Chapter 19
"Morning everyone. I'm Prince Zeus, and I'll be your instructor for today since Prof Howler need to do some errands.", parang bagot na sambit nito kaya napangiwi na lamang ako. Ano naman kaya ang gagawin namin ngayon? Napasulyap naman ako sa iilang kaklase ko at may iilan pang nakangangang nakatingin sa prinsipe napailing nalang tuloy. What's so special about him tho? Except for his white hair, wala na naman akong nakikitang kakaiba. Napasulyap naman ako kay Travis nang makitang parang nababagot rin ito kaya hindi ko mapigilang mapaismid. Magpinsan nga sila.
"So let's start with the basic. You're going to show me your abilities, so I can assess your level. But it should be pair, and since I know you had your class in self defense yesterday, I'm pretty sure that Prof Dior already did the pairing. So kung sino man ang pair niyo yesterday, would be your pair today as well.", aniya kaya nakangiwing napatingin ako kay Travis. He's my pair right? Pero ba't kailangan pa pair? Hindi ko naman mapigilang hindi mapairap at muntikan na akong masamid nang makitang nakatingin si Prince Zeus sa akin. Mukhang nakita niya pa yata ang pag-irap ko.
"Why by pair? Because all of you have to do duel. Now, go to your pair.", anunsyo niya naman kaya mas iilang napasinghap. Grabe na talaga ang academy na 'to. Napahinga nalang tuloy ako ng malalim saka napatingin kay Travis na nakatingin na rin naman pala sa akin. So I have to fight him huh?
We were given 5 minutes para pag-isipan kung ano raw ang gagawin namin sa duel, o pagplanuhan kung ano ang ipapakita namin. Hindi naman raw kailangang talunin namin ang isa't isa since ang gusto niya lang raw namin eh makita niya kung gaano na namin kagamay ang kapangyarihan namin. Napasulyap naman ako kay Vera na nakikipagtawanan lang sa pair niya. Good for her. Alangan naman kasing makipagdaldalan ako kay Travis, sabi nga ni Prince Zeus hindi ba? I shouldn't cross beyond the line. Napairap nalang uli tuloy ako.
"Are you okay? You look pissed.", napatingin naman ako kay Travis saka siya tinaasan ng kilay.
"Yes, I'm fine. So what's the plan?", tanong ko nalang sa kanya at nagkibit balikat naman siya.
"A duel, we need to fight that's the plan.", sagot naman nito kaya muli na naman akong napairap.
"By the way, the puppy--", napatingin naman uli ako sa kanya.
"Yes, what about it?", tanong ko kahit alam ko na naman ang sasabihin niya. Maybe he'll say na nawawala ito since tinakasan na nga sila ni Elias.
"Nawala nalang siya.", aniya kaya nagkunwari akong napatigil saka siya tinaasan ng kilay.
"That's good. Edi wala na kayong po-problemahin.", sagot ko kaya kaya nailing naman siya.
"Why so grumpy Chaos?", tanong niya saka ako tinitigan sa mata kaya inismiran ko siya.
"I'm not grumpy Prince Travis.", sagot ko sa kanya saka napabuga ng hangin at inilibot ang tingin. Bahagya pa akong napangiwi nang makitang nasa isang tabi lang si Prince Zeus, nakasandal sa may dingding habang naka-cross arms. And he's staring at us. Napahinga nalang tuloy ako ng hangin saka iniiwas ang tingin at tiningnan si Vera na nakangisi lang habang nakatingin sa akin. Tinaas baba pa talaga ang kilay niya. Mag-iisip na naman iyan ng kung ano-ano mamaya, at ikukwento itong lahat kay Jave for sure.
After a few minutes ay nagsimula na nga ang duel. Nawala ang mga upuan sa gitna kaya sa sahig kami nakasalampak habang nanonood sa nagduduel sa gitna. Isang shape shifter at stone manipulator. Hindi ko pa mapigilang hindi mapangiwi nang gumawa iyong stone manipulator ng isang dambuhalang ogre na gawa sa bago, at nag-transform into bull ang shape shifter. They were about to clash, na alam kong magkakaroon talaga ng malakas ng impact nang pinatigil na sila ni Prince Zeus.
"That's enough. Both of you are good. Next.", ganyan lang ang sinasabi niya. Using his monotone voice. Nagmumukha tuloy siyang bored. Sina Vera na pala ang sunod. Ang partner niya ay isang weapon summoner. Naging kalmado sa una ang duel nila not until nagpalabas ng isang napakalaking espada iyong weapon summoner at pinags-slash ang mga shadows na minamanipulate ni Vera. Nakita ko namang nainis si Vera kaya in just a snap may isang napakalaking halimaw na naman ang biglang lumitaw na gawa sa shadown. Vera even made a whip gamit ang shadow. At bago pa man nila ulit atakehin ang isa't isa ay pinatigil na sina ng prinsipe. Sayang, gusto ko pa naman sanang makita kung ano ang kinalalabasan ng away nila. Ilang kaklase ko pa ang nagduel hanggang sa turn na nga namin ni Travis. Tumayo naman kaming dalawa at pumunta sa gitna. Hindi ko pa mapigilang hindi mapasimangot nang magbulungan ang mga kaklase ko.
'Nako, baka kulelat iyang si Chaos kay Prince Travis. She looked weak.'
'Yas, baka sa ganda lang talaga siya may ibubuga.'
'True, baka isang labas lang ng prinsipe ng kapangyarihan eh ipatigil na niya ang duel.'
Narinig ko pang napahagikik si Vera kaya napapikit nalang ako ng mariin saka huminga ng malalim tiningnan ang mga kaklase kong nagbubulungan saka sila nginitian. Bahagya silang napatigil pero kalaunan ay napangiwi rin sila. Narealize na narinig ko ang pinagbubulong nila. Napatingin naman ako kay Travis saka siya tinaasan ng kilay, as if I'm asking kung ano na plano niya. Nagpalabas naman siya ng chain na gawa sa dark element. So he really can manipulate darkness huh? Halos nagmumukhang shadow ang minamanipulate niya pero mafe-feel mo talaga ang energy na inilalabas nung dark element kaya alam mong isang hampas lang sa'yo nung chain eh siguradong mapupuruhan ka. And before he could do anything to me, ay naglabas nalang ako ng puting apoy saka itinapon sa gawi niya. Napasinghap naman ang lahat dahil sa ginawa ko samantalang si Travis ay napangisi.
"Light element huh?" aniya kaya napairap nalang uli ako. Nagpalabas naman siya ng chain, but this time may parang thorns na ito and he's positioning himself na ibato ito sa akin. Iba rin ang trip ng isang 'to, eh imbes na whip ang ipanglalatigo sa akin talagang kadena pa talaga. Nailing nalang tuloy ako ng naiwasan ko nga ang atake niya. I just snap at biglang may tatlong buhawing papunta sa gawi niya. Pero nagulat nalang tuloy ako nang biglang may humila sa akin, si Stavros. It's as if ibabalibag niya ako kaya tumalon ako saka nag-spin sa ere at sinipa siya ng napakalakas. Hindi nito inaasahan ang ginawa ko kaya nabitawan niya ako at natapon siya sa kabilang side ng classroom. Muntikan pang matamaan ang mga kaklase ko buti nalang ay nagsialisan na sila dun. Sinamaan ko nalang tuloy si Travis ng tingin saka nagpalabas ng ilang phoenix at pinapunta sa gawi niya. And before he could even run ay nagpalabas pa ako ng iilang vines. At biglang nagpakawala ng kidlat papunta sa gawi niya but before it could struck him ay itinigil ko rin ito. Nagsalita na rin kasi si Prince Zeus.
"That's enough.", seryosong ani nito kaya napahinga nalang tuloy ako ng malalim. Saka ko lang na-realize na tatlong ability pala ang naipakita ko. Lightning, vine and light manipulation. Nakangisi pa rin si Travis nang lumapit na uli ako sa kanya. Magkatabi kasi raw ang mag-pair. At since hindi pa tapos ang iilang kaklase ko kaya kailangan kong tumabi sa kanya at hindi ko alam kung anong nakakatuwa kasi panay lang ang ngisi niya.
"Galing natin ah? And nice legs by the way.", aniya kaya nanlaki nalang tuloy ang mata ko nang maalala kong nag-spin nga ako sa ere so makikita talaga ang legs ko. Hindi ko naman mapigilang hindi siya hampasin, napahalakhak nalang tuloy ito kaya natigil ang mga kaklase ko saka napatingin sa amin.
"Is there anyting funny, Mr.Therondia?", tanong ni Prince Zeus kay Travis at umiling naman ito.
"Nothing, Mr. Therondia.", sagot pa nito kaya nailing nalang tuloy ako saka sinamaan ng tingin si Travis at ibinaling ang tingin sa may gitna. May nagdu-duel na pala, napatigil lang sila dahil sa lakas ng tawa ni Travis. Napatingin naman ako sa gawi ni Vera at nakitang pinanlakihan niya ako ng mata as if she's saying na magkwento ako mamaya. Napangiwi nalang tuloy ako saka napaismid. Kukulitin talaga ako ng isang 'to, mamaya. And that would be annoying kapag sasali pa si Jave. Nailing nalang tuloy ako saka hinayaan nalang si Vera. Napasulyap naman ako kay Prince Zeus at nahuli ko naman itong nakatingin sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay pero hindi ito nagpatinag.
'Your skirt, ayusin mo. Makikitaan ka.',sambit nito kaya agad naman akong napasulyap sa skirt kong bahagya palang hindi nakaayos napangiwi nalang tuloy ako saka inayos ang pagkakaupo ko sa sahig. Saka muling tiningnan si Prince Zeus pero wala na sa akin ang atensyon nito nasa nagdu-duel na. Pero napatigil nalang tuloy ako nang biglang inilapag ni Travis ang blazer niya.
"If you're uncomfortable, use my blazer.", aniya kaya napangiwi nalang tuloy ako. Ano bang problema sa akin ng magpinsang 'to?
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...