Chapter 10

3.7K 125 5
                                    

Chapter 10

Napahinga nalang tuloy ako ng malalim saka tinanggap ang sweatshirt at sinuot ito. Napakagat labi pa ako nang maramdaman ko ang mga titig nito sa akin. Tumingin naman ako sa kanya saka siya nginitian ng bahagya. Tiningnan ko pa ang ekspresyon niya sa mukha kung magbabago o hindi. Medyo tumaas lang ang kilay nito but all in all, nanatili pa rin ang poker face nito.

Tahimik naman kaming naglakad papunta sa dorm namin. Mag-iinsist pa sana ako na h'wag na nga niya akong ihatid pero baka akalain niyang nag-iinarte ako. Panay lang ang pagtingala ko sa kalangitan para tingnan ang mga nagkikinangang bituin.

"Why do you looked so nervous?", napatigil naman ako nang marinig kong magsalita ito. Ang lamig talaga ng boses niya!

"Ha? A-ako?", sagot ko sa kanya at halos muntikan ko nang masapak ang sarili nang mautal pa ako. Naman Chaos, nakakahiya. Napailing naman ito sa sinabi ko kaya napahinga nalang ako ng malalim, nakakahiya. Why do I feel intimidated by him? Kasi he looked so high and mighty?

Makalipas nga ang ilang minutong paglalakad ay narating na nga namin ang dorm ko.

"Ah sige, salamat.", ani ko saka yumukod. I never imagined myself na yuyukod sa iba. I'm a princess for pete's sake. We, royals, doesn't need to bow down to anyone, kahit sa kapwa namin royals. Tinanguan lang ako nito at aalis na sana nang maalala kong suot-suot ko pa ang sweatshirt niyang umaabot ang haba sa tuhod ko.

"Wait! Iyong sweatshirt mo.", pigil ko rito kaya napalingon ito sa akin. Umiling naman ito kaya napangiwi ako.

"You can give it back to me tomorrow.", aniya saka tuluyang umalis napakamot pa ako sa ulo nang hindi man lang ito nagsabi ng good night. Ayaw niya sigurong magsayang ng laway. Napabuga nalang tuloy ako ng hangin saka umakyat sa kung saan ang kwarto namin ni Vera. Inaantok na ako. Pagkarating ko nga sa taas ay ininom ko lang iyong chocolate milk saka natulog. Hindi ko alam but I feel comfortable sleeping wearing his sweatshirt.

* - *

"Hoy Chaosiah! Gising uy! Ma-late pa tayo! Aba! Chaos!", napangiwi naman ako nang may narinig akong boses na sumisigaw or what. Mas lalo pa akong napangiwi nang maramdaman kong may yumuyugyog sa akin.

"Hhmmmm, ano ba Vera.", sagot ko saka napahikab at dahan-dahang bumangon.

"Anong oras na ba?", tanong ko sa kanya at agad ko namang nakitang nakaligo na ito. Napangiwi pa ako nang makita ko itong naka-cross arms at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

"Gusto mong ma-late? First day na first day. Maligo ka na, dadaanan raw tayo si Jave para sabay tayong mag-breakfast.", ani nito saka napatingin sa suot ko kaya napasulyap nalang rin ako rito at nanlaki ang mga mata nang makita kong iyong sweatshirt pala ni Prince Zeus!

"Kanino iyan? Mukhang wala yata iyan sa gamit mo, amoy lalaki pa.", puna pa nito kaya nanlaki ang mata ko.

"Ha? Hindi ah, akin 'to iyon nga lang di ko inilabas. Oo na, sige na, maliligo na ako.", sagot ko nalang saka siya pinalabas sa kwarto ko. Napabuga nalang tuloy ako ng hangin saka napatingin sa sweatshirt na suot ko. Inamoy ko pa ito at naamoy ko nga ang pabango ng prinsipe. Kailangan ko nang maghanda, saka paano ko naman kaya ito isasauli hindi ba? Ngayon pa naman ang sinabi niya. Tomorrow nga raw hindi ba?

* - *

Pagkatapos kong maligo at magbihis ng uniform ay agad ko na ngang narealize na ang cute nga ng uniform namin. Ang plaid skirt ay aabot lang 3 inches above the knee, kulay navy blue. Ang blouse naman nito ay kulay white na may ribbon pa na kulay maroon sa may dibdib, imbes yata na necktie ay ginawa nalang nilang ribbon. May kasama pa itong blazer na ¾ ang sleeves. May bulsa ito sa left side at dun rin ipi-pin ang badge and pin namin na may pangalan.

Naka-depende na rin sa'yo kung anong isusuot mong sapatos, you can wear rubber shoes or what, as long as it's color black, pati rin ang pagsusuot ng knee socks. And since I'm not fond of knee socks ay hindi na nga ako nagsuot nito. Nakita ko kasi ang ankle boots ko and I think it will be good if iyon ang susuotin ko. I just tied my hair into a high ponytail and I'm done.

Pagkatapos ko ngang i-check ang laman ng bag ko ay napagpasyahan ko na rin namang lumabas na sa kwarto. Sakto ring paglabas ko ay siya rin namang paglabas ni Vera kanyang kwarto. Bahagya pa itong napatigil at napatitig sa akin sa napanganga.

"Woah! I didn't know na babagay pala ang ankle boots sa uniform natin! Ba't parang hindi ka naman yata pupuntang klase! Nagmumukha kang manika lalo!", Napangiwi pa ito saka napaismid nang makita niyang nakangiwi lang ako.

"Hmp, ang gifted mo talagang babae ka! My gosh! Mukha ka ngang prinsesa eh! Ang prim and proper mo! Pati pagsasalita mo ay kalmado lang. Alam mo iyon? Lalo na nung una kitang makita!", aniya pa kaya napatigil ako.

"Well, di nga, baka magulat nalang ako ah? Malaman ko nalang na prinsesa ka pala sa kung saan, mas lalo talaga akong maiingit sa'yo.", dagdag pa niya kaya mas lalo akong napangiwi lalo na't totoo ngang prinsesa ako.

"Ha? Paano naman mangyayari iyon, halika na nga lang.", sagot ko saka siya hinila palabas ng dorm. Pagkababa nga namin ay agad rin naman naming nasalubong si Jave na gwapong-gwapo sa suot niyang uniform.  Gray ang necktie niya, napalingon naman ako sa iilang estudyante na pasulyap-sulyap sa gawi namin.

"Ba't gray ang kulay ng necktie mo, Jave?",  tanong ni Vera at nakita ko namang napangiwi si Jave.

"Guardians", sagot niya kaya napatango naman kami. Bahagya pa itong napanguso nang pasadahan niya ako ng tingin.

"Hakdog ka talaga Chaos! Kahit anong susuotin mo bagay sa'yo.", sambit nito kaya napatawa nalang ako.

"Punta na ngalang tayo sa cafeteria, akala ko ba ayaw niyong ma-late sa first day natin ano?", sagot ko sa kanila kaya napatango na lamang ito at sinunod ako. Ramdam ko pa rin ang tingin nung iilang estudyante pero hindi ko lamang ito pinansin. I feel excited for our first day at the same time, natatakot rin ako. It's as if something's going to happen. Hindi ko nga lang alam kung maganda ba or what.

[A/N: If may errors man or what, pagpasensyahan niyo na. Tinatamad akong magre-read HAHAHAHAHA.]

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon