Chapter 3
Nanlamig naman ako nang mapagtanto ko kung sino ito. Ang prinsipe ng kabilang kaharian base na rin sa kasuotan nito. Hindi ko maaninag ang mukha niya pero dahil sa palatandaan na nasa cloak niya ay agad mo rin siyang makikilala. Pero paanong napunta ako rito? Or siya ba ang dumayo? Pero sa ipinapakita nito ngayon, parang ako 'tong naligaw ng teritoryo. Hahakbang sana ako paatras nang idiniin nito ang kanyang espada sa may leeg ko.
"Sino ka at bakit ka napadpad rito?", tanong nitong muli kaya agad naman napatingala at sinalubong ang tingin niya.
"Naliligaw ako.", sagot ko at bahagya pang iniba ang boses ko. Kailangan kong makaalis rito. Pero paano ko gagawin iyon? Napalunok naman ako nang may maisip ako. Napahinga pa ako ng malalim saka bahagyang tiningnan ang mga kawal. Ang hindi ko maintindihan ay kung paano ako napunta rito.
"Wala akong masamang intensyon! Naligaw lang talaga ako.", sambit ko ulit pero laking na lamang nang bigla nitong putulin ang tali ng cloak ko. Kaya bago pa man niya makita ang mukha ko ay itinigil ko ang oras. Napahinga naman ako ng malalim saka hinawakan ang cloak ko at nagteleport. Dapat talaga nagteleport na ako nung una palang. Muntikan pa tuloy akong mahuli. Napabuga pa ako ng hangin nang mapansin nasa loob nga ako ng silid ko sa tirahin ni Aling Dory.
Lalabas na sana ako ng silid nang may marinig akong nag-uusap sa may labas. Napanganga naman ako nang marinig ko ang boses ng aking ina.
"I'll let you do what you want Dory. Alam kong alam mo kung nasaan si Chaos. Dahil ikaw lang naman ang may lakas ng loob na kalabanin ako. Kaming royal family. Hindi namin ipapaalam sa lahat na wala sa palasyo si Chaos. Kaya hahayaan na muna kita sa kung anong plano mo. Pero sa oras na mahanap ko na si Chaos, at malaman ko kung saan mo siya itinatago, hinding-hindi mo na siya makukuha pang muli. Tandaan mo 'to Dory.", rinig kong sabi ni Ina kaya hindi ko naman mapigilang hindi mapakagat labi.
"Suit youself, Olivia. Ganyan ka naman palagi, gusto mo ikaw nalang palagi ang nasusunod, hanggang umaabot na sa puntong nasasakal mo na ang mga taong nakapalibot sa'yo.", napalunok naman ako dahil sa sagot ni Aling Dory.
"Wala si Chaos rito kaya makakaalis na kayo, ginigulo niyo ang paghahanap buhay ng mga tao rito sa pamilihan.", rinig ko pang dagdag ni Aling Dory kaya napahinga ako ng malalim.
Makalipas nga ang ilang minuto ay narinig ko na namang muli ang pag-ugong ng trumpeta. Senyales na umalis na sina Ina at Ama.
"Chaos?", agad naman akong lumabas sa silid at nakita ko namang napatango-tango si Aling Dory niyang makita niya ako.
"Nagteleport ka ba?", tanong niya kaya tumango naman ako.
"Si Elias?", saktong pagtanong nito sa akin ay siya ring pagbukas ng pintuan.
"Nana! Nana! Si Chaos nawawala!", natatarantang ani nito pero agad ring napatigalgal nang makita niya ako. Hilaw na lamang tuloy akong napangiti sa kanya.
"Akala ko--Nagteleport ako pabalik.", putol ko sa sasabihin nito kaya napatango naman ito sa akin. Agad naman akong napatingin kay Aling Dory nang mapansing nakatitig lang ito sa akin.
"May problema po ba?", tanong ko at umiling naman ito.
"Mukhang kailangan mo nang umalis rito, baka may ipapadalang espiya ang mga magulang mo para bantayan ang mga galaw ko. At mukhang hindi mo rin maaaring gamitin ang apelyido ko, madali ka lang nilang makukuha kung ganun ang gagawin natin.", sambit ni Aling Dory kaya napatango ako. Pero bahagya naman akong nagtaka nang biglang nangunot ang noo nito habang nakatingin sa damit ko. Kaya agad rin naman akong napatingin rito at napangiwi nang makitang napunit ang damit ko, marahil ay natamaan ito nung espada ng prinsipe.
"Anong nangyari diyan, mahal na prinsesa?", tanong naman ni Aling Dory kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiwi. Naalala ko pa tuloy ang ginawa kong pagtakas.
* - *
Nangangaso ang prinsipe kasama ang iilang kawal sa kagubatan ng kaharian nila. Wala kasi siyang magawa kaya napag-isipan niya na lamang na maghanap nang pwedeng libangan ng pansamantala, malapit na rin naman ang pasukan ng akademya kaya ibig sabihin ay babalik na naman siya sa buhay estudyante. Natigil rin ang misyon ng mga guardians kung kaya't mas lalo siyang nayayamot sa palasyo nila.
Panay lang ang talon niya mula sa sanga ng isang puno patungo sa isa nang may tila ba may maliwanag na kung ano sa di kalayuan. Agad niya naman namang tinungo ito at agad naman siya napatigil nang mapagtantong portal ito. Mas lalo siyang napatigil nang may lumabas mula rito. Agad naman niyang hinawakan ang espada at inihanda ang sarili sa pag-atake.
Agad niya namang nahalata na tila ba hinihingal ito at para bang may pinagtataguan. Napatigil naman ito saka inilibot ang paningin. Mas lalong napataas ang kilay ng prinsipe nang makita niyang may tinatawag taong lumabas mula sa portal. Nang marinig niya ang malumanay na boses nito ay agad niya ring napagtantong babae ito.
"But it seemed like she's harmless.", bulong ng prinsipe sa sarili. Pero bago pa nga makapunta sa kung saan ang dalaga ay agad na siyang lumundag patungo sa harap nito. At agad rin naman itong napatigalgal marahil ay dahil sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot niya mula sa kung saan.
"Sino ka at bakit ka napadpad rito?", tanong ng prinsipe rito habang nakatutok ang espada niya sa may leeg nito. Wala siyang planong saktan ang babae, gusto niya lang muling marinig ang boses nito, sa malapitan. Hindi ito sumagot kung kaya't tinanong niyang muli ito.
"Sino ka at bakit ka napadpad rito?", pansin niyang tila nangamba ito nang biglang dumating ang kawal at pinalibutan sila. Rinig na rinig niya ang bilis at lakas ng tibok ng puso nito pero hindi niya mabasa ang tinatakbo ng isip nito na siyang nakakapagtaka. He has the ability to read minds, pero bakit hindi niya mabasa ang iniisip ng dalaga?
"Naliligaw ako.", sagot nito kaya napahigpit ang pagkakahawak ng prinsipe sa kanyang espada. Papaanong maliligaw ito eh lumabas ito mula sa isang portal?
"Wala akong masamang intensyon! Naligaw lang talaga ako.", sambit pa uli nito at tila ba may balak na humakbang paatras. Kaya walang kung ano-ano'y sinubukang putulin ng prinsipe ang tali ng cloak nito upang makita ang mukha ng dalaga but in just a split of a second ay nawala na lamang ito na parang bula.
"NASAAN NA SIYA? HANAPIN NIYO!?", sigaw niya sa mga kawal kaya nagsialisan naman ito at hinanap ang dalaga. Agad naman siyang napangisi nang mapagtanto niya kung ano ang ginawa nito.
It's either she teleported or stopped the time, or maybe both. Napatingin naman siya sa damuhan at napatigil nang may makita siyang makinang na bagay. Isang anklet. Bahagya namang napangisi ang prinsipe nang mabasa niya ang tila ba pendant nito.
"Eris, that must be her name.", ani nito sa sarili saka ibinulsa ang anklet.
![](https://img.wattpad.com/cover/219703444-288-k366934.jpg)
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...