* - *

"Meghed! Ba't ba kasi ang epal ng Entice na iyon? Kung wala lang sana iyon kanina sa cafeteria, edi sana na-enjoy ko ang pagkain ko saka ang pagnanakaw ng tingin sa mga prinsipe!", napailing naman ako sa sinabi ni Jave.

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon