Chapter 11
Nagsimula nga kaming maglakad papuntang cafeteria. Panay lang ang daldalan nila which is the usual. Parehas rin naman kasi silang dalawa na madaldal kaya ganyan.
"Pero di nga, kayong dalawa, uso ang bullying rito, aba! H'wag kayong magpapaapi! Kapag may gumalaw sa'yo, aba! Sabihin niyo sa akin kaagad!", natawa naman kaming dalawa ni Vera nang dahil sa sinabi ni Jave.
"Oo po Papa Jave.", sagot naman ni Vera kaya napatawa ako lalo habang si Jave ay napasimangot.
"Hmp, ako na nga itong nagmamagandang loob eh. Pero di nga, mukhang takaw atensyon pa naman itong si Chaos kaya mag-ingat kayo.", sambit niya kaya nailing nalang ako.
"H'wag ka nang mag-alala sa amin, kaya naman namin ang sarili namin. Saka si Vera pa ba?", sagot ko saka sila nginitian kaya napanguso nalang ang dalawa. Pagkapasok nga namin sa cafeteria ay agad rin namang napunta sa amin ang atensyon ng iba. May iilang napatigil, may iba ring napatitig. Napangiwi nalang tuloy ako.
"Ayan na, ang ganda mo kasi Chaos, hmp.", bulong ni Jave kaya napailing ako.
"Whatever Jave.", sagot ko saka inilibot ang tingin. Marami-rami na rin ang mga estudyante ngayon, pero hindi pa rin napupuno ang ang cafeteria. Nakita ko rin sina Beverly, pero wala si Entice, silang tatlo lang nina Calyx at Luke.
"Uy! The coast is clear. Wala ang bruhang si Entice.", ani ni Jave kaya napangiwi ako. Kinawayan naman kami nina Beverly kaya lumapit naman kami sa kanila.
"Morning, dito na kayo sa table namin makisalo.", sambit ni Beverly at tumango naman si Jave.
"Sure. Buti nalang wala iyong bruhang si Entice. Nasaan ba iyon?", tanong ni Jave at nagkibit balikat naman sila. Nakita ko namang panay ang sulyap sa akin nina Calyx kaya nginitian ko na lang sila.
"Ah sige, oorder na muna kami.", paalam naman ni Jave sa kanila kaya nagsitanguan naman ang mga ito. Nauna ako sa pila at hindi ko naman mapigilang hindi mapangiwi nang makitang ang babaeng nasa counter ay siya rin iyong babae kagabi.
"Morning miss. Ikaw iyong kasama ng prinsipe kagabi hindi ba?", napatigil naman ako sa pagtingin-tingin sa mga pagkain nang magsalita ito. Narinig ko pang napasinghap sina Jave at Vera dahil sa sinabi ni Ate.
"Ah oo po. Isang pancake nalang po at bottled water.", sambit ko nalang saka bahagyang sinulyapan sina Jave na nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.
"Sinong prinsipe? At anong kagabi? Aba aba aba Chaos ah. May sekreto ka pala.", napangiwi naman ako sa sinabi ni Jave.
"Ha? Wala naman.", sagot ko pero pinanliitan niya lang ako ng tingin.
"Kasama kagabi, anong nangyari kagabi? Aba, para ka namang others. Share ka naman diyan.", napabuga nalang tuloy ako ng hangin saka sila bahagyang nilingon.
"Pumunta akong cafeteria kagabi, sakto ring nandito ang prinsipe. Parang sabay lang kaming kumain.", sagot ko kaya mas lalong tumaas ang kilay ni Jave.
"Sinong prinsipe nga?", tanong ulit ni Jave kaya napabuga na lamang ako ng hangin.
"Si Prince Zeus.", sagot ko kaya mas lalong silang napanganga.
"Holy guacamole! Ang swerte mo!", sambit ni Jave pero mas lalo lang itong napanganga nang biglang sumabat sa usapan si Vera.
"Wait, iyong suot mong sweatshirt kanina! Don't tell me--", bago pa man niya maitukoy ang sasabihin ay agad ko nang kinuha ang order ko saka sila iniwan.
"Mauuna na ako sa table. Enjoy kayo sa pag-oorder.", sambit ko saka nagmamadali iniwan sila kaya hindi ko nakitang may makakasalubong na pala ako. Nagkabanggaan pa kami at muntikan nang matapon ang order ko nang mahawakan niya ito. Napasinghap nalang tuloy ako saka napatingala. Napatigil pa ako nang makitang si Prince Travis ito.
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...