Chapter 26

3.2K 95 27
                                    

Chapter 26

"Yes Chaos, my mother is a sorcerer. I'm half mage, half sorcerer. That's my secret."

"Yes Chaos, my mother is a sorcerer. I'm half mage, half sorcerer. That's my secret."

"Yes Chaos, my mother is a sorcerer. I'm half mage, half sorcerer. That's my secret."

Paulit-ulit naman iyong pumasok sa utak ko. So his father was dethroned because of it? Kasi nagpakasal ito sa isang descendant ng sorcerer? Like woah. Pero hindi naman lahat ng sorcerer masasama. It was written in the history books.

Just like Aling Dory. Pero kung iisipin, halos lahat naman kasi ang alam, once you're a sorcerer, you're already the bad guy. Kaya nga napilitang magtago at itago ng iilang mababait na sorcerers ang identity nila dahil sa may mga hunters na sinusubukang ubusin ang lahi nila, for they were called as the 'salot' here in our world.

Matapos sabihin ni Prince Travis ang rebelasyong iyon ay nagpaalam rin naman agad ito sa akin na may gagawin. Ni hindi man lang ako hinayaang tanungin siya why is he doing or should I say why is he casting a spell to Jave. But it was a healing spell, that means he's doing it to help Jave.

Pero kung sakali mang na-dethrone ang papa niya as King dahil sa pagpapakasal sa isang sorcerer, then does that mean, alam ng iba na half sorcerer siya? But why does it feels like no one knows about it. Napabuga naman ako ng hangin nang kinatok na ako ni Vera.

"Chaos?", ani nito habang sinisilip ako sa may pinto.

"Hmm?", tanging sagot ko naman sa kanya kaya napasimangot ito.

"Kain na tayo? Dinner time na.", sambit niya kaya napabangon naman ako mula sa pagkakahilata. Nakauwi na kasi ako kanina pa magmula nang makapag-usap kami ni Prince Travis habang siya ay binantayan niya naman si Jave sa may clinic. Mukhang dumaan lang ito rito para yayain akong mag-dinner.

Kumuha lang ako ng sweatshirt para ipatong sa manipis kong t-shirt na suot. Makikitaan na kasi ata ako kung iyon ang susuotin ko. Mas lalo pa akong pag-uusapan. But it's not like wala ring mga babaeng estudyante rito na  mukhang nakulangan na ata ng tela ang damit.

"Anong pinag-usapan niyo ni Prince Travis kanina uy, chika mo naman.", aniya kaya natawa na nailing na lamang ako nang dahil sa kanya.

"Wala ah, ano bang meron? Wala naman kaming pinag-usapan. Nagtanong lang ako if may balita na ba siya sa kung gagamutin ng healers si Jave. Medyo matagal na rin siyang walang malay baka may ibang epekto na pala iyon sa kanya.", paliwanag ko naman sa kanya kaya napanguso ito.

"Akala ko pa nanan nag-confess na kayo ng feelings niyo para sa isa't isa.", turan niya kaya natawa nalang rin ako lalo. Ba't ba ako nas-ship sa mga prinsipe. It's not like I'm somehow special o di kaya ay sadyang bored lang talaga sila tho.

"Wala akong nararamdaman para sa kanya." diretsahang sagot ko kay Vera kaya napanguso naman ito. Hindi pa naman ako baliw para ilapit ang sarili ko sa mga taong hindi ko na naman gaanong  kilala. Pagkatapos rin naman nun ay tahimik nalang kaming dalawa habang tinutungo ang daan patungo sa cafeteria.

Pansin kong medyo konti lang rin ang mga estudyanteng kumakain ng dinner ngayon. Kadalasan kasi tuwing dinner puno ang cafeteria, it feels weird kung ba't walang estudyante ngayon.

"Wala yatang masyadong nakain ngayon.", sambit ko kay Vera at tumango naman ito.

"Baka hindi sila gutom?", sagot niya kaya napangiwi na lamang ako. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to. Pagkarating rin naman namin sa counter ay agad rin naman kaming nag-order, and when we were about to take a seat ay biglang nagsalita iyong staff.

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon