Chapter 13
"Anyare diyan?", rinig kong bulong ni Jave kay Vera nang madatnan niya akong nakasimangot. Tapos na ang P.E. subject namin and I really feel exhausted. Inis pa rin ako kay Calyx but all in all it felt good na tapos na rin ang klase namin.
"Bad mood iyan dahil kay Calyx.", sagot ni Vera kaya napangiwi si Jave.
"Halata ngang bad mood, nafe-feel ko ang dark aura niya hindi rin naman siguro tayo sisinghalan niyan ano? Saka marunong rin pala iyan mainis. Akala ko ngiti, tawa, at ngiwi lang ang alam niyang.", ani pa ni Jave kaya mas lalo akong napangiwi.
"Nako, hindi mo ba nakita kanina na umirap iyan?", bulong pa uli ni Vera kaya napabuga nalang ako ng hangin saka sila tiningnan.
"Kanina pa kayo nagbu-bulungan diyan. Nagbubulungan pa kayo eh rinig ko naman.", sambit ko kaya napangiwi silang dalawa.
"Ay rinig mo ba? Sorry naman.", sagot ni Vera kaya napailing nalang ako.
"Hindi ba tayo maglu-lunch?", tanong ko at nakita ko namang napatayo silang dalawa sa pagkakaupo sa bench.
"Sabi nga namin maglu-lunch na tayo, arat na!", anunsyo ni Jave kaya napailing nalang ako saka nagsimulang maglakad papuntang cafeteria. Nagsimula na rin akong mag-isip kung ano ang o-orderin ako. Gutom ako.
* - *
Pagkarating pa namin sa cafeteria ay agad rin naming nakita ang ibang guardians, this time kasama na nila si Entice kaya agad ring napangiwi si Jave.
"Ay nandito ang bruha.", bulong naman ni Jave na rinig naming dalawa ni Vera. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Calyx kaya sinamaan ko siya ng tingin saka inismiran. Akala niya talaga bati kami ah. Talagang ako pa ang napag-tripan niya kanina. Eh pwede namang si Vera!
Nag-order naman kami saka pumwesto sa isang table na di kalayuan sa mga guardians. Napangiwi pa ako nang tawagin ako ni Calyx! Nag-iinit pa rin ang ulo ko sa kanya.
"Oh still grumpy Chaos, aren't we?", aniya kaya nilingon ko siya saka siya ngitian. Iyong pilit na ngiti.
"Ha? Hakdog.", sagot ko kaya napanganga sina Beverly at Luke saka napahalakhak. Habang si Entice ay napatigil nalang saka pinigilan ang sariling tumawa. Ni pati sina Vera ay napatawa rin. Inismiran ko naman siya saka umupo at nagsimulang kumain.
"Oh gosh, Chaos. Saan mo iyon natutunan?", tanong ni Jave habang tumatawa.
"I just heard of it somewhere.", sagot ko kaya mas lalo silang napatawa.
"LT nun Chaos. Kahit naka-simangot ka ang cute at ganda mo pa rin.", sambit rin ni Vera kaya napailing nalang ako. Nang magsimula naman kaming kumain hanggang sa bigla namang napatigil sa pagkain ang lahat nang bigla silang may narinig na kumalabog. Nagtinginan tuloy kaming tatlo nina Vera. Saka napatingin sa may likuran. Agad naman naming nakita ang dalawang lalaking tila ba galit na galit sa isa't isa.
"Uh-oh.", bulong ni Vera kaya napangiw na lamang ako. Magpapalabas na sana ng kapangyarihan iyong isa nang biglang may nagsalita.
"Continue fighting, you're going to see yourself expelled by tomorrow.", sambit ng kakapasok palang sa cafeteria na si Prince Zeus. Nakasuot ito ng uniform. Parehas lang ang necktie nila ni Jave since parte rin siya ng 'Guardians', pero ang pin niya ay kulay cold. While ang badge niya ay kulay gold rin just as like as Prince Travis.
"Gold ang pin ni Prince Zeus, what does it mean?", tanong ko kay Jave.
"He's the top 1. While ang gold na badge niya means he's a prince. Gold rin ang badge ni Prince Travis iyon nga lang ay black ang pin niya since he's still considered as a beginner.", sagot ni Jave nakita ko namang napatigil iyong dalawang nag-aaway.
"Guardians, you should bring them to the Guidance.", sambit naman ng Prinsipe habang kalmadong naglalakad papuntang counter. Napailing nalang tuloy ako saka nagpatuloy na kumain. Nag-volunteer naman si Luke na siya na ang magdadala sa dalawa sa guidance kaya muli rin namang bumalik sa normal ang lahat. Except sa parang naging maingat yata ang iba at medyo nanahimik dahil sa presensya ng prinsipe.
Pero agad rin naman akong napatigil nang makitang napatitig sa akin sina Vera.
"What's with that look?", tanong ko kaya napataas ang kilay ni Jave.
"Akala mo nakalimutan na namin ano? Anong nangyari kagabi? Ikaw ah. Type mo pala si Prince--", di na niya naituloy ang sasabihin nang sinubuan ko na siya ng makakain.
"Kain ka pa, Jave. Mukhang gutom na gutom ka pa yata.", sambit ko saka siya nginitian. Nakita ko namang napangiwi ito saka ako inismiran. Inilingan ko naman ito saka nagpatuloy sa pagkain. Speaking of Prince, paano ko nga pala isasauli iyong sweatshirt?
* - *
"Oh my gosh! Sweatshirt talaga 'to ng prinsipe? Oh my gosh! Ang swerte mooooo!", napatili naman si Jave habang inaamoy ang sweatshirt.
"H'wag mo nalang kayang isauli? Ibigay mo nalang kaya sa akin?", binato ko naman si Jave ng unan ng dahil sa sinabi niya.
"Hahaha, funny Javey.", sarcastic na sagot ko kaya napanganga sila.
"Oh my gosh! Marunong ka palang mang-pilosopo!", napa-facepalm naman ako sa sinabi ni Jave.
"Andaming sides mo na ang nakita namin today! What an improvement!", sambit pa ni Vera kaya napailing nalang ako.
"Ewan ko sa inyo, akin na nga iyang sweatshirt. Labhan ko nalang muna saka ida-dryer. Nakakahiya naman sa kanya kung di ko lalabhan.", nakita ko namang napasimangot si Jave.
"Ay! Ano ba iyan! Mawawala ang pabango ni baby Zeus kapag nilabhan mo na!", reklamo ni Jave kaya nilapitan ko na lamang siya saka binawi ang sweatshirt.
"Pumunta ka na nga lang sa dorm mo, dinadaldal mo lang kami rito eh.", sagot ko kaya napanguso ito.
"Kabagot sa dorm eh.", sambit naman nito kaya napailing nalang ako.
"Sama nalang ako sa laundry.", sagot nito kaya nailing naman ito.
"I'll just change my clothes.", ani ko kaya napatango naman ito.
Pumunta nga kaming laundry room at nilabhan ang sweatshirt ni Prince Zeus halos ayaw pa itong bitawan ni Jave dahil hindi na raw niya maamoy ang si Prince Zeus. May pagkabaliw talaga. Halos ayaw pa nitong ibigay nang lalabhan ko na.
"Fine! Paalam Prince Zeus!", madrama pa nitong ani kaya napailing nalang ako. Hanggang sa nagulat nalang ako ng may mga imaheng nagsisulputan sa isip ko.
"Chaos?", napalingon naman ako kay Vera nang tawagin ako nito.
"Okay ka lang?", tanong nito at tumango naman ako.
"Ah oo, okay lang ako.", sagot ko saka siya nginitian.
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasíaNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...