Chapter 6
"I'm Chaosiah, you can call me Chaos.", sagot ko saka tinanggap ang kamay at nakipag-handshake saka siya nginitian. Napatitig pa ako sa kanya nang mapansin kong tila ba titig na titig siya sa mukha ko. Napanganga naman ako nang bigla itong tumili.
"Kyaaaaaaaahh! Ang ganda mo sissy!", aniya pa habang tumitili kaya napangiwi na lamang ako sa kanya. Bakla siya? Napatalon-talon pa ito kaya bahagya akong sumulyap kay Vera at nakita ko ring napangiwi ito at napakamot sa ulo.
"Hoy Javenson! Tinatakot mo si Chaos! Hakdog kaaaa!", sambit ni Vera kaya napangiwi rin ako samantalang si Jave naman ay napairap saka napasulyap kay Vera at tinaasan siya ng kilay.
"Ikaw Vera ah, h'wag mo kong matawag-tawag na Javenson! Jave! And dzuh, of course, I'm a hotdog that's why I'm into hotdog as well.", sagot nito sa kanya saka tila nag-flip hair kahit wala naman talaga siyang mahabang buhok. Tumingin naman uli ito sa akin saka ako nginitian.
"Halika na sissy, mygosh, ang pretty mo.", aniya saka ako hinigit pababa at tumungo sa dining. Madaldal na si Vera, pero mas mukhang madaldal si Jave, baka maubos ang energy ko dahil sa kanilang dalawa.
* - *
Panay lang ang kwentuhan nila habang kumakain kami. Tahimik lang akong kumakain nang bigla silang magsilingunan sa akin. Napatigil tuloy ako sa pagkain saka sila tiningnan.
"May problema ba?", sambit ko at si Vera naman ang sumagot.
"Game ka? Pasyal tayo sa pamilihan. May carnival ngayon kasi Biyernes.", aniya kaya tumango naman ako.
"Okay lang.", sagot ko saka ngumiti at nakita ko namang napakurap-kurap sila. Iba nga yata talaga ang epekto ng ngiti ko. Should I keep a straight face then? Nakakaasiwa kapag bigla nalang silang natulala. Eh hindi naman yata ako ganun ka-ganda.
"Ayon oh.", sambit naman ni Jave saka sila nag-apir ni Vera.
* - *
Matapos nga naming kumain ay nagsiunahan na sina Vera sa pagpunta sa mga kwarto nila. Magbibihis na raw sila. Hindi naman halatang excited sila ano? Hindi ko naman mapigilang hindi matawa nang mag-bangayan pa sila habang nag-uunahan sila sa pag-akyat ng hagdan.
"Pasensya ka na sa kanilang dalawa hija ah? Ganyan na kasi talaga sila. Mag-isa lang rin naman kasi si Jave sa bahay nila since parehas na busy sa trabaho ang magulang niya kaya kadalasan ay dumidito muna iyon bago magpasukan.", ani ng ni Tita Prescilla kaya napatango naman ako.
"Ang cute nga po nila. Halatang malapit talaga sa isa't isa.", sagot ko kaya napatango naman si Tita.
"Ikaw rin, magbihis ka na. Masyadong excited iyong dalawa lalong ipapasyal ka nila kaya baka ilang minuto lang ay tapos na iyon.", tumango naman ako saka nagpaalam sa kanyang pupunta na akong kwarto.
Nagbihis lang ako ng isang off-shoulder dress na hanggang above the knee ang haba. Kulay green ito at simple lang ang disenyo. Binraid ko naman ang buhok ko saka nagsuot ng sandals. Makalipas pa ang ilang minuto ay kinatok na nga nina Vera ang kwarto ko. Kaya agad ko rin naman silang pinagbuksan ng pinto at bumungad naman sa akin silang nakanganga. Ayan na naman ang reaksyon nila kapag nakikita ako.
"May problema ba?", tanong ko sa kanila at umiling naman silang dalawa saka napalunok at nagsiiwas ng tingin. Nakasuot lang ng kulay maroon na t-shirt si Jave at khaki shorts habang si Vera ay nakasuot ng kulay yellow na dress. Bagay naman sa kanila ang suot nila na mas lalong nagdedepina ng mga physical features nila.
Parehas silang kulay black ang buhok, pero kulay tsokolate ang ang mata ni Vera, light brown to be exact, habang ang kay Jave ay kulay grey. Gwapo nga sana siya, pero ika-nga niya kanina, sa lalaki rin siya nagkakagusto.
"Hindi pa ba tayo aalis?", tanong ko kaya walang kung ano-ano'y hinila na nga nila ako pababa at nagpaalam sa magulang ni Vera. At since malapit lang naman raw ang pamilihan ay napagpasiyahan nilang maglakad nalang. Para na rin daw makapag-kwentuhan kami.
* - *
"Galing ka sa kabilang kaharian diba? Anong masasabi mo, alin ang mas maganda, itong amin o iyong kabila?", tanong ni Jave habang naglalakad kami. Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiwi dahil sa tanong. How am I supposed to answer that?
"Ha? Parehas namang maganda. May kanya-kanyang unique features. Saka there's no need to compare the two. Baka mas-misunderstood ba kapag sagutin ko iyang tanong mo.", sagot ko kaya napaismid si Jave samantalang si Vera ay napatango-tango.
"Kunsabagay, pero di nga Chaos, anong kapangyarihan mo? Akin kasi lightning, habang sa duwendeng iyan ay shadow manipulation.", napatigil naman ako sa tanong ni Jave. Nakita kong napairap si Vera nang tawagin siyang duwende pero hinayaan niya na lamang ito at tumingin na lamang sa akin. Naghihintay sa magiging sagot ko.
"Secret.", sagot ko saka bahagyang tumawa para hindi na sila mangulit pa at naunang naglakad.
"Ay unfair! Di nga, ano nga Chaos?", tanong pa ni Vera kaya ang naging topic nga nila habang naglalakad kami ay tungkol sa kapangyarihan ko. Panay ang pustahan ng dalawa sa kung ano ngang ability ang neron ako.
Muntikan pa silang magkapikunan pero buti nalang ay na-distract sila ng mga food stalls. Kaya ang nangyari ay nagsipaunahan na naman sila sa paghila sa akin papunta sa mga food stalls na gusto nila. Hindi ko naman mapigilang hind mapangiwi nang ganadong-ganado pa sila sa pagkain kahit na kakain palang namin kanina.
Pagkatapos nga nilang kumain ay nagsimula naman kaming maglibot-libot. May nagtitinda ng tela, mga seeds ng mga pananim, mga palamuti sa bahay at may mga accessories pa. Nadaanan pa namin ang isang bookstore at papasok na sana kami nang biglang napatigil si Vera at napatingin sa isang stall kung saan ay dinudumog ng mga tao.
"Ano kayang meron dun?", tanong ni Vera at hindi ko naman alam pero nagtinginan naman sila saka ako sabay na nahigit papunta dun. Isang fortune teller. Manghuhula. Pero kadalasan ay hindi naman totoo ang sinasabi nila. They're just feeding their customer's desires.
"Naniniwala kayo sa ganyan?", tanong ko at tumango naman sila.
"Oo, bakit ikaw? Hindi ba?", napangiwi na lamang tuloy ako saka umiling.
"Hindi eh.", sagot ko kaya napanguso si Vera.
"Pero wala namang masama kung magta-try tayo hindi ba? Saka mura lang naman. Halika na.", ani nito saka dali-daling lumapit sa manghuhula.
* - *
"Ano iyon! Mahahanap ko na ang magiging mortal enemy ko? Anong ibig niyang sabihin? Aish!", naiinis na sabi ni Vera.
"Buti pa nga sa'yo mortal enemy lang! Eh ang akin nga ang magpapabalik raw sa pagkakalaki ko! Like eww! Over my hot and gorgeous body!", tila ba nandidiring ani ni Jave kaya hindi ko naman mapigilang hind matawa. Pati na rin si Vera ay napahalakhak na rin.
"Eh ikaw ba? Anong sinabi sa'yo?", baling nila sa akin.
"Ewan, she just said that my life is about to change. Na may dararing raw na kung sino ang magpapabago sa buhay ko, that would make na happy and sad. Hindi ko nga rin gets ang sinabi niya.", sagot ko kaya napakunot noo naman silang dalawa. Hindi talaga iyon ang sinabi ng fortune teller but it's better to keep it secret. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko sa mga sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...