Chapter 20
"Ano ba iyang mga tingin niyo?", tanong ko kina Jave. Iba ang mga ngiti nito at kanina pa nila ako kinukulit.
"Mygosh Jave! Kung nandun ka, kikiligin ka rin talaga! Ilang beses siyang tinitigan at sinulyapan ni Prince Zeus! Nakausap pa niya at napatawa si Prince Travis! Pinahiram pa siya ng blazer! Kyaaaaah!", sambit pa ni Vera kaya napangiwi ako kaya halos kulang nalang ay kumislap ang mga mata ni Jave. Napa-facepalm nalang tuloy ako.
"Sino ba bet mo? Si Prince Zeus o Prince Travis?", tanong ni Vera kaya nailing ako.
"Wala, wala akong bet kaya tigilin niyo na ako at ipagpatuloy iyang pagkain niyo. Mababaliw na ako sa kakatanong niyo sa akin eh wala nga.", sagot ko kaya napaismid naman sila.
"Pero di nga, ang galing mo kanina Chaos. Light element ka pala, saka lightning kagaya ni Jave at vine manipulator.", napabuga naman ako ng hangin saka tinanguan si Vera kaya napanguso si Jave.
"Feeling ko tuloy mapapalitan mo ko sa pagiging top 2, andami mong ability saka nandiyan pa si Prince Travis. Meghed! My spot!", sambit ni Jave kaya natawa ako. Oo, kahit pala baliw ang isang 'to, eh siya pala ang pumapangalawa kay Prince Zeus. Kaya kapag wala si Prince Zeus at may gagawin silang mission ng mga guardians ay siya ang parang magiging leader nila.
"Baliw, hindi naman ako ganun kagaling.", sagot ko kaya napailing naman sila.
"Oo, ikaw na talaga Chaos. Ang humble mo.", ani naman ni Vera kaya nailing naman ako.
"Pero oo nga pala, bukas na ang mission namin kaya hindi ko kayo masasabayan.", turan naman ni Jave kaya agad akong napatigil saka napatitig sa kanya. Bukas na? Naalala ko naman ang nakita ko nitong nakaraan saka napalunok. I'm not pretty sure if may ibig bang sabihin ang mga nakikita ko, but that doesn't mean eh ipagsasawalang bahala ko nalang.
"Jave, mag-ingat ka.", seryosong ani ko kaya natawa naman ito.
"Grabe ka naman Chaos, hindi naman ganun ka delikado ang mission namin. Okay na nga sana, iyon nga lang kasama namin iyong bruha kaya sana talaga hindi kami mapano nang dahil sa kanya, tanga pa naman iyon.", sagot nito sa akin kaya napailing ako.
"But seriously, mag-ingat ka Jave. I mean it.", sagot ko kaya napaseryoso naman ito saka ako tinanguan.
"Oo na Chaos, mag-iingat ako. Ako pa ba? Ako lang 'to si Jave, ang maganda niyong kaibigan.", aniya kaya binatukan siya ni Vera habang ako ay natatawang napailing nalang.
"Nahiya naman kaming dalawa ni Chaos ano? Maganda? Saan?", pang-aasar ni Vera kaya napairap si Jave.
"Ikaw, mahiya ka. Si Chaos, hindi kasi maganda siya. Ikaw ang mahiya kasi pangit ka dzuh.", sagot naman ni Jave kaya natawa nalang ulit ako.
"Hoy Jave! Magpinsan tayo, remember?", sambit naman ni Vera kaya napatawa nalang ako. Kung ano-ano nalang talaga ang pinagsasabi ng dalawang 'to. Pero kahit ganun pa man ay hindi ko mapigilang hindi mag-alala kay Jave pero mukhang hindi naman yata 'to mapapahamak. I just really wish tho.
* - *
Hindi na namin naabutan si Jave kinabukasan since madaling araw ay umalis nga silang mga guardians. Hindi ko alam pero talagang kinakabahan ako.
"Okay ka lang? Kanina ka pa parang hindi mapakali?", napalingon naman ako kay Vera nang magsalita ito.
"Huh? Oo naman, okay lang ako.", sagot ko sa kanya na siyang tinanguan niya lang naman. Papunta kami sa cafeteria nang mapansin naming panay ang bulungan ng ibang estudyante. Hindi tuloy namin maiwasang hindi magtaka.
"Ano kayang meron, hindi ba?", tanong ko kay Vera at nagkibit balikat naman ito. Papunta kami sa counter nang marinig ko ang pinag-uusap nila.
"Cancelled lahat ng morning classes hindi ba?", tanong nung isang babae sa harapan namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/219703444-288-k366934.jpg)
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasiNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...