Chapter 8

4.4K 134 17
                                    

[Author's note: Dalawa ho ang prinsipe ng kaharian nila. Isang prinsipe, iyong leader ng guardians at ang anak nung dethroned king which is si Prince Travis. At dahil sa dalawa nga ang prinsipe natin, the question is sino sa dalawang prinsipe ang nakita Chaos? Hulaan niyo, BWAHAHAHAHA. Enjoy reading ev'ryone!]

Chapter 8

Halos iyon pa rin ang bukam bibig nina Vera habang tinatahak namin ang daan pauwi. Ni pati pagdating sa bahay ay iyon pa rin ang pinag-uusapan. Kesyo ang swerte ko raw dahil nakausap at nakasama ko iyong Prinsipe. Eh hindi ko nga alam na siya na pala iyong sinasabi ni Jave kanina.

Makalipas rin ang isang linggo ay dumating na rin ang araw para magpunta sa academy. Linggo ang napagpasyahan naming araw para kinabukasan na agad ang pasukan. Naayos na rin naman raw ng mga magulang ni Vera ang pagpasok namin kaya wala na kaming po-problemahin pa. Pagdating nga lang raw namin dun ay dadaan kami sa may registrar para kunin ang uniporme namin.

At imbes nga na Chaosiah Eris Velarys ang gagamitin ko ay magiging Chaosiah Autumnia na. Gagamitin ko ang apelyido ni Aling Dory. Pagkababa ko naman ay kitang-kita ko namang tila excited nga si Vera habang si Jave ay nakasimangot. Hindi niya raw matanggap na tapos na ang bonding time namin. Nagbabalak pa nga itong bumalik sa beginner's level para makasama kami.

"What's with the face, Javey?", nakangiti kong tanong sa kanya nang tuluyan na nga akong makababa. Sa buong linggong pananatili ko rito ay naging komportable na ako sa kanila. And for the first time, may maituturing na akong kaibigan. Napanguso naman ito saka inismiran.

"Nakakadiri pakinggang ang Javey, Chaosiah. Wala lang, ba't ba ang dali lang ng araw? Ayoko pang sumabak sa missions!", parang batang ani nito kaya napatawa ako na agad ko ring itinigil nang makitang napatitig sila sa akin. Hindi pa rin talaga sanay nakikita akong nakangiti at tumatawa, napapatitig pa rin sila sa akin. Para raw kasing lumiliwanag ang paligid kapag tumatawa o ngumingiti ako. Parang mga baliw.

"Hayst, ang ganda mo talaga. Nako! Nako! Nako! Pag-iinitan ka talaga ng mga inggitera sa academy.", sambit ni Jave kaya napailing naman ako.

"Eh ako? Hindi?", nakangiwing ani ni Vera kaya napaismid naman si Jave.

"Siya pag-iinitan dahil sa ganda niya, ikaw pag-iinitan dahil sa kapangitan mo at kadaldalan.", sagot ni Jave kaya walang kung ano-ano'y hinila ni Vera ang buhok nito. Kaya ang nangyari ay nagsabunutan sila na natigil lang nang dumating nga ang Daddy ni Vera at sinita sila. Humingi pa ito ng paumanhin sa akin na siyang inilingan ko at nagsabing sanay na ako sa kanilang dalawa. Napailing nalang tuloy ako nang magsiirapan sila saka tumungo sa labas ng bahay.

Hindi ko naman tuloy mapigilang hindi mangamba, magbabago kaya ang pakikitungo nila sa akin sa oras na malaman nilang ako ang prinsesa ng kabilang kaharian? Napabuga na lamang tuloy ako ng hangin saka sumunod sa sa kanila. Bahala na nga lang.

* - *

Lulan na kami ng karwahe at halos dalawang oras na kaming nagba-biyahe. Malayo pala ang academy.

"Malayo pa, Jave?", tanong ni Vera at tumingin naman sa labas ng bintana si Jave saka may itinuro.

"Nope, ayun na oh.", sagot niya kaya sabay kaming dalawa ni Vera na napasilip sa bintana saka napanganga. Kung ikukumpara mo ito sa akademya sa kaharian namin.

'Therondia Academy'

Napakurap-kurap pa ako nang makita ko ang pangalan ng academy sa itaas ng malaki at matayog na gate. Therodia Academy, gawa pa yata ito sa purong ginto. Well, ano pa nga ba ang aasahan ko? This is the land of magic. Walang imposible rito. Pero kahit ganun pa man ay hindi rin naman papahuli ang kaharian namin. Masagana sa mineral at yamang lupa ang aming kaharian. Kaya hindi mo rin naman masasabing dehado kami.

Chaos: The Madness Within (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon