Chapter 25
Matapos naming mag-usap ni Ama ay bumalik na nga ang Dean sa kanyang opisina. May pag-uusapan pa raw sila kaya agad na rin akong nagpaalam para na rin makakain na ako at baka maabutan ko pa si Vera sa cafeteria. Kakalabas ko palang sa opisina ng Dean nang sakto ring pagdaan ni Prince Travis sa harap ko, napatigil ako sa gulat.
"Oh! Nandito ka pa pala.", aniya saka ako pinasadahan ng tingin napangiwi tuloy ako.
"Ikaw nga rin eh nandito.", sagot ko kaya nailing naman siya.
"Kakain ka na?", tanong niya kaya hindi ko maiwasang hindi mapataas ang kilay. Ano na naman kaya ang trip ng isang 'to?
"Oo?", sagot ko kaya nailing naman ito.
"Sabay na tayo.", aniya naman kaya nanlaki nalang ang mata ko.
"Anong sabay tayo? Hindi ka pa ba kumain? Kanina pa ang dismissal ah.", sambit ko naman at nakita ko namang napairap ito kaya napangiwi ako.
"Required bang kapag dismissal diretso agad sa cafeteria para kumain? Dali na nga, ang dami pang satsat eh.", sabi niya kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin saka pilit siya na nginitian.
"Ha? Hakdog.", ani ko saka siya inunahan sa paglalakad. Mai-issue na naman kami nito, pero wala naman yata siyang pake kaya hahayaan ko nalang.
"Bilis nating maglakad ah, nagmamadali ka Ms.Autumna?", sambit niya nang masabayan na niya ako sa paglalakad.
"Hindi naman, Mr.Therondia. Dumidistansya lang ako sa'yo, baka akalain pa nilang type kita kaya palagi tayong magkakasama.", turan ko kaya napahalakhak 'to. Napairap nalang tuloy ako.
"Don't you worry, hindi rin kita type.", aniya kaya napaismid ako.
"But why would I distance myself to you, eh hindi nga kita type? Pfft.", dagdag pa niya saka napahalakhak ulit. Napa-facepalm nalang tuloy ako saka mas lalong dinalian ang paglalakad. Pinagtitinginan na kami kaya mas lalo ko pang binilisan ang lakad.
"Hey, Chaos babe, wait up.", agaran naman akong napatigil dahil sa tinawag niya sa akin. Nakita ko ring napatigil ang iba dahil sa narinig nila. Kaya nanlalaki ang mata kong nilingon ito pero sinalubong niya lamang ito ng ngisi. Kyaaaaaaah! Nakakabw*set na si Travis! Promise! Napahinga nalang tuloy ako ng malalim saka siya pilit na nginitian.
"Kailan niyo pa ho ako naging babe, mahal na prinsipe?", tanong ko at nagkibit balikat naman ito.
"A few seconds ago.", sagot niya saka ako walang kung ano-ano'y hinigit patungo sa cafeteria. Napabagsak nalang tuloy ang balikat ko, thinking na pagpe-pyestahan na naman ako nito ng ibang estudyante. Mas lalo pang sumama ang pakiramdam ko nang maalalang kailang kong maging low profile rito whole throughout sa pag-aaral ko rito. At ngayon, wala na! Makikilala at pag-uusapan na ako nang dahil sa prinsipeng ito! Kung hindi lang talaga siya prinsipe matagal ko siyang pinaghahampas at sinapak! Nakakabanas na siya!
"Oh? Ba't ganyan mukha mo, mahal na prinsesa? Galet na galet gustong manaket?", napatigil naman ako sa pag-iisip kung paano ako makakaganti sa pinagagawa niya sa akin nang marinig ko ang sinabi niya. Tinaasan ko pa siya ng kilay pero tumawa lang ito.
"Kinilig ka sa mahal na prinsesa? Pfft.", aniya kaya hindi ko na talaga mapigilang hindi siya batukan. Naiinis na talaga ako sa kanya. Mas gugustuhin ko pang susungitan niya ako kaysa ganito! Saka ba't pa nga ba ako pumayag na sumabay rito? Bw*set! Nakakapagmura tuloy ako nang dahil sa kanya.
"Aray ah. Makabatok, hoy prinsipe-nyenyenye! Whatever! Saka mo na ako kausapin about sa pagiging prinsipe mo kung ala prinsipe na iyang ugali mo. Kanina ka pa ah, naiinis na ako.", sambit ko kaya napaismid ito.
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...
