Chapter 40
CHAOS' POV
Ramdam ko namang lahat ng atensyon nila ay sa akin. They probably thought that I won't be able to stand with this two. Napahinga naman ako nang malalim nang inilabas na ni Zeus ang espada niya. Bahagya pa akong nagulat nang makita kong halos kasing laki ko na ito. Isang wasiwas lang nito sa akin baka tumba na ako. Kaya mas lalo ko namang inihanda ang sarili. I know that everyone will probably waiting for me to lose. Hindi ko alam pero tila ba may nagising sa kaloob-looban ako.
'I can do this!'
Ikinuyom ko naman ang kamao kaya agad din namang umitim ang kalangitan. Dumagundong ang kalangitan. Inilibot ko naman ang tingin at napansing natahimik ang lahat. Agad naman nila akong inatake so I did everything that I could to avoid their attacks.
Napalunok naman ako nang tila ba nanindig ang balahibo ko. What is happening? Hindi ko alam pero tila ba ay umiinit ang buong katawan ko. Pansin ko namang napatigil sina Zeus saka ako sinubukang lapitan.
"No! H'wag kayong lumapit! Hindi ko alam kung anong nangyayari.", bigla na lamang akong hindi makahinga ng maayos. Nanlaki naman ang mga mata nila nang mapansin na nila kung anong nangyayari sa akin. Bigla namang nanakit ang dibdib ko kaya napahawak ako rito.
"Sh*t Chaos, keep calm! Anong nangyayari?", tanong ni Travis kaya umiling naman ako.
"Chaos, breathe. Ititigil na natin 'to.", naihigit ko na lamang ang aking hininga nang tila may kung anong kumakalat sa buong kalamnan ko. Umiling naman ako nang sinubukan akong hawakan ni Zeus.
"Lumayo kayo.", sambit ko na lamang saka napapikit nang mariin. Ramdam kong konti nalang ay mawawalan na ako ng malay.
"Aaaaaaaahh!", sigaw ko nang tuluyan nang uminit ang katawan ko at tila ba'y sinusunog. Para namang may lumiwanag kaya hindi ko naman maidilat ang mga mata ko. Napaigtad naman ako nang tila ba ay may sumabog. Naramdaman ko namang parang idinuduyan ako sa hangin.
Nang imulat ko ang aking mata ay labis nalang akong nagulat. Nakabulagta sa aking harap ang dalawang prinsipe. Tiningnan ko naman ang paligid at para bang pati sila ay gulat na gulat sa nangyari. I could hear the dean announced something bago ako tuluyan mawalan ng ulirat. Basta ang narinig ko lang ay ang pangalan ko at ang salitang top 1. So what happens now?
* — *
SOMEONE'S POV
"Anong balita? May nangyari ba?", tanong ko sa aking tauhan.
"Sa tingin po namin ay nakatakas ito at naghahanda nang kung ano mang plano niyang gawin. Nang magmatyag kami sa paaralan ay ramdam namin ang presenya niya. Iyon nga lang ay hindi namin alam kung nasaan siya. Ayaw rin po naming manggulo sa aktibidad na nangyayari roon.", tumango naman ako.
"Anong meron?", tanong kong muli.
"Abilities Examination ng mga estudyante ngayon. Bago kami umalis ay nagkaroon ng komusyon. Mukhang tuluyan nang nagising ang dugo ng bata.", napalunok naman ako dahil sa sinabi nito.
"Kailangan natin siyang makuha bago siya makuha ng iba. Sa oras na maunahan nila tayo ay alam naman natin kung saan tayo pupulutin.", sagot ko saka sumulyap sa kwarto ng aking minamahal.
"Maghanda kayo, sa oras na makapag-isip ako ng maaaring gagawin ay ora mismo ay lulusob tayo.", ani ko kaya nagsipagtanguan naman ang mga tauhan ko. Kailangan na naming magmadali, ramdam ko nang nauubusan na kami ng oras.
* — *
ZEUS' POV
Halos hindi ko maigalaw ang katawan ko. Ano bang nangyari? Basta ang alam ko lang ay tila ba may sumabog sa gawi ni Chaos bago ako tuluyan mawalan ng malay. Maayos lang kaya ang lagay nito? Parehas kaming gulat na gulat ni Travis nang makita naming tila ba umiilaw si Chaos. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya, but what I know is may hindi kami alam patungkol sa kanya.
Pagmulat ko naman ay bumungad naman sa akin si Entice kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiwi. Sinubukan kong umupo pero hindi nakikisama ang katawan ko. Like fvck!
"H'wag ka munang gumalaw. Puno ng pasa ang katawan mo paniguradong masakit iyan. Sabi ng doctor ay baka aabutin ng isang araw bago gumaling kaya magpahinga ka muna.", aniya kaya napabuntong hininga ako. Kahit hindi ako tumingin ay ramdam kong may nakatingin sa akin. Lumingon naman ako rito at nakitang si Javerson ito. Umiwas din naman ito tingin bago sumulyap kay Entice. Is something going on with them?
"Nasaan si Chaos? Si Travis?", tanong ko dito habang sinusubukang umupo. Bahagya pa akong napangiwi nang tila ba unti-unting lumala ang sakit na nararamdaman ko. Pagtingin ko naman sa kabilang kama ay nakita ko naman ang walang malay na si Travis. Inilibot ko naman ang tingin at hindi ko makita si Chaos.
"Nasa kabilang kwarto siya, unlike the two of you hindi siya napuruhan. Nawalan lang siya ng malay.", aniya kaya napatango.
"Alam niyo na ba kung anong nangyari?", tanong ko rito at lumapit naman iyong isa sa kaibigan ni Chaos. Iyong Vera.
"Papunta pa dito iyong mommy ni Travis. Sabi niya ay parang alam niya raw kung anong nangyari kay Chaos.", sagot nito sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako dahil wala rin naman akong magagawa. Masakit ang katawan ko and I could barely move.
Naghintay lang kami ng halos isang oras saka dumating ang ina ni Travis saka ang Dean. Ang kinakagulat ko ay pati si ina at ama ay nandito. So it means, this isn't just a simple incident. May mali nga dito.
"I know you're all curious of what happened. But all that I know is we should protect Chaos.", anunsyo ng ina ni Travis kaya napakunot ang noo ko.
"It has been years when the known prophet have seen this one. She predicted that someone who's unordinary will come in our kingdom. And she will be the one who's going to help us bring peace to everyone.", kwento niya kaya napataas ang kilay ko.
"Did she say that the girl who'll help us will be someone from the other kingdom? Or someone who has white hair or whatnot?", tanong ko kaya napailing naman ang parents ko.
"She did say that someone who holds the power of light, someone who could overturn you two will be the one who's going to help us.", sagot niya sa akin.
"Is the enemy really that powerful para kailanganin natin si Chaos? I mean this is our battle, nadamay lang siya.", umiling naman si Tita.
"No, this isn't just our battle. There's something that you don't know about her.", tumango nalang ako dahil sa sinabi nito.
"What do you mean by nadamay lang siya? At anong ibig sabihin sa she's from other kingdom? What kingdom?", gulat na tanong ni Vera kaya napatingin ako kina Tita. I forgot that they didn't know about the identity of Chaos.
"Sorry to break you about the truth, Chaos was the princess of the other kingdom. Velarys, the kingdom of cripples.", sagot ni ina kaya napatango ako.
"Wow, but if she's from the kingdom of cripple then why does she have powers? Not just that simple power but the light?", tanong naman ni Calyx.
"And that's the thing that we don't know yet, we have some theories but nothing has been confirmed.", sagot naman ng Dean. Napabuntong hininga naman ako. I thought this will go smoothly but I think it's the other way around.
"Anong nangyari?", natigilan naman kami nang magsalita si Chaos na nasa may pintuan. I guess we will know everything right now.
[A/N: I haven't reread this one so if there are some errors please so understand.]
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...
