Chapter 50

2.1K 51 0
                                    

Chapter 50

[A/N: Errors ahead!]

Third Person's Point of View

Ramdam na ramdam ng lahat ang tensyon sa pagitan ng mag-ama. Hindi makapaniwala ang mga guardians na ang ama pala ni Chaos ang may pakana ng lahat habang ang kampo naman nina Gregory ay hindi rin makapaniwalang papanig sa kina Chaos si Ronan.

"So, what are we actually waiting for? For the sun to set?", napatingin naman ang lahat nang magsalita si Ronan.

There's this smug look in his face na akala mo ay wala ito sa kalagitnaan ng away. Iwinigayway lamang nito ang wand niya at muli namang nagsipagbangunan ang mga ogres na kanina ay nakahalumpasay na sa lupa. Unti-unti rin namang nagsipagdatingan ang mga goblins.

"Lusubin sila!", utos nito sa mga kampon niya kung kaya't nagsimula na ring umatake ang kalaban. Biglang nagsidatingan ang mga paniking hindi pangkaraniwan ang laki. Halatang ang pinupuntirya ng mga ito ang mga guardians.

"Let's keep the group of 5, siguraduhin niyong hindi kayo mahihiwalay sa kasamahan niyo.", sambit naman ni General Casthello sa mga kasama. Lumabas naman si Stavros ang alaga ni Travis at ngayon ay may mga kasa-kasama na ito.

Nagsipagpalitan ang lahat ng atake. Parehas lang ang dalawang panig na tila ba hindi makalapit sa isa't-isa dahil na rin sa ayaw nilang ma-dehado kung sakali mang ma-corner sila ng kanilang mga kalaban kung mauuna silang humakbang papalit sa katunggali. Dumagundong ang kalangitan, gumalaw ang lupa at tila ba may kung anong umugong sa kung saan.

Rinig na rinig ng lahat ang mga yabag ng kung ano man ang siyang paparating sa gawi nila. Habang may naririnig naman silang mga huni ng ibon na mukhang papalapit na rin sa kung nasaan man sila naroon. Kasabay nang pagdating ng hukbo ng militar ng Therondia na sakay-sakay ng mga kabayong hindi pangkaraniwan ang laki ay siya ring pagdating ng hukbo ng grupo nina Gregory na siyang sakay-sakay sa mga malalaking ibon.

Ang itsura ng mga ito ay tila ba kagaya ng isang uwak ngunit mas mahaba ang tuka ng mga ito at may matatalas na ngipin. Nagbubuga rin ito ng kakaibang apoy na siyang kulay itim na akala mo ay nilalamon ang kung ano mang natatamaan nito.

Naglakad naman si Ronan patungo sa harap ni Chaos kaya napatingin sa kanya ang mga guardians. Kahit ang iilang tauhan din nito ay natigilan. Hinigpitan ang pagkakahawak sa wand saka nilingon si Chaos.

"I'll be the one to attack first, do your thing. Basta ba ay h'wag kang basta-bastang susugod nang ikaw lang ang mag-isa.", bulong ni Ronan kay Chaos.

"I appreciate the concern but I can handle myself.", sagot ni Chaos kaya napailing naman si Ronan. Lumingon na lamang ito sa harap saka iwinasiwas ang wand na hawak-hawak.

Nagsiatakehan naman ang lahat. Sa tuwing nagbubuga ng apoy na kulay itim ang mga ibon ay agad din naman itong hinihigop ng mga kasama ni Stavros at ibinibalik sa kalaban. Hinanap naman ni Chaos ang ama dahil tila ba bigla na lamang itong nawala.

Ipinikit naman nito ang mga mata saka pinakiramdaman ang presensya ng lahat. Hinanap kung saan nga ba nagpunta ang magaling niyang ama. Bigla naman siyang napamulat nang mahanap na niya kung nasaan ito. Ang mas ikinagugulat niya pa ang kasa-kasama ng ama niya.

"Chaos!", napatingin naman siya sa katabi nang bigla na lamang siyang hinila ng kung sino.

"Don't lose focus! Nasa gitna ka ng away for Pete's sake!", sambit ni Zeus kaya napalunok naman si Chaos.

"Pasensya na.", sagot na lamang ni Chaos saka sinulyapan ang mga parang palakang kulay asul na naglalaway ng asido.

"I can handle myself pala, ah?", pasaring naman ni Ronan nang masulyapan niya ang dalawa.

"Nawala si ama, kasama niya si ina.", sabi naman ni Chaos kaya napakunot noo naman si Zeus.

"Pumanig si Queen Olivia sa ama mo?", tanong ni Zeus at umiling naman si Chaos.

"Hindi, mukhang may mali eh.", sagot naman ni Chaos kaya naman ay hinila na lamang siya ni Zeus patungo sa isang tabi.

"Travis, utusan mo nga iyong isa sa alaga mo.", sambit ni Zeus.

"Na ano? Kita namang busy ako dito oh.", sagot ni Travis pero agad naman din itong napatigil saka nilingon si Chaos.

"May problema ba?", bulong niya kay Zeus nang mapansin niyang balisa si Chaos.

"Nawala si Gregory, ang sabi niya ay mukhang kasama nito ang si Queen Olivia.", sagot ni Zeus kaya naman tumango na lamang si Travis saka inutusan si Stavros na halughugin ang kapaligiran.

"Chaos?", tawag sa kanya ni Zeus nang mapansin niyang mukhang nawawalan na naman ng kontrol ang dalaga sa emosyon nito.

"Chaos!", muli niyang tawag dito saka tumingin sa gawing tinitingnan nito.

Nakita naman doon ni Zeus si Gregory na hawa-hawak sa may leeg si Olivia. Mapapansin mong hinang-hina na ito dahil sa mukhang hindi na ito nanlalaban mula sa pagkakahawak ng asawa.

"F*ck, stop her!", sigaw ni Ronan nang mapasulyap na rin ito kay Chaos at napansing nadadala na nga ito sa mga pakulong ginagawa ni Gregory.

Sinubukan namang hawakan ng dalawang prinsipe si Chaos pero hindi na nila ito nahawakan pa. She's burning! Nagkaroon naman ng malaking apoy na kulay puti mula sa kinatatayuan nito. Lahat ng mga nasa gawi ng dalaga ay nagsitilapunan dahil sa sobrang lakas ng enerhiyang inilalabas niya.

"Chaos! H'wag kang magpadala sa emosyon mo!", sigaw pa ni Travis pero tila ba wala ng marinig si Chaos. All of her attention was on her mother being held by his father, looking lifeless already.

"Pagsisisihan mo ito, Ama. Pagsisisihan niyong lahat ito!", sigaw ng dalaga kaya naman tila ba nabahala na ang lahat ng magsimulang lumutang ang dalaga. Unti-unti itong lumiwanag hanggang sa tila ba ay hindi na nila maidilat ang mga mata.

"Lumayo kayong lahat sa kanya! Layo!", utos ni Ronan dahil mukhang konti nalang ay mukhang masasama pa sila sa pagsabog ng emosyon ni Chaos.

"At this point, she's gonna destroy the whole kingdom.", bulong na lamang ni Zeus nang makitang hindi na magpapapigil si Chaos.

"She won't.", sambit ni Travis saka ito may itinuro. Agad namang tumingin si Zeus sa bandang itinuro ni Travis at nagulat nang may makita siyang kamukha ni Chaos.

And in just a blink of an eye ay nawala si Chaos sa ere at napunta na ito sa gawi ng ama nito. Tumilapon naman ang lahat ng nadaan ng dalaga at hinanap naman kaagad nina Zeus ang pigurang kamukha ni Chaos at nasa tabi na niya ito.

Kusang nabitawan ni Gregory ang ina ng dalaga at sinalo naman ito ng kamukha ni Chaos. Muli naman nawala sa tabi ni Chaos ang kamukha nito na siyang akay-akay ang kanyang ina.

Dumagundong naman ang kalangitan, umihip ng malakas ang simoy ng hangin, nagsiliparan ang mga uwak papalayo, nagsipagtakbuhan ang lahat ng mga nilalang papalayo ngunit huli na ang lahat.

Narinig naman nilang sumigaw ang dalaga. Ang huling nakita nalang ng mga kasamahan ni Chaos ay may puting barrier ang prumotekta sa kanila bago sila makarinig ng pagsabog.

[A/N: Nakalimutan ko password nitong acc ko, buti nalang naalala ko pa. I-uninstall ko kasi iyong watty then nung ibinalik ko na nakalimutan ko nalang pass, HAHAHAHA. Sorry for the super delayed update, na-busy rin kasi sa thesis. Babush!]

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon