Chapter 4
Agad naman akong napangiwi nang mapansin ni Aling Dory ang punit sa damit ko. Napakamot naman ako sa ulo ko saka siya bahagyang nginitian. Ayoko naman siyang pag-alalahanin pa kaya mas pinili ko na lamang na umiling kaysa magkwento pa.
"Ah, wala po. May nangyari lang pong kung ano habang patungo ako rito.", sagot ko kaya napatango naman ito. Halata pa sa mukha nito ang pagtataka pero hinayaan niya na lamang ako. Buti nalang. Ayoko namang ikwento ang nangyari, pero nagtataka pa rin talaga ako kung bakit ako napunta dun.
"Malapit lang po ba rito ang kagubatan ng kabilang kaharian Aling Dory?", tanong ko at agad naman itong napailing.
"Hindi, bakit mo natanong hija?", sagot nito kaya hilaw na lamang akong napangiti.
"Ah wala naman po, magbibihis nalang po muna ako.", sambit ko saka tiningnan si Elias na nakangiwing nakatingin sa akin.
'Ako ang may kasalanan. Nagbukas ako ng portal pero napabitaw ka pala sa akin kaya sa magkaibang lugar tayo nadala.', aniya sa isip ko kaya bahagya na lamang akong napanganga. Siya naman pala. Akala ko pa naman may kung ano na ang nangyari kaya ako napadpad dun.
'Okay lang, salamat pala sa pagsama sa akin.', sagot ko rito gamit ang isip ko kaya napatango naman ito. Napabuga na lamang tuloy ako ng hangin saka tinungo ang aking silid. Makapagbihis na nga lang.
Nang makapasok nga ako sa kwarto ay agad rin naman akong napatigil nang tila ba may naramdaman akong nawawala. Nanlalaki pa ang mata ko saka sinulyapan ang mga binti ko. Ang anklet ko! Nawawala!
* - *
Hindi naman ako mapakali nang hindi ko mahanap ang anklet ko. Sinabihan ko rin si Elias na tulungan akong maghanap pero wala talaga. Unless sa kagubatan sa kabilang palasyo ko iyon naiwala. Napakagat labi naman ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Elias, mukhang alam ko na yata kung nasaan ang anklet ko.", sambit ko kaya agad naman itong napatingin sa akin.
"Mukhang dun yata sa kagubatan ng kabilang kaharian. Ang problema nga lang ay paano kung 'nakita iyon ng prinsipe'.", agad ko namang nakitang napakunot noo si Elias.
"Paano kung?", tanong niya dahil sa binulong ko na lamang sa sarili iyong panghuli.
"Paano na'tin iyon mahahanap eh ang laki ng kagubatan?", sagot ko kaya napatango naman ito.
"Okay lang, hihingi ako ng tulong sa kapwa ko elves na dun nakatira. Baka mahanap nila. Pasensya ka na talaga Chaos mukhang importante pa naman iyon sa'yo.", sambit nito kaya napailing naman ako.
"Hindi mo naman iyon kasalanan Elias, saka salamat. Ako dapat itong humihingi ng pasensya dahil baka nakakaabala na ako sa'yo.", ani ko kaya napailing naman si Elias.
"Ano ka ba, wala lang iyon. Oras na nga pala kumain, lumabas ka na rin.", turan nito kaya tumango naman ako, kalaunan ay lumabas nga rin naman ito sa kwarto kung kaya't napahinga nalamang ako ng malalim saka napahawak sa kwintas ko.
Regalo ko ito kay Serenity, pero ibinalik niya rin sa akin bago siya tuluyan mawala. Ang regalo ko sa kanya ay kwintas samantala ang regalo niya sa akin ay anklet. Ang pendant ng kwintas ay ang pangalan niyang 'Eirene', samantalang ang sa anklet ko naman ay 'Eris'.
Serenity Eirene and Chaosiah Eris.
Mapakla na lamang tuloy akong napangiti habang inaalala ang iilan sa mga oras na kasama ko si Serenity. Magkamukha kami pero magkaiba ang kulay ng mata at buhok namin. Ang sa kanya kasi ay kulay tsokolate ang mata at ang buhok ay kulay itim. Ibang-iba sa kung anong meron ako. Masiyahin siya at mahilig makihalubilo, kabaliktaran ko. At gusto siya nina Ina at Ama, na siyang ni minsan ay di ko man lang naramdaman.
"Chaos hija? Kakain na.", napaigtad naman ako ng biglang may kumatok sa may pinto. Ni hindi ko namalayang lumuluha na pala ako. Napalingon naman ako sa may bintana at agad rin naman akong napangiwi nang makitang umuulan. Bahagya pa akong napaismid nang bigla pang kumulog at kumidlat. Napabuga na lamang tuloy ako ng hangin saka tumayo.
'Hindi ngayon ang oras para mag-drama Chaos.', tanging sambit ko sa sarili saka lumabas sa aking silid.
* - *
Ilang araw akong namalagi sa tirahan ni Aling Dory. Minsan ay tumutulong ako sa pananahi niya dahil sa wala rin naman akong magawa. Ngayon ang araw kung saan ay pupunta na ako sa kabilang kaharian. Imbes kasi na susunduin ako ay ihahatid na lamang ako ni Aling Dory para iwas takaw tingin na rin.
"Maayos na ba ang lahat, hija?", tanong ni Aling Dory at tahimik na lamang akong tumango habang nanatiling nakatingin sa kanya. Gustuhin man naming mag-portal ay ayaw rin naman ni Aling Dory na magsayang ng mahika para lamang sa aming paglalakbay. Saka minsan lang rin naman raw ako makakalabas kung kaya't mas maganda raw kung magkakarwahe kami. Naglakad pa kami palabas ng pamilihan at agad ko rin namang nakita ang sasakyan namin.
"Chaosiah", napatigil naman kaming lahat nang marinig namin ang boses na iyon. Si Ama! Dali-dali ko naman itong nilingon at agad ko rin naman nakita si Ama na siyang nakatingin lamang sa amin.
"Chaos, pasok na sa karwahe.", sambit ni Aling Dory kaya papasok na nga sana ako sa karwahe nang magsalita pa ulit si Ama.
"Hindi ako naririto para kunin si Chaos, I was just wondering if she's doing fine kaya ako naririto. I have no plans on telling this on Olivia so there's no need to worry about her.", ani ni Ama kaya napatigalgal na lamang ako habang nakatingin sa kanya. Bahagya pa akong nagulat nang ngumiti ito sa akin.
"Hindi na ako magtatanong pa kung saan mo dadalhin si Chaos. Just make sure that she won't be in danger. She's still the princess of the kingdom and..", nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya ng napatigil ito sa pagsasalita.
"And she's my daughter so I hope that you'll take care of her.", napakagat labi naman ako sa sinabi niya. Saka ko lang naalala na sa pagitan nilang dalawa ni Ina ay mas malapit ako sa kanya. Hindi ganoon kalapit pero kung iyong titingnan ay mas ramdam ko ang pagiging magulang niya sa akin kaysa kay Ina. Aalis na sana ito nang bigla akong magsalita.
"Ahm, can I hug you before kayo umalis?", tanong ko kaya napatigil ito saka ako tiningnan.
"Sure", sagot niya kaya walang kung ano-ano'y lumapit sa kanya saka siya niyakap. And for the first time, nayakap ko ang ama ko. And I was able to feel his warmth.
[A/N: Eirene is the greek goddess of Peace and Eris is the greek goddess of Chaos, skl. HAHAHA.]
![](https://img.wattpad.com/cover/219703444-288-k366934.jpg)
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...